Chapter 19

3325 Words
Buong araw,nag training lang kami. Nag cutting pa kami dahil dito. Dalawang linggo na namin ginagawa toh. Everyone's making progress. Bute nga eh. Naalala ko naman bigla si Sam,Hays, Siya kasi yung lage kong kalaban pag physical training. Best friend ko din yung hayp na yun. Kahit sira ulo yung lalaking yun,Naging importante siya samin. "Queen G?" Napa tingin ako sa baba,May batang babaeng naka ngiti sa akin. May lollipop din siya at ang cute nya ah. Siguro 3 or 4 years old siya."KinJi?"tanong niya "Hi" Nag bend ako para kasing height ko siya, Ang cute omg!! Ay weyt. Familiar siya. "Samara?!" Napalingon kami pareho sa sumigaw. Oo nga! Si Samara pala toh! "Dada!" Binuhat agad siya ni Tyler, Ang cute niya oh! "Alright, Everybody take a break!"Sigaw ko Nag pahinga silang lahat habang ang tropa lumapit samin. Nagulat naman ako nung tumakbo palapit samin si Rex habang si Zace naka ngisi at inaabot sa kanya yung batang lalaki. Si Ice ata yun. "Oi Rex! Kunin mo na si Ice oh!"biro ni Zace "Zace tama na uy! Waa! Azce tulong!!"" Halos mamatay na kakatawa yung mga loko habang si Rex patuloy sa pag layo. Ngumisi si Ianne at lumapit kay Azce at may binulog. "Oi Daddy! Buhatin mo na daw si Baby sabi ni Mommy!!" Tuluyan kaming natumba at grabe ang pag tawa, Madami pa ngang nakitawa eh. Ayun namula ang dalawa. Binaba ni Zace si Ice at nag kamot ng batok, Si Rex tumitingin sa kung saan. "I--ah..I'll be back"aba sabay pa sila mag salita pati sa pag alis "Silang dalawa pumoporeber!~ " kanta ni Kora sa tono ng closer Tumakbo sakin si Baby Ice. Binuhat ko naman siya. "Hi!"masiglang bati niya Ang cute!! Omg! "Ice, That's Tita Nix."sabi ni Tyler at tumabi sakin "Ang cute ng anak mo Tyler"sabi ni Elisse at nilaro laro pa si Ice "Syempre, Mana sa tatay*pogi sign*"potragis ng yan. Kala mo naman totoo! "Asa ka TyTy"I teased "Waa! Bal! Why can't you just go with the flow!"He yelled I laughed when Samara playfully covered his mouth then said. "Noisy Dada" Everyone laughed so hard even Ice laughed. Tyler got Samara's hands off his mouth and just shook his head. Ang aga mo namang naging ama Tyler, Kahit hindi mo anak sinayo mo na. Ang bait mo talaga kambal. Haha, Swerte mo pa. Yung anak kase ng crush niya simula nung bata pa kami, Aba siya pa ang naging Ama-Ama . Swerte mo kambal! "Bute na lang talaga lumipat ka sa Gemlyn High Ty. Kundi hindi kami masasama sa mga kalokohan niya."sabi ni Azce Nagngitian na lang kaming lahat. "Oo nga. Bute talaga. Tignan mo dumami pa tayo! ."ngiti ni Tyler habang si Samara pinaglalaruan ang buhok niya "Naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo"biglang sabi ni Aera"Tignan mo oh naalalabko tuloy sila Tyler at Nix nung mga bata pa kami!" Oo nga. Ako din eh. Mas baliw nga lang kami ngayon. Narinig ko biglang tumunog yung phone ni Ianne, pasikreto niyang binuksan iyon. Napairap naman siya bigla at nag chat. Hmm, Sino kaya yun? Ianne's POV Aysh. Nag text ang kupal. Hmp. Ano nanaman?! Ay shet. Ano daw?!?! Paulit ulit ko tiloy binasa yung pinaka huli. Ano daw?! Omg!! I love you daw?! Ay weyt Ianne, kalma. Cassanova yan kaya madali lang mag bitaw ng ILoveYou yan! Wushu! Pano itech? Namumula ako! "Ianne." Napalingon