Ianne's POV Natapos na ang labanan. Tatlong araw na din. Umuwi ang iba na duguan, may iba namang wala lang. Kami umuwi kami ng lumuluha. Namatay ang best friend ko ng dahil kay Sharlotte. Nang dahil sa kapatid nila Alcantara. Yung best friend kong laging nandyan. Yung laging nag liligtas sakin sa gulo, Wala na. Pagkatapos ng laro, Naunang umalis si Nanay. Si Nix, if you call her. Tatlong araw na siyang naka kulong sa dorm nila. Hindi siya lumabas dun. Minsan dinadalhan namin siya ng pagkain, Si Ash naman ang kukuha. Wala siyang kinakausap. Kahapon nga eh narinig namin siyang nag wawala. Gusto namin siyang tulungan, pero ayaw niya. Nasa school na kami nila Kuya ngayon. Hindi na ako sanay ng wala siya dito. Hindi muna ako sumabay kena Kuya ngayong lunch. Pumunta ako sa Music room and nila

