"Rizza? Si Hilton?" tanong ko kay Rizza. Kauuwi ko lang ngayon mula Hongkong, Dalawang linggo ako roon para sa ilang business. "Ay, Sir Jhon, umalis po, kasama po si Ate Lea at Maam Alex, ipapasyal daw po si Hilton," sagot nitong bigla naman akong dinagsa ng matinding kaba na hindi ko alam kung bakit. "Fvck!!! Wala ba silang kasama?" nag-aalala kong tanong. "Wala po ako napansin, Sir. Dumating po kasi kanina si Maam Alex, sakto po naman na narinig po n'ya na nagsasabi sa amin ni Ate Lea si Hilton na gusto raw pong pumunta ng Mall para maglaro, eh ayaw nga po namin payagan ni Ate Lea kasi nga po wala ka pa, kaso si Maam Alex po, ayon inakit si Hilton, s'ya na raw po ang bahala sa inyo." sagot nito, na hindi ko na nagawa pang tumugon at agad na rin akong muling bumalik sa labas ng Mansyon

