I happily feels the love by this man beside me. Marahan 'kong hinahaplos ang makinis niyang mukha. Nakahiga siya sa pagitan ng mga binti ko, nakatanaw kami ngayon sa magandang tanawin ng city. Nasa itaas kasi kami ng bukirin. We love this place so much, we have so much memories in this place.
Bahagyang gumalaw si Ren, hudyat na gising na siya. Malumanay niya 'kong hinalikan sa noo.
" Uwi na tayo? " pag-aanyaya niya sa'kin. Matamis ko naman siyang nginitian.
Masaya kaming naglakad pababa ng bundok.
" If you like, wanna join me again in your favorite seafood restaurant? " nakangiti niyang tanong sa'kin. I'm allergic in seafoods.
" Oo ba! Basta libre mo ha? " pagloloko ko. I'm sorry.
" Lilith, kung ikaw yung makakasama ko sa pagtanda. Anong maibibigay mo sa'kin? " Pagtatanong nito ulit.
" My understanding, loyalty and love. " maikling saad ko.
" Hmm, bakit? " may pagtatakang tanong nito.
" Iintindihin kita kahit mahirap na, ikaw parin ang pipiliin ko kahit anong mangyari dahil mahal kita. " wala sa wisyo kong sagot.
" Ano? "
" Hehe, wala. Sabi ko ba't ang cute, cute ko? " naiilang 'kong sabi sa kanya.
" Kasi ang chubby,chubby ng cheeks mo! " He pinch my cheeks after.
" Waaaaahhh, mashaket! " naiiyak 'kong tinatanggal ang kamay niya sa pisnge ko.
Bungisngis siyang tumingin sa'kin, I wish he knew that I really love him.
" Ang cute mo talaga, Lilith. My only Lily, I love you. " marahan niya muling hinagkan ang noo ko.
" Ang lapad ng noo mo, Lilith ko. " Bumungisngis na naman niyang sabi.
" Lilith, lilipad na ang eroplano! HAHAHAHA! " tawang-tawa siya habang tumatakbo palayo sa'kin.
" Waaaaahhh, Ren! Lagot ka sa'kin! " tatakbo narin sana ako ng madapa ako kaagad.
" Kyaaaahh! Tae ng baka! "
---
" How's your day, My dear Sachi? " tanong ng kapatid kong si Lilith.
" Did you enjoy the night with my boyfriend? " ngising tanong niya pa sa'kin.
" Then, did you enjoy the night with Rob too? " balik tanong ko sa kanya.
" Oh, yes. Alam mo bang ang saya-saya kasama ni Rob sa kama, My dear twin. " I looked away, how dare she!
Rob is my bestfriend back then, nagkagusto siya sa'kin. But, I don't feel the same way. Alam niyang gustong-gusto ko si Ren noon pa. The day he confessed, the day I rejected him. The next day, nililigawan na niya si Lilith.
I was so sorry and felt betrayed, gumawa ako ng paraan para makahingi sa kanya ng sorry. Pero nilalayuan niya ko.
I asked a favor from my twin sister, dahil siya lang naman ang nilalapitan sa'min ni Rob.
Alam kong lahat may kapalit pag sakanya ako lumalapit. I dunno why, she always feel disgusted when I'm around. Hindi naman kami ganito dati. Nang maging sila ni Ren, okay naman kami. But, after the day na kinausap ako ni Ren nag-iba na siya. She's not my twin I know.
Kakausapin raw ako ni Rob pag nagpanggap akong si Lilith sa harap ni Ren and he should not know the existence of Sachi. Di nila alam, noon pa man. Nagpapanggap na akong si Lilith.
Rob never forgived me, Wala naman akong masamang nagawa? I just love his twin. Masama bang magmahal?
This day, I will reveal everything.
---
" bat' 'di mo pa ginagalaw pagkain mo, Lilith? " tanong sa'kin ni Ren.
" W-wala, wala akong ganang kumain ngayon. " there's no willingness that he can hear in my voice.
Kunot-noo siyang tumingin sa'kin, " May problema ba? " his concern voice makes me sorry, malungkot akong tumingin sa seafood sa harapan ko.
" I'm s-sorry, Nagpapangga- " natigil ako sa pagsasalita ng biglang makarinig kami ng sigaw sa kabilang table, mukhang nag-aaway ang mag-asawa at bigla nalang sinampal ng lalaki ang babae. Lahat kaming tao ay nagulat at napasinghap.
" Bat mo ko niloko? Kaya pala, kaya pala. Kasi hindi ka babae! Bat di mo sinabi kaagad sa akin ha?! " galit na galit na sigaw ng lalaki.
" Frel, low down y-your voice please. Madaming tao, nakakahiya " nanginginig na sabi ng babae.
" Wala akong pakialam! Bakit? Nahiya ka ba sa'kin? Ayumi? Babaeng-babae ang pangalan pero letche! Bakla! " sigaw muli ng lalaki. Walang gustong pumigil sa away nila, dahil sa laki ng katawan ng lalaki at galit na galit ito. Kahit ang mga staff ay 'di makagalaw sa takot.
Hinila ako palabas ni Ren sa restaurant at dinala ako sa kotse.
Tahimik lang kami sa loob, mas lalo akong kinakabahan. Sasabihin ko na ba?
" Lilith, can I ask you? " tanong ni Ren sa'kin.
" A-ano yun? " tanging nasagot ko.
" Saan kita unang hinalikan? " pagsisimula niya. 'Bat niya ba tinatanong? Hindi kaya?
" Sa noo, syempre. " sagot ko. Nakatingin lang ito sa manibela.
" Anong unang binigay ko sayo nung nag-away tayo? " tanong niya pa ulit.
" Seafood. " maikling sagot ko.
" Bakit mo ko sinagot? " pagtatanong niya ulit.
" Kasi gusto kita. " diretsong sagot ko.
" Who are you? " may galit sa matang tingin niya sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko ang maslalong bumilis ang t***k ng puso ko.
" R-ren? " gulat na gulat ko tawag sa kanya.
" Sabihin mo, sino ka?! " galit na galit na sigaw niya. Napasigaw ako sa takot.
" S-sorry. " iyak na sagot ko sa kanya.
" All I know you we're my Lilith, pero all this time niloloko mo ko? " galit na sabi niya sa'kin.
" Asan si Lilith ha?! " malakas na sigaw niya, napapikit ako sa takot. Para siyang papatay ng tao, but I know him he never will.
" N-nasa bahay- " 'di ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang pinatakbo ang kotse ng mabilis.
Pikit-mata akong nakakapit sa seatbelt, natatakot ako. Inaasahan ko naman na ganito ang mangyayari pero hindi ako nakahanda sa sakit. I can't breathe.
Gulat akong hinila ni Ren palabas ng kotse, He tightly hold my wrist. I whine every time na sumasakit lalo ang paghawak niya.
Galit niyang binuksan ang pintuan, dinaanan lang niya si Mang Jam sa gate. Nang mapatingin ako sa kanya gulat ito at nagaalala sa'kin. I murmur that I'm okay, it's okay.
Mabilis siyang naglakad papunta sa itaas, nag-aaray na ako sa sakit ng braso pero mukhang parang wala siyang naririnig.
" Asan ang kwarto ni Lilith? " galit at may diin niyang sabi. Tinignan ko ang kulay pulang kwarto. Nakita ko sa may hallway ang yaya namin, mukhang may sasabihin ito pero natatakot siya.
Hindi pa kami nakalalapit sa pintuan maririnig mo na ang mga halinghing galing sa kwarto ni Lilith.
Maslalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, I silently cried.
Kasalanan ko to.
It always be my fault.
Always be me.
Pinihit niya ang doorknob at titig na titig sa hubo't - h***d na si Rob at Lilith. Ng init ang pisnge ko sa mga nasaksihan ko. Gulat na gulat sina Lilith at Rob sa taong nasa harapan nila. They never not expected this so soon.
Matalim na tinitigan ni Ren si Rob at naglakad palayo, nakayuko akong naglalakad papunta sa kwarto ko ng biglang may humila sa'kin at kinaladkad ako palabas ng bahay at pilit sinakay ng kotse.
The route are going to the place we used to be. Sa mountain.
Ilang minuto pa, saglit kaming tumigil sa harap ng convience store ng kilala naming kaibigan.
Sinama niya akong pumasok roon, nakita ako ni Hyeshumaru at kunot-noong nakatingin sa ekspresyong pinapakita ni Ren. Nasa counter ito, at kami ata ang customer niya ngayon. Hila-hila ako ni Ren hanggang sa makakuha siya ng beer papuntang counter.
" You want durex? Strawberry, vanilla or chocolate?. Teka, kakabili niyo lang dalawa ah! " takang-tanong ni Hyeshumaru sa'min.
" Ikaw Rob, alagaan mo naman yang si Sachi mo. Hindi yung oras-oras kayong naghahoneymoon. " face palm niyang sabi. Matalim naman siyang tinignan ni Ren, kelan talaga nalilito parin siya sa'min.
" Ren? Sorry hehe, akala ko si Rob saka si Sachi. Ewan ko ba sa dalawang yun. Sorry din Lilith ah? " I looked away as she said the last word.
Inis na nilagay ni Ren ang perang papel sa counter at hila-hila ulit ako palabas. Hindi man lang kinuha ang sukli. Sayang pwede ko pa yun pang taya sa Lotto.
---
" So, you're Sachi? " mapaklang tanong niya. Agad niyang nilagok ang unang boteng binuksan niya.
" Sa-Sachi, Oo." sagot ko.
" Kelan niyo pa ko niloloko? " tanong niya pa ulit, diretsong nakatingin ito sa city lights.
" Nung una mo kong dinala dito. " Nanginginig 'kong sagot, siguro dito na kami magkakaintindihan. Dito narin ako mamatay sa lamig.
" I was 17 years old back then, I was fall inlove by her Angel face. Unang-una naming pagkikita sinampal niya ko, sinabihan pa 'kong manyak sa harapan ng mga tao. Nainis ako nung time na yun, kaya dinala ko siya dito. Dito kami unang nag-away but in the end nagkabati kami, naging close kaagad. We have some similarities. Pero umalis siya kaagad putlang-putla. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Ilang weeks ulit bago kami muling nagkita, sinungitan niya ko. Di ko alam kung bakit, ang sabi pa niya hinalikan ko daw siya sa harapan ng ex niya. Nagtataka ako nun pero tinawanan ko nalang at binigyan siya ng pagkain. Halatang comfort food niya ang sushi. Kaya araw-araw palagi 'kong pinapagawa kay Rob yun kasi mahilig din siyang kumain nun. I tried many times to make a sushi, pero palpak. Kaya kay Rob ako nagpapagawa. Nakita ko siya with her, she's smiling like nothing would come and down her. I wanna be the reason of her smile, pero kada napapangiti ko siya parang hindi joyful ang mga ngiti niya. Hindi ko nakikita ang ngiting pinapakita niya sa kambal ko. I ask her, if she knows Rob. Alam mo ang sinagot niya? He doesn't know Rob at all. Kaya hinuli ko siyang kasama si Rob, nung time na yun. Pumunta siya sa garden, inis na inis ko siyang tinanong. Kung gusto niya ko, tulala lang siya. Di makasagot. Bigla akong kinabahan ng namutla siya, bigla niya akong iniwan. Matapos ang araw na yun? Hindi ko na nakikitang magkasama sina Rob. Niligawan ko siya, humingi ako ng tawad. Kinalimutan ko na parang walang naganap na ganon, ni hindi ko rin tinanong si Rob. Mailap sa'kin yun, we never talk. Sinagot niya ko, lahat ginawa ko. Pero something bothering me, I don't know why. Then this past few months? May naging kakaiba sa kanya, she's something sweet then the next day magiging cold. Minsan namumutla siya, tinanong ko siya about dun. Sabi niya wala lang. " He talks, dalawang bote na pala nainom niya. I can't stop him, baka magalit siya sa'kin.
" Sachirin?" Tawag niya. Ano daw? Napatingin ako sa kanya, litong-lito.
" H-huh? " takang tanong ko.
" sachiRIN, " salita niya pa. Kumunot ang noo ko.
" S-A-C-H-I-R-I-N"
" Sachirin? "
" Ano? " tanong ko.
" Ikaw ba yung namumutla everytime na nagagalit ako? " mahinang sabi niya habang binubuksan ang ika-tatlong bote. Tumango ako bilang pagsagot.
" bat' ka namumutla? Natatakot ka ba sa'kin? " tanong niya pa.
" Hindi, kada nagagalit ka. Ang lapit-lapit ng.... m-mukha mo. " sagot ko.
" Diba dapat namumula yun? " tanong niya habang humiga sa binti ko.
" I can't breathe. "
" Bakit? " pikit-matang tanong niya.
" 8 " sagot ko nalang.
" 10 " biglang sabi niya. Napaisip naman ako sa 10. Bakit 10?
" I was wrong all this time, mali yung niligawan ko, mali din yung sinaktan ko. I'm not worth it. " saad niya.
" Bakit? " natanong ko nalang.
" Cause your the one I've been fall in love in the first place. Ikaw yung minahal ko. But, I courted the wrong person. And I hurted you. " He looked at me.
" Ren? Pano kung hindi kita gusto? " malungkot na sabi ko.
" You love me. " He surely said.
" Pano mo naman nasabi yan? " tanong ko sa kanya, halata bang gusto ko talaga itong lalaking to?
" Naalala mo yung nakatulog ako dito? Hinalikan mo nga ako eh! FYI, gising ako nun! 'Di nga ako makatulog! " may ngisi sa labi niyang sabi.
" H-huy! Imagination mo lang yun, U-ugok ka! " sigaw ko at hinampas siya.
" Sige, ikaw naman matulog. Tapos ako naman hahalik, hehe. " bungisngis niyang sabi.
" Kyaaaaahhh! Lasinggg!"
" Waaahhh, rapeeee!"
" wag po! "
" bata pa po ako! "
"Kyaaaaaaahhh! "
Tawa lang siya ng tawa tapos ako naman takbo ako ng takbo palayo sa kanya hanggang sa nadapa ako.
" Yakkk! Tae ng kambing! " humagalpak ng tawa si Ren sa sinapit ng mukha ko.
" Waaaaaaahhh! " tili ako ng tili, sino ba naman hindi matataranta? Halos puno ng tae yung mukha ko.
" HAHAHAHA " natatawa pa rin yung ugok na yun, tinawanan lang ako. Di' man lang ako tinulungan, maiiyak na sana ako ng maramdaman 'kong may pumupunas ng basang tela sa mukha ko.
" Lahat nalang ata ng tae dito sa bukid ginagawa mong make-up, pft. " pigil-tawa ni Ren. Sumimangot ako sa hiya at inis.
" Ren? " tawag pansin ko sa kanya.
" Hmm? " sagot niya habang pinupunasan ang mukha ko.
" Bakit 10 sagot mo sa 8 ko? " tanong ko sa kanya.
" Huh? " takang tanong niya, habang binabasa niya ulit ang panyo niya ng tubig.
" Diba sabi ko I can't breathe tapos nagtanong ka ng bakit then sagot ko 8 tapos sumagot ka sa'kin ng 10. " nakangusong paliwanag ko sa kanya.
" Alam ko meaning ng 8 mo, sa 143. 1+4+3 = 8 mathematical numbers for I LOVE YOU, then nag add ako ng 2. So 10. " nakangiting sagot niya sa'kin.
" Sachirin? "
" Bakit? "
" I love you "
" 10 "
" Hmp! " inis niyang tinapon ang panyo.
" Hehe, I love you too. Kahit wala tayong label. "