Nasa history class kami ngayon kaya interesante akong makinig pero ang iba ay nakayuko na lang dahil ilang beses na daw ito inulit at halos nalaman na nila ang buong history ng mahika academy.
"Albert Levo is the King of Green Diamonds.He has a wife named Elizabeth Wilford-Levo,Queen of Red Diamonds.They have a daughter named Princess Raia Levo."the professor said,his name is Jill Cordov.Gwapo ni sir.Bukod sa interesante ako makinig,gusto ko pakatitigan ang mukha n'ya.He has a foreign features at dumagdag pa na ang yum--char.
Bigla kong namiss ang training.Napaisip nga ako,e.Sinabi ng commander noong nag-announce s'ya sa opening of classes,na open ang training session pero bakit biglang nagbago?Tinanong ko s'ya kung may problema kung bakit nagkaganoon ang nangyari at ang sagot "It's nothing" kahit na obvious naman na meron kaya nagbago ang desisyon nila.
Ito yung mga panahong wala kaming kamuwang-muwang dito,kumain kami tapos pinatawag sa main ground which is inanounce ang listed name at nalaman naming sa high rank kami napunta.
"Alam n'yo ba?"si Prof.Jill.Tumingala ang iba upang tingnan s'ya.
"The name of this Section is Aphrodite."he said at humalakhak ng kaunti.
"Alam na namin sir.Akala ko bago"narinig ko ang mga bulungan nila.Humalakhak ang iba dahil kinukuha lang ng Prof. ang atensyon namin.Paano ang bastos ng iba,nakayuko pa.Aba!
Aphrodite pala ang name ng section namin bukod sa high rank.Hindi ko alam 'yon.Hindi nasabi sa'kin.
"Cram,Alam mo ba na name ng section natin 'yon?"bulong ko sa katabi.
"Yes."he said at nalaglag ang panga ko.
At hindi n'ya sinabi sa'kin.Aba!
"Huh?Ba't di mo sinabi sa'kin.Paano mo nalaman?"tiningnan n'ya ako.
"Opening of classes 'yon tapos yung paper na mga nakapaskil kaya nalaman ko.Ikaw kasi pangalan mo lang ang tiningnan mo.Nasa taas kaya nakalagay ang italicized na Aphrodite." he said at biglang pinitik ang noo ko.Bwisit 'to!
"Dapat sinabi mo pa rin"iritado ko s'yang tiningnan.
"Luh?Nagtanong ka?Akala ko nga nakita mo,e kaya di ko sinabi"he winked.
"As you can see,marami na ang nangyayaring kakaiba dito sa loob.Wari ko'y nakapasok na naman ang mga kalaban at nagsisimula na naman sila.Mga demonic creatures na alipin ng teknolohiya at alipin ng kung sinong hindi namin matukoy."yumuko s'ya ng bahagya at ganoon rin ang iba ramdam ang tensyon kaya ipinilig ko ang ulo.
Namiss ko na sila my at dy.Alam ko makakaya namin 'to.Naniniwala akong malaki ang posibilidad na mapagtagumpayan namin ang misyong nakaatang sa aming mga balikat.Anoman ang nangyari dapat ay walang titibag sa amin.Nalagasan man kami ng isa,hindi ito sapat na dahilan upang huminto bagkus patuloy na lumaban para sa ikauunlad namin at ng ibang tao.
If being selfish means protecting many people, I'm willing to do it even it will cost my life.
Naalala ko ang nangyari sa nagdaang araw.Sinabi ko sa kanila kung sino ang killer at ano ang ikinamatay ni Deane.
"I know who the killer is"I said in a serious voice,lahat sila ay nakatingin sa akin ngunit nakita ko ang ngisi ni Vince habang nakamasid sa'kin.I smiled at him.Napangiti ako ngunit may bahid ng kalungkutan ito.
Nagulat kami ng biglang pumasok ang isang babae,si Daisy.S'ya ata ang naatasan na magdala ng finger print results.
"Don't say anything Daisy.Stay there.Let's analyze it."si Vince sa walang emosyon n'yang boses.
"The witness said that Deane is always hanging out in the comfort room.Nilalagpasan lang nila ito pero lagi daw nila nakikitang umiiyak."panimula n'ya.
"We go there at midnight.We see nothing but the stain of blood of Miss Deane.Umuwi na kami ni commander.Hindi namin alam kung ano ang totoo.Posibleng mas may malalim na dahilan ito"segunda ni Cram.
"Ang kutsilyong natarak sa kan'ya ay pag-aari n'ya.Nakita ko itong dala n'ya nung sinamahan n'ya akong ituro ang library dahil gusto kong magbasa noon pero hindi ko alam ang direksyon.Nung una akala ko namamalikmata lang ako sa larawan pero sumagi sa isip ko nun ang hawak n'yang kutsilyo at ang nakatarak sa kan'ya ay magkaparehas"ani ko sa seryosong boses dahil unti-unti kong narealized.Ang hindi ko maintindihan kung bakit may dala s'yang kutsilyo,nakasuot rin kasi s'ya nun ng lab uniform at hindi ang student uniform.
"So we came up in the conclusion"pabitin na sabi ni Vince at tiningnan ako,hudyat na sabihin ko ang konklusyong nasa isipan ko.
"S-she killed herself"ani ko sa garalgal na boses dahil maski ako ay hindi makapaniwala.
"N-No way!,w-why would she d-do that."garalgal ang boses ni Clarisse at nang iba.Naglandas ang mga luhang kanina pa nila pinipigilan.
"D-Daisy,are they right?"tinig ito ni Stone sa naginginig na boses.
"Y-Yes based on the finger print results"nakayuko s'ya ng bahagya na tila hindi rin makapaniwala sa nangyari.
"As you can see in the picture,the position of the knife is not suspicious.Para hindi mahalatang pinatay n'ya ang sarili n'ya.Ginawa n'ya ito in a reverse position kung saan aakalain nating pinatay s'ya ng iba."ani ng commander.
"P-paano nangyaring t-tanggal ang balat n'ya?"si Stone na kagagaling lang sa pag-iyak.
"And that's the main point.Dalawa ang ang posibleng dahilan.Inutusan s'yang patayin ang sarili n'ya o wala s'yang choice kaya s'ya na mismo ang pumatay sa sarili n'ya."I said with no emotion on my face.
"Hindi ko alam kung ano ang motibo nila at nagawa pang ipatanggal ang balat.Maaring professional ang gumawa nang mabilisang pagtanggal sa balat n'ya.Sadya man ito o hindi.Kikilos tayo at mangangalap pa ng impormasyong makakapagturo sa totoong salarin"Vince said.His voice is full of authority.
Nabalik ako sa wisyo ng may humatak sa'king damit.Sino 'to?
"They are fooling you.Don't trust anyone.You'll be in danger.Be careful."tinig ito ng isang lalaki.Agaran ko s'yang sinapak dahil hindi ko naman s'ya kilala.Hindi man lang s'ya umiwas,sinalo n'ya ang suntok ko.Buti nga.
"Sino ka para paniwalaan ko?"mariin kong sabi,hindi hamak na mas mabuting paniwalaan ko ang iba kaysa sa kanya na nanghila sa'kin sa madilim na bahagi ng hallway kung saan walang makakakita.
"It's okay if you don't trust me.But trust me they are fooling you.Be careful of whom you be with."malambot ang boses n'ya ng sinambit ito.
Ano bang pinapalabas nya?
Don't trust anyone huh?
"You said, don't trust anyone right?Then I don't trust you"mariin kong sabi at ibinalik ko sa walang emosyon ang mukha ko.Kung sino ka man sa likod ng maskarang 'yan,bahala ka.Tinalikuran ko s'ya at pumanhik sa kinaroroonan ni Cram at ng iba pa.
Nang nakalagpas ako sa kan'ya,di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko at nagkaroon ng kaunting pangamba sa puso dahil sa sinabi n'ya.Kailan hihilom ang pangamba na nadarama ko?
"What's wrong,baby?"malamyos ang tinig at baritonong baritono ang boses.Tiningala ko s'ya at di ko namalayang nakayakap na ako dahil naramdaman ko ang seguridad habang umiiyak sa bisig n'ya.
Sa bisig ng commander..