ako. Naka tingin sakin si Queen G, With matching ngisi. "Aysh, Tomato face" Hala, namumula nga mukha ko! Oh shet na malupet! "Sino yun?"tinuro niya yung likuran ko"oi! Si Carvin pala!" Bigla akong napalingon. Wala naman ah, Teka. Humarap uli ako kay Queen G. Ayun tawa ng tawa. Malupet ah. Grabe siya! "Oi Talia. What's happening to you?"nagtatakang tanong ni Tyler habang naka sunod sa kanya yung mga anak niya at yung Tropa Please Queen G, Wag. Sinasabi ko sayo maawa ka. Wag. "Si Ianne kase..Haha" Wag mong ituloy parang awa mo na! Tumayo siya ng matuwid at huminga. Ngumisi siya sakin with matching akbay. "Si Ianne kase, linoko kong nandun si Carvin sa likuran niya. Aba ambilis niya lumingon." Aysh. Jusmiyo Queen G. Maraming salamat. Grabe. "Ianne." Napatigil sila sa pag tawa nung nag salita si Kuya Azce. Ay patay, Andyan na si Godzilla. "Tara..." Sumunod na lang ako habang nag kakamot ng ulo. Lahat sila binigyan pa ako ng sign na 'hala lagot!'. Ambabait nila. Huminto kami ni Kuya sa likod ng bahay/Mansion. "Ano yun?"tanong niya bigla Woo, Inhale exhale Ianne. "Wala lang yun." Tinaas niya yung phone niya at nakita ko yung pic namin ni Carvin na hinalikan niya yung pisngi ko habang nasa kwarto kami. "Then what is this?" Kuya! What the heck?! "Anong ginagawa niyo ni Carvin? Hmm? Kayo ba?"tanong niya habang naka singkit ang mata "Paano mo yan nakuha?" Hindi siya sumagot, Bigla na lang siyang ngumisi. "Para saan pang kuya mo ko kung di ako marunong mang spy?. Now answer me. Is he your 'boyfriend'?" Ay, Grabe ka Kuya anlupet mo! "Hindi kuya. Hindi ko siya Boyfriend. Tumutulong kasi siya sa atin, Sa Jiyū. He's our Spy." Panimula ko Ikinuwento ko sa kanya lahat kase mukhang di updated eh. "Are you sure? I mean he's from our enemy's group. We can't just take risks"he said sternly "Yes I'm sure Oppa. Just Calm down Araso??" "Minsan, Gusto kitang batukan. Kakawattpad mo ayan puri ka korean! Kdrama tas Kpop pa! Hay naku Ianne!" "Yah! OPPA!! Kasiyahan ko toh! Atsaka, sa TFBBAM ko lang natutunan tong mga toh!" Ayun nabatukan ako, Galeng ni Kuya noh? Bumalik na kami sa loob habang naka akbay sakin si Kuya. Nakangiti lang ako habang sila naman nilalaro yung mga bata. Napangiti na lang ako dahil sa mga pangyayare. Ang saya naming tignan ngayon. "Oh Alas Kwatro na pala. Iuuwi ko na muna sila kay Nanay Ampe."umalis sila pagkatapos magpaalam kaya eto, training ulit kami. Gabi na nung natapos kami, Kaya pagkauwi ko, Eto...Plakda! "Gosh...That was exhausting!"sigaw ko habang naka subsob sa unan Haysh! Makatulog na nga lang! Wala ng palit palit! ----------------- *ring!!* Nyemas ng yan!! Ang aga aga! "Ano ba....."inaantok kong sabi May pumitik naman bigla sa tenga ko. Argh! Agad akong dumilat at umirap sa kung sino man yun. "Ah--!!" Tinakpan nito agad ang bunganga ko at ngumiti. "It's me!"he whisper yelled "Anong ginagawa mo dito?!" Umupo siya sa tabi ko at napa smirk. "Wala lang. Namiss kasi kita. Tapos di ka pa nag rereply."nagpout naman siya habang naka pa cute pa "Anong di nag rereply? Eh nag reply naman ako sayo kanina eh!" "Kanina pa yun! Andami ko ngang text sayo ngayon!"nagpout ulet ang buset Binuksan ko agad yung phone ko. Aba what?! Puno?! 23 text messages?? Haypa! Anong pinag sasabi niya?! "What the hell is this?"I gave him a glare Ngumiti siya at hinarap ako ng maayos. "Look Ianne. Gusto na kita--Mali pala...Mahal na kita. Sobra. Di ko naman toh gagawin kung hindi dahil sayo. Ayokong mapahamak ka Ianne, Baka ikamatay ko pag nasaktan ka ng dahil sa mga taong nakapaligid sakin." ........... What? "A-Ano?... You're just joking right? Haha! Patawa ka noh?"tumawa pa ako at tumingin sa ibang direksyon Bigla kong napigilan yung hininga ko nung hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at hinarap ako sa kanya. "Seryoso ako Ianne. Mahal kita, Mahal na mahal kita." ..............................................Ano daw?! "Carvin....Please....Gusto ko pang matulog"yun na lang ang nasabi ko Nginitian niya ako, Humiga na ako at humarap sa ibang direksyon para hindi ko siya matignan. Naramdaman ko naman ang pag yakap niya sakin at ang malambot niyang sabi sa noo ko. It made me feel something...Weird. "Good Night. I love you." ---- Nagising na ako ng super aga. As in super aga. Sina Kuya ayun tulog pa. After maligo, Mag bihis, Achuchu. Nagiwan ako ng note sa Ref at lumabas na ng bahay. Nauna na ako sa School, Sa park to be exact. Bored ako eh. Umupo agad ako sa swing. Favorite Thing to do: Maglalagay ng headset, To the max ang volume, Ako lang mag isa. Now Listening to: mahal ko o mahal ako. Bigla ko namang naalala si Carvin, siguro panaghinip lang yun? Diba? Diba?? Tinignan ko ulit yung messages niya. Haysh, Di naman pala panaghinip yun..... Nabalot ako ulit ng katahimikan, Nakakatakot na katahimikan. Napapikit na lang ako at napasandal sa chain ng swing. Nakaramdam naman ako ng paggalaw sa katabi kong swing. Di ko na lang idinilat yung mata ko. Bigla tuloy akong nanlamig dahil sa hangin. Andaming pwedeng kalimutan, Jacket pa?! Nakaramdam naman ako ng bagay na pinatong sa balikat ko. Bigla tuloy akong dumilat. "Just keep it on. Malamig ngayon" Wait, Sure bang siya toh? Binigyan ko siya ng weird look habang umiinom siya ng kape. "What?"Tanong niya with a blank expression "Bakit mo binigay sakin toh?"tanong ko Nagkibit balikat siya. "Nakita ko kaseng nanlamig ka. So, Ayan sayo muna." Pinagmasdan ko siya, Mukhang bagong gising lang. Messy hair, White T-shirt, Blue jeans at Grey nike shoes. Uy ampogi ah. Ay ano daw? "Is that even you Mr. Kenneth Alcantara?"tanong ko with matching smirk "Yes it is me Ms. Ianne Rivera." Aba aba! Di nag papatali ang kupal! Matinde ka boy! Nakita ko namang ngumisi siya kaya napairap ako. "I know Carlyle's Plan" Di ko tuloy naseryoso yung sinabi niya. Haha pang babae kase yung pangalan ni Carvin!! Jusko po! "At anong nakatawa?"tinaasan niya ako ng kulay Habang ako tawa ng tawa. "Ca-Carlyle...Hahahaha!" Napa tawa siya ng bahagya at umiling. "It was not our choice. Okay?"dipensa niya "Still..I know Carvin's Plan"bigla tuloy akong nag seryoso at napatingin sa kanya. "Hindi ko alam pero parang nagayuma mo siya. Isa ka bang witch? With the Charm ability? Kase halos anlalim ng pagkahulog niya--"Huminto siya at umiling"Scratch that. Namin.. Sayo." Potragis Ano daw?! "Ianne, Oo alam ko, Masyadong malabo naman na mangyare toh diba? Na kami mahuhulog sayo? Kase ampanget mo? Posible naman pala." Nyeta! Anong confession toh?! May panlalait?!?!?!? Ano toh ha?! "Ianne hindi ako papayag na masaktan ka nila. Simula nung bata pa tayo lagi akong nag mamashid sayo. Ako yung stalker mo, Oo weird ako. Pero dahil yun sayo. Nahuhulog na ako sayo--Mali. Nahulog na ako Ianne, Matagal na. Patuloy padin akong nahuhulog sa napaka taas na gusali at hindi alam kung kelan ako babagsak at masasaktan. Pero kahit masaktan ako, Patuloy padin kitang babantayan at poprotektahan. Hindi man para sa akin, Para kay Carvin." Brain: toot-toot-toot Heart: tugdug - tugdug - tugdug Oh s**t what? Tunayo siya at naglakad palayo. Pero abgo pa sayo makalayo ng sobra nag salita pa siya. "Poprotektahan kita Ianne. Hindi man ako yung piliin mo, Mahal padin kita." Tuluyan na siyang umalis. Ang higpit na ng kapit ko sa Jacket niya. Halos di na rin ako humihinga. Two confessions. One brain, One Heart and One me. Paano?! So Let's get this straight. Carvin: The brother of my Enemy. Umamin na mahal ako kagabi, Exact time 1:54 am. Walang masyadong memories with him. Kenneth: Childhood best friend na naging enemy. Umamin na mahal ako, Just now. Simula bata close na kami, Pero nung Bumalik si Tyler, nagsimula na siyang lumayo. Never ng nag kausap, Until This year. Jusko Ianne, ano nang nangyayare?! Saket sa Brain!!! Kora's POV Currently inside LetLet's Dorm. Room lang pala, Mag isa lang naman siya dito eh. Matinde kasi siya. Prinsesa ng School. "I'm bored......"Aera whined and turned her head, clockwise "Same here."Sabay na sabi namin ni Elise Si LetLet ayun nakahiga sa sahig katabi ni Ash. "Wala akong maisip gawin!"sigaw ni Nix Umalulong naman si Ash at saktong bumukas yung pinto. Nandito si Zace and Percy. "Hi."mahina na bati ni Zace "Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Queen G, Oo Queen G na dahil sa maawtoridad niyang boses "Letter for Queen G."sabi ni Zace at bumagsak sa sahig na sinundan ni Percy Nagulat kaming lahat at tinayo sila. May recorder na naka sabit sa leeg ni Zace. Agad kong kinuha yun at inabot kay Queen G. Pinlay niya yun jaya nakinig kami. "Queen G. Just a little surprise for you. Ayan na yang members mong lampa. Tsk. Kita na lang tayo sa Gang Combats. LoveYou. See you soon!" Miguel..Eto na, Nag sisimula na sila. "Nix. Base---Fire---Members--" Agad na tumakbo si Queen G at si Ash habang kami, Tinutulungan sina Zace at Percy, Agad kong napansin ang mga pasa sa likod nila at hita. Oh god no. Wala siyang awa! Babae sila Zace! Ganun na ba siya kasama?! "Trap--"Sabi ni Percy at tuluyang nawalan ng malay "Aera, Sundan mo si Nix"utos ni Elise Agad na sumunod si Aera kaya nag simula na kaming gamutin sina Percy. Bumangon si Zace at tinulak ako. "Help them."utos niya "Pero--" "I said Help them!!" Nanlaki ang mata ko dahil sa takot. Agad akong tumayo at sumunod kena Aera. Nakita ko naman si Aera, Habang si Queen G di na namin makita. "Aera! Bilis!"sigaw ko kahit ako yung nasa likuran Hindi siya lumingon, binilisan pa niya lalo. Ganun din ang ginawa ko kaya magkasabay na kami. Nakapasok na kami dun sa gate ng HQ. Tapos nagmadali kaming tumakbo papasok sa gubat at nakarating sa harap ng Mansion. Halos wasak na ito, Sirang sira na. Madaming sugatan na Jiyū members ang nasa labas. Tumakbo agad kami sa loob at nakita si Queen G na naka luhod, Si Ash nasa tabi ni Queen G at matamlay din. No... Nilibot ko ng tingin ang paligid, Halos abo na lang ang nga gamit, Sira sira na rin ang paligid. Halos mga Kahoy at bakal na lang ang kaya pang tumayo. Madami ring mga sunog na bangkay dito. Halos masuka ako, Pero mas nangibabaw ang awa,lungkot at mas lalo pa ang galit. "Mag babayad ka Miguel..." Napalingon ako kay Queen G, Naka yuko siya habang naka luhod. "MAG BABAYAD KAYO!!" Napatumba siya kaya niyakap agad siya ni Aera, Lumapit na rin ako at nakitang lumuluha siya. Humagulgol na siya at sigaw na rin siya ng sigaw. Nagwawala na siya ng sobra. Si Ash Parang taong pinapatahan si Nix. "Papatayin kita Miguel!! Papatayin kita!! Pag babayaran mo lahat ng toh!!" Niyakap namin siya ni Aera at naiyak na ako sa awa. Mahala nga talaga ang Jiyū kay Nix. Parang pamilya na rin niya ang mga ito. Nakakaawa tuloy ang lagay niya. Nung kumalma siya ng kaonti, Naka upo parin kami dito at naka sandal si Nix kay Aera habang ako naman naka yakap sa kanan niya. "LetLet, andito kami para sayo. Para sa Jiyū. Ipag hihiganti natin lahat ng namatay dahil sa kanya"bulong ko at pinunasan ang luha ko Ilang oras pa bago kami nag pasyang lumabas na. Pinagtinginan kami ng mga Tao dito. Yung iba katabi ang mga kaibigan at mahal nila. Hindi makatingin sa kanila si Nix. "Patawarin ninyo ako. Hindi ko sila naligtas. Wala ako rito ng mga oras na kailangan ninyo ako."simula ni LetLet"dahil sakin, Namatay ang ibang mga kaibigan natin. Halos maubos tayo dahil sa akin. Patawarin ninyo ako." May babaeng lumapit sa harap, Naka ngiti siya kay Nix at Nag lagay ng Apat na daliri sa kaliwang dibdib niya at lumuhod. "Queen Gangster, Hindi niyo po ito kasalanan. Wala naman din pong may gusto na mangyare ito. Lahat kami rito ay pinapatawad ka"nagulat na lang ako ng makita ang luha sa mga pisngi nito"Dahil ako rin ay namatayan ng minamahal. Sasama padin ako sa Jiyū para ipag higanti siya." Niyakap siya ni Nix at halatang gulat na gulat ito, Pati narin ang mga naririto. "Lagi akong nandito para sa inyo. Gaganti tayo. Para sa Lahat ng nasa Jiyū" I know, Simula pa lang nung pumasok ako sa Gangster world na toh...May kapahamakan na mangyayare. May suicidal decisions. May mamamatay. At mas lalo ng masasangkot ako sa isang war na hindi inaasahan. Pero ito ako ngayon, Watching our leader; my friend, As she checks if anyone is injured badly. Aamin ako, Napilitan lang ako nung una, pero gusto kong malaman kung anong pakiramdam ng pagiging Gangster. Hanggang sa eto na, nag eenjoy na ako sa pagiging gangster, Lalo na't kasama ko ang aking mga kaibigan. Nakakatuwa pala talaga. Oo Masama yun sa iba, Pero para sa akin, Mag kakaiba kami. Hindi kami ang tulad ng gangster na alam ng lahat. Yung mga walang pusong pumapatay kapag gusto nila. Hindi kami ganun, lahat ng ginagawa namin may dahilan. Napangiti ako bigla ng makita si Tyler, kanina pa pala siya nandito. Siya yung tumutulong sa mga gumagamot sa nga nasugatang members. Habang si Queen G, Umaalalay sa iba. "Paano na tayo neto? This is my only home." Napalingon ako dun sa babaeng may akap akap na bag. Nakaakbay sa kanya yung isang mas batang babae at sinusubukan itong pinapatahan. Nakaramdam tuloy ako ng awa, Siguro katulad siya nila Queen G, Sa Jiyū na rin lumaki. Sa Mansion na ito sila tumira. Kumbaga kung sa Dauntless, Dauntless Borns sila. Nakaka lungkot naman kasing isipin na nawala pa ang isang bagay na nakakapag paalala sa kanila ng kung ano sila. Ang HQ ng Jiyū. Lumapit ako sa kanya at inabot ang panyo ko. Ngumiti ako ng bahagya at pumunta na kena Tyler. "Nix, This was no ones fault."sabi ni Tyler at hinawakan ang kaliwang balikat ni LetLet "I know Tyler. But I still blame myself for this. I'm the Leader, I'm supposed to be here. I'm supposed to save them! But where was I? Inside my room, Laying and relaxing while They are here, Sufferring without me having any clue."Nakita kong kinagat ni LetLet ang labi niya Nagpipigil nanaman siya ng luha. Ganyan siya simula bata pa kami, Kakagatin niya ang labi niya o di kaya ang pisngi niya para hindi umiyak. One time pa pinag susuntok niya yung pader nung nalaman niyang may nangyare sa mama nila. Akala niya kasalanan niya kase siya yung kasama ni Mrs. Anderson nung araw na yun. "Violet?" Napalingon kaming apat sa nag salita. Naka tulala si Ate Blue sa Mansion, Mukhang pati siya hindi makapaniwala. "A-Anong nangyare dito?"tanong neto habang naka tingin padin sa abo abong mansion "Si Miguel ang may gawa niyan." Lumingin ulit kami ng makita ang tatlo. Si Zace na inaalalayan si Percy sa kaliwa at Si Elisse na naka hawak sa kanan ni Percy. "Fvck. Alright, I had enough of this..." Aalis na sana si Ate Blue pero hinila siya ni Queen G pabalik . Pati si Ash kagat kagat yung likod ng damit ni Ate. "Wag ate! Please you can't fight him. He's stronger than you think, Marami din sila dun! Toothpick ka lang para sa kanila!"aniya Nix "Talia! Bitawan mo ako! Papatayin ko siya!"nagpupumiglas padin si Ate Pero hindi nag papatinag sila LetLet "Ate wag please! Ayoko ng mawalan pa ng taong mahalaga sakin!" Tumigil si Ate Blue at dahan dahang humarap kay Talia. Umiiyak na si Nix habang naka yuko. Nag flash tuloy sakin yung itsura niya noong bata pa kami. May bully siya noon, kaso pandak kasi siya noon kaya halos di siya makapalag. Nung nalaman yun ni Glaze, Halos susugod na siya pero ayaw ni Talia ng gulo kaya pinipigilan niya si Glaze. Hanggang sa umiyak na ng ganto si LetLet. Naka kapit siya ng mahigpit sa braso ni Glaze at umiiyak habang pinipigilan siya. Ganung ganun ang eksena ngayon. Napapangiti ako ng kaonti dahil doon. "Please ate... Please."pag mamakaawa ni Talia Niyakap na lang siya ni Ate Blue at pinatahan ang kapatid niya, Nandun na rin si Tyler at hinihimas ang likod ni Talia. "Tahan na. Wag ka ng umiyak."bulong ni Ate Naingit tuloy ako! Wala akong ate eh! Hays, Ang swerte ni Nix. May Kapatid siya, Kambal, Younger brother tas Ate. Nubayan, Nakakaingit. Kahit Ate lang masaya na ako. Hinatid na namin si LetLet sa kwarto niya habang kami bumalik sa lang sa dorm namin. Nag set up ng pansamantalang tent ang mg Members ng Jiyū. Nag hahanap na kasi ng bagong HQ sina Ate Blue at Tyler, so Temporary shelter muna yung mga tent nila. Haysh, Eto pa lang...Takot na ako. Paano pa kaya sa Gang Combats?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD