CHAPTER 8

1153 Words
Lahat kami ngayon ay nandito para pagdiskusyunan ang nangyaring krimen sa kaklase naming si Deane.Hindi ko na inalintana ang gutom dahil may pafree snacks si commander habang nagmemeeting. "This is the picture in the crime scene.Makikita n'yo sa picture na 'yan na sariwa pa ang dugo"saad n'ya habang pinamimigay ni Vin ang picture sa bawat isa sa amin.Kahit na kumakain kami ay masaya ako na walang maarte kapag nababanggit ang mga salitang makakawala ng appetite sa pagkain. Itinutok ko ang atensyon sa larawan.Tanggal talaga lahat ng balat n'ya sa katawan.Tila hindi nahawa ang salarin at nagawa n'ya pang tanggalan ng balat. Sino ba ang posibleng may motibo?Bakit wala s'yang kasama ng nangyari 'to?Bakit walang nagsumbong o nakakita? Isa ba sa amin ang posibleng salarin?Inangat ko ang paningin ko sa lahat at pinagmasdang maigi ngunit hindi ko ipinipilig ang ulo ko ng walang makahalata na nagmamasid ako pero may naramdaman akong nakatingin sa akin.Hindi ko matukoy kong sino dahil parang halos lahat ay atentibong nakikinig sa sinasambit ng commander. Ipinilig ko ang ulo ko at tinigilan na ang pangangapa at pagdududa dahil nilalamon na naman ako ng galit. Don't include you're feelings especially in a battle.Dont be fooled. Sumagi sa isipan ko ang boses na 'yon at tila kumalma ako ng panandalian Nakakaguilty tuloy dahil kabilang ako sa student council pero wala akong nagawa kundi ang umiyak sa labis na takot na nadama nang nakita ko ang bangkay. Ngunit naalala ko ang nakita kong imahe sa aking isipan.Hindi ko mawari kung nag-iilusyon lang ako na n-nakita ko sa a-aking isip nung sumakit ang ulo ko ng nakaraan sa Maka Mall at sa isang iglap ay bangkay na katulad na katulad ng nangyari kay Deane at kapareho ng  imahe sa aking isipan. Is it part of my mahika?To see the future?Though I'm not sure.It's giving me headache dahil kahit pilitin ko ulit na makita ang susunod na mangyayari ay hindi ko na ito magawa.Coincidence lang ata na lumitaw iyon sa isipan ko?Ipinilig ko ang ulo ko at tinignan ang direksyon ng commander para makinig ng maayos sa sasabihin n'ya. "Ang natagpuan lang sa crime scene ay ang matalim na kutsilyong nakatarak sa biktima."si commander. "Nakuhanan ba ng finger print ang kutsilyo na ginamit?"si Cram na seryoso ngayon. "Yes.May kumuha na.Maya-maya lang ay nandito na ang maghahatid"si Sam. "Ano ba ang posibleng motibo ng salarin?"seryoso ang tinig ni Daisy at tila malalim ang iniisip. "Baka trip ng salarin tanggalan ng balat at patayin hehe?"si Vin na nagawa pang isingit ang biro kaya nakatanggap ng dagok galing kay Sam. "Imposible.Tanggal ang balat tapos sasabihin mong trip lang lahat aber?"si Jimmie na kunwaring hinawi pa ang buhok kahit hindi naman mahaba, s'ya ang bakla naming kaklase.Mabait s'ya sa lahat at halos puros kaibigan ang lahat ng narito. "Maybe an underground interaction"the baritone voice of the commander filled the room with silence ng binali ito ni Jimmie at nagsalita. "Korek fafa!Smarty ka talaga."si Jimmie na humagikhik ng mahina. May punto s'ya.Maaring isa nga itong underground business.Pero ang tanong bakit nakapasok sa academy na 'to.Marami ang kasabwat at kunsintidor ang nakapasok?Paano na lang ang seguridad ng bawat isa?Namiss ko tuloy sila mama dahil hindi na ako nakatawag sa kanila hanggang ngayon. "Maybe one of us have a motive in doing this s**t?Sino ba ang mga kaibigan ni Deane?Bakit wala s'yang kasama ng panahong 'yon?"sunod na sunod na tanong ng karamihan at nagturo na sa mga posibleng salarin kaya't niyayamot na naman ako dahil ang ingay.Pisti. "Ikaw Clarrise,matagal ka nang kaibigan ni Deane.Ano't tila hindi mo alam na aalis s'ya at ang malala hndi mo sinamahan?"si Christ sa sa sa asukadong tinig na akala mo sigurado na s'ya. "H-Hindi ako.M-mahal na m-mahal ko s'ya.Isa s-s'ya sa mga tunay ko k-kaibigan kaya hindi ko 'yon m-magagawa"garalgal ang boses n'ya habang sinasambit ito at sinalubong ang mga matang nakamasid sa kan'ya. Sigurado ako hindi s'ya.Walang akong makitang bahid ng masama sa ekspresyon n'ya.Nararamdaman ko lang ay ang takot n'ya na baka isisi sa kan'ya ang nangyari sa matalik na kaibigan. "Baka naman ikaw ang salarin Christ,kaya ka nagtuturo ng ibang salarin"si Stone na malapit na kaibigan ni Clarisse at Deane base sa mga narinig ko sa kanila sa nagdaang mga araw. "No,I am not!"asik n'ya kaya ang iba ay sumang-ayon na baka s'ya ang salarin. This is all bullshit! "Sinong nakakataas sa atin na posibleng may kakayahan na gawin 'to?"tanong ni Kryptone at matalim na tinitigan ang lahat. "Si commander!"tinