Papunta ako ngayon sa training area.Sa wakas ay makapagbanat din ng buto.Namiss ko ito ng sobra.Kaya pala hindi pa pwede sa training area,ay dahil malapit na ang magic ball.Pero dahil mapilit ang mga kaklase ko.They suggested it to the office and announced it.Lahat ay sumang-ayon na simulan na ang training.Kaya labis na galak ang nadama ko at nauna pang pumanhik dito.
Pumasok ako at namalayan ko na lang nakanganga ako.Ang ganda,ang daming weapons,boxing area at may mini gym pa!
"Close your mouth, mosquito might get in"I heard a baritone voice behind my back.Tinikom ko ang bibig ko.
Nilingon ko s'ya at nakita ko ang commander.Nakasuot ito ng manipis na sando at nakablack jogger pants.Kitang-kita ang tikas ng kanyang katawan.Aakalain mong isang anghel na bumaba sa langit.Ano ba 'yan!Mas nakakanganga pa ata 'to.Erase.Erase.
"Namangha lang ako.Ang ganda kasi tapos complete set pa,may weapons rin.Sinong 'di matutuwa?"I giggled a bit and i eyed him.He was looking at me intensely.
"Why are you looking at me like that?"I asked a little bit curious.
"Nah.Nevermind"pumunta s'ya sa sparring area at naghanda.Tinignan n'ya ako.Sinong kakalabanin n'ya?
Wag mong sabihing ako?!Kahit mas malaki s'ya sa'kin.Hindi ako tatanggi at uurong paghinamon n'ya ko.
"Fight me"nanghahamon n'yang sabi at hinamon ko ang mga matang nakamasid sa'kin.Ipinakita 'kong tinatanggap ko ang hamon n'ya.
Lumapit ako sa sparring area at kinundisyon ang isip at katawan.Magtatanong sana ako ng biglang nangibabaw ang boses n'ya.
"Ready?"he smirked.Aba yabang ha.Mataman ko s'yang tinignan at nimuwestra ko ang sarili ko.Ako ang unang umatake ng sipa sa tagiliran ngunit walang kahirap-hirap n'yang naiwasan ito.Inatake n'ya ang paa ko para patirin ngunit mabilis akong tumalon para di mapatid.He smirked.
"How long have you been doing this kind of thing?"he asked.Hahatakin n'ya sana ang kamay ko para magkapalit kami ng pwesto ngunit agad ko s'yang siniko.Tumama ito sa t'yan n'ya.
"Almost 3 years"walang emosyon 'kong sabi at susuntukin ko sana s'ya ng biglang hinapit n'ya ang bewang ko.Amoy na amoy ko ang bango n'ya at ramdam ko ang hininga n'ya.Kumalabog ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan.
Tinulak ko s'ya ngunit sa kasamaang palad ay parehas kaming bumagsak at ngayon ay nakaibabaw na ako sa kanya.Shit!Itinulak n'ya ako at s'ya na ngayon ang nasa ibabaw.
"Hala p**n!!"napatingin ako sa sumigaw.Si Darren,ang notorious playboy daw dito base sa mga naririnig ko.Kasama n'ya ngayon ang buong klase namin.Napako ang tingin nila sa amin,ang iba ay ngumisi ngunit ang iba walang pakialam at pumunta sa weapon area.
"You lose"parang isang musika ang boses n'ya ng bumulong ito sa'kin kaya nanindig ang mga balahibo ko.Iritado ko s'yang tinignan.Duga naman!
"No.I won.Maduga ka"inirapan ko s'ya at uminom ng tubig dahil sa uhaw na naramdaman.Hindi alintana ang mga matang nakamasid sa amin.
"You must be active and mindful in every game.Don't include you're feelings especially in a battle.Don't be fooled"he smirked.Tinalikuran n'ya ako.Sigurado akong wala pa sa kalahati ang ipinakita n'yang kakayahan sa'kin.Mukhang pinagbibibigyan lang ako ng ungas kanina at parang hindi n'ya ibinibigay ang buong lakas para labanan ako.As if I want him to show it.Baka wala pang minuto ay bumagsak na ako kung ibibigay n'ya ang lakas n'ya.Tss.Pumanhik ako para sundan si Cram,na ngayon ay kasama ang karamihan sa kaklase namin.
"Nauna ka pa talaga dito.Egzoyted much lang?"slang na sabi ni Vin kaya ngumiwi ako.
Ibinaling ko ang atensyon sa sa mga weapon.Pwede daw kahit ano ang kunin namin.Kaya't nakikiramdam ako kung ano ang pipiliin ko.Ang hirap,kasi lahat magaganda at tiyak na makakatulong talaga sa akin.Nakita ko ang mga revolver,katana,bow and arrow at madami pang iba.
Ngunit nahagip ng paningin ko ang mga maliliit na balisong.Tila kuminang ito sa aking mata kaya kinuha ko ito.Hinawakan at pinagmasdan.Sa sobrang kintab ay kita ko na ang kalahati sa aking mukha na nagreflect dito.
I smirked.Ganda nito!
Aalagaan kong mabuti at laging isasama kahit saan magpunta.Mahirap na hindi pa nakikilala ang salarin sa pagpatay kay Deane kaya't may munting pangamba ang namuo sa puso ko.Bukas ay pag-uusapan ito ng buong high rank dahil as usual daw laging sila ang pinagsosolve ng case dito sa academy.Marami na raw silang nasolve na case about murder,homicide,snatching na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba,e nasa academy sila tapos sila sila lang rin ang magtratraydoran.Akala ko ba safe dito,e bakit di pa sila umalis kung mapapahamak pala sila diba.
"Yuhoooo!"napako ang atensyon ko sa kanila.Pinagmasdan ko kung saan nakatuon ang kanilang mga mata.
Gago!
Nasa sparring area sina Vince at Cram.Aatakihin ako sa ungas na 'to.Sigurado akong kaya n'yang labanan pero alam ko s'ya ang nanghamon base sa ekspresyon ng mukha n'ya ay makikita ito.Yabang mo Cram.Jusko ka!
Lumapit ako sa kanila para maki upo rin dahil naroon sina Vin,Sam at Coreen na pare-parehas seryoso ang mukha ngunit ang lintik na si Vin ay nakikipagpustahan na kung sino magiging manok n'ya.
Nagsimula sila sa sipaan lang pero ng wala ni isa sa kanila ang tinatamaan dahil mabilis ang pag-iwas.Level up na sila.May suntukan nang nagaganap.
"Isang daan para kay commander.Baka manok ko 'yan!"si Darren na maangas na naglapag ng isangdaan sa gitna dahil nakapalibot sila.Naglapag ang iba at hati-hati ang opinyon nila kung sino ang mananalo.
"Kay boss Cram ako!Go baby!"si Vin na tumili pa ata at panay ang talon na akala mo nanalo na ang manok n'ya.
Luminga ulit ako sa harapan.Nagiging mainit na ang labanan.Nakasuntok si Cram sa panga ngunit hindi n'ya nakita ang pagsegway ng paa ni Vince papunta sa leeg n'ya kaya ininda n'ya ito.Sakit nun!Nagbalian sila ng buto at ang sumunod na nangyari ay nakaipit na si Cram habang pinipilipit ni Vince ang t'yan n'ya.Nakahanap ng tyempo si Cram para maabot ang leeg ni Vince kaya nagtagumpay s'ya.Hinigpitan n'ya ang Hawak dito.
Naririnig ko na ang mga sigawan nila na karamihan ay ang ang pumusta.
"Shet,nalalasap ko na ang pera.Galingan mo Cram!"hiyawan nila at di ko na alam kung kaninong boses ito nagmula.
"TAMA NA!"sigaw ko ngunit tila walang nakarinig sa'kin dahil lahat ng atensyon ay nasa kanila.Nag-aalala ako baka mapaano si Cram.Di hamak na mas malaki ang katawan ni Vince.Nag-aalab na ang laban at tanging sigaw ang naririnig ko.Namalayan ko na lang na..
sumisigaw na ako..
hindi upang itigil kundi para..
"Yan!Galingan mo Cram!Ayan sige suntukin mo!Pakitaan mo lumaban ka.Dali!"napatingin sila sa'kin at ngumisi.
"Oh sige tangna banatan mo Vince!Gumanti ka!
What the hell did I do?Kanina lang ay nag-aalala ako ngunit heto ako ngayon,sumisigaw at umaaksyon ng suntok na akala mo ako ang coach.
"Sino ba talaga manok mo?"yamot na sabi ng isa.
"Oo nga!Kapag tapos icheer iyong isa at turuan,'yong isa naman ang ichecheer.Ako ang nalilito"rinig ko ang mga boses nila ngunit hindi ko ito ininda at sa halip ay lumingon ako sa harapan ngunit parehas tumba ang dalawa.Nagcountdown sila at walang tumayo kaya nanlumo sila dahil walang nanalo.Patas ang laban.
I smirked.Natauhan ako kaya mabilis ako na lumapit sa kanila.Parehas may putok ang mga labi at hingal na hingal.
Tangina.Training ba 'to o pustahan.Anak ng!
Inalalayan ko si Cram na tumayo.Tutulungan ko na sana si Vince pero nakita ko si Jennie na inaalalayan ito.I heard it's his ex,based from what i've heard.
Pumunta kami sa clinic at ginagamot ang sugat na natamo ni Cram.Speaking of Vince.Sinusubuan s'ya ni Jennie pero tumatanggi si Vince dahil kaya n'ya naman daw ngunit she insisted na masakit ang katawan at s'ya na lang daw ang magsusubo.
Habang ako ay nilalagyan ng compress ang labi ni Cram.
"Aray.Shit!"kanina pa s'ya.
"Papatayin mo ata ako,ang diin ng pagkakaano mo"iritado n'ya akong tinignan kaya muli ko itong diniin na nagpaaray sa kanya.It's your fault,hamon-hamon ka pa tapos ngayon ayan putok ang labi ng bata.
Tinawanan ko ang nakakunot n'yang noo ngayon.
"Ano?Sparring pa?Masarap noh?"panunuya ko sa kanya.
"Parang ikaw hindi ah!"asik n'ya kaya ngumisi ako.
"Pero hindi kasing yabang mo.Ikaw pa ang naghamon.Aba!"kinurot ko s'ya sa tagiliran ngunit ngumiti ngiti lang s'ya.Nabaliw na!
Nakatulog na s'ya dala na rin siguro ng pagod kanina kaya ngayon humiga na ako at pinatay ang lampshade.
••••••••••
Napabalikwas ako sa kama ng may kumiliti sa'kin.
"Ano ba!"pikit mata kong sabi dahil inaantok pa nga ako!
"Parang ikaw pa ang naclinic kaysa sa'kin ha!"asik n'ya sabay bato ng unan sa'kin.Problema nito!
"Bakit ba?!"bumangon ako at iritado ko s'yang tinignan.
"Pinapatawag ang buong high rank.Alam mo na yung natagpuang patay sa comfort room.Oh what's her name again?Dana?"he said.
"Boang.Deane 'yon"bumangon ako at naligo.Lamig man.
"Hihintayin kita sa labas ha!"sigaw ni Cram.
"Ge lang!"nagsimula na akong maligo hanggang sa matapos.