Nandito ako ngayon sa bagong dorm ko. It feels weird,Naninibago padin ako kahit third week ko na dito. Three months na nung nagsimula ang school year,And here I am. Weekend na kase,Linggo to be exact. Sa Dorm--room,na lang ako tumambay kase bored na bored ako,And wala akong ganang pumunta sa HQ. Katabi ko lang si Ash sa kama, Siya nag papakasaya sa malambot na kama, Ako gusto ng matulog.
Haysh,Nakalimutan ko,Bukas na pala ako mag aannounce. Argh! Nakakapagod din ang pagiging Queen Gangster!!
"Bal!"
Napabangon agad ako at napa takbo sa pinto. Kinakalabog nina Aera yung pinto ko,what the?!. Binuksan ko na lang yun at nagulat ako ng hilahin ni Aera ang kamay ko palabas at tumakbo din si Ash para mahabol kami,Pero sinara pa niya ang pinto bago yun.
"Oi! Teka! San tayo pupunta?!"tanong ko
"Sm!"
Halos mabatukan ko na si Aera pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Naka paa lang ako,Isang over sized shirt na puti at Shorts lang ang suot ko. Pugad pa ng ibon ang buhok ko.
"Teka! Naka paa pa ako! Di pa ako nakabihis!"sigaw ko pero diretso langs sila sa pag takbo
"Jusme! No time may emergency!"sigaw ni Elise
"Emergency Sa SM?! Ako niloloko niyo?!"
"Just Run Nix!"sigaw ni Kora
Edi tumakbo na lang ako. Nag flash naman sa akin lahat ng kabaliwan naming mag kakaibigan.
"Tara na dali Nix!"sigaw ni Aera habang hila hila ang kaliwang kamay ko
Nasa likuran namin sina Elise at Kora.
"Teka,Saan tayo pupunta? Bakit nag mamadali tayo?"tanong ko
"Sa park! Yung bagong bukas!"sigaw ni Kora
Napa tawa na lang ako at umiling. Lumiko kami sa kanang hallway ng mansion. Bahay toh nila Elise. Pagkarating namin sa park,Sa swing kami agad tumambay.
"Jusme,Tignan niyo nga ang pinag gagawa niyo sakin,Kababangon ko lang,Naka paa pa ako,Naka t-shirt lang at magulo ang buhok ko!"reklamo ko habang nag siswing
"Sus,Bata ka pa naman eh! Wag ka na mag reklamo"tawang tawa pa talaga si Elise
"Mukha ka nga lang batang yagit"Biro ni Kora
Lahat tuloy sila tumawa,buti ng kami pa lang ang nandito.
"Hays,sana pag laki natin tayo padin mag kakasama ha"
Napangiti kaming Tatlo nina Elise at Kora.
"Syempre,Bawal naman kasi mag lipat! Dag dag pwede pa,Pero mag kalimutan. Edi wow."Biro ni Kora
Napailing na lang ako.
"Aba, Aba, Aba."
Napa angat ang ulo namin.
"Apat na bata,Nag sama sama. Isang maliit,Isang mataba. Yung dalawa mukhang palaka"natawa naman si Tyler pati yung batang lalaki na kasama niya
Who is that kid again?
"Hoy! Dalawang bakla! Umalis nga kayo dito!"tinaboy ni Aera sina Tyler
"Ano?! Kami ni Glaze?! Bakla?!"inis na tanong ni Tyler at humarap pa kay Aera"baka gusto mo mahalikan?"
Agad na tumayo si Kora at inangat si Tyler gamit ang collar niya mismo.
"Hoy Supot,Subukan mo pang anuhin yang best friend ko,Makakatikim ka sakin ng sapak"Banta niya
Tinulak naman siya ni Glaze palayo kay Tyler kaya napa upo siya sakin. Tinulungan ni Elise si Kora tumayo at Tumayo narin kami ni Aera.
"Ano? Ano? Sige,Laban kayo?"Paangas na hamon ko
"Aba aba,Kambal, wag kami. Pfft,Kala mo kaya talaga eh noh?"asar ni Tyler
Nagbugbugin kaming anim doon na parang ewan hanggang umulan na ng malakas.
Napangiti ako bigla dahil sa alaala yun. Buti nga isa yun sa mga naalala ko. Pero mas nakakainis kasi kasama si Glaze sa mga ala alang yun. Di ko alam kung nababaliw lang ako or kasama talaga siya. Pagkarating namin sa tapat ng mall nandoon sina Zace at Percy. May dala silang shopping bag. Inabot nila iyon sakin.
"Oh,Nag text sakin si Elise. Hinatak ka na daw nila kaya wala kang sapatos or damit,Kaya ito,Nagdala na kami ni Zace"sabi ni Percy
Pumasok kami sa mall at pinag bihis nila ako sa CR. Tangina! Kaya ayokong sila mag bibigay sakin ng damit eh! Okay pa kung si Zace! Pero sag lang sila Aera!!. Pag labas ko ng mall,Nakangiti silang anime,Si Zace naka ngisi.
"Sabi sa inyo bagay yang black skirt at white shirt sa kanya."sabi ni Percy at naka angat pa ang baba niya
Pinasuona nila sakin yung black flats ko at nag gala gala sa mall. Shopping dito sahopping doon. Kami ni Zace ,Nasa good court nag aantay. Tinext daw nila si Ianne. Sakto! Andyan na siya,Pero sila Percy wala pa.
"Hi po!"bati niya sabay kaway
"Hi Ianne,Upo ka muna. Inaantay pa namin sina Aera"sabi ko
Tahimik lang kaming nag aantay dito at syempre kumakain. Siguro dalawang oras din bago nakarating sina Aera na sobrang daming shopping bags ang dala.
"Zace,Patulong naman. Yung kotse pabukas na lang"sabi ni Percy habang binabalance ang mga bit bit niya
-----
Pagkatapos nilang gumawa ng kabliwan,Nag libot kami ulet. Naglaro kami sa Quantum ng kung ano ano,Para kaming ewan.
"Ey Queen G! Walang ganyanan!"Reklamo ni Ianne at inagaw yung bola sa Akin
Tumawa lang ako at sinubukan ulit mag shoot. Nag tatawanan kami dito na parang baliw at nag lalaro sa kung ano anong games. Sa Claw Machine inaalog ni Zace kaya andaming nakuha,Buti nga walang bantay eh. Nasa kotse kami ngayon,On the way sa kung saan. Si Zace kasi nag dadrive siksikan pa kami dito.
"San tayo Ate Zace?"tanong ni Ianne
"Favorite spot namin nila Queen G"
Huminto siya sa baba ng burol kaya kami nag sibabaan habang akap akap ang mga teddy bears at gadgets na nakuha namin. Pagka akyat namin sa taas humiga kami agad.
"Woo! Yes! Pagabi na! This is my favorite part!"tili ni Percy
Tuluyan ng lumubog ang araw kaya dahan dahang lumitaw ang mga bituin sa langit. Dumami ito ng dunami hanggang sa halos mapuno na ang langit.
"Woah...."yan lang ang nasabi nina Aera
This is the place where Tyler brought us to relax. To take a break from our trainings. Nilibot ko ang tingin ko,Lahat sila naka tingala,Sina Aera manghang mangha. Si Percy naka pikit at naka ngiti,Si Zace naka ngiti lang. Napangiti na lang ako dahil sa mga iyon. Hays, ang swerte ko sa kanila .
"Guys. Payakap nga.. "Bigla kong sabi
"Awe,Si Baby Talia,Nag lalambing."biro ni Kora at lahat sila yumakap sakin
Lahat gagawin ko para sa kanila. Sa Gang Combats,Hindi ko hahayaang may mangyareng masama sa kanila. I'd rather die than see them suffer. Pamilya ko na sila,Lahat gagawin ko maging ligtas lang sila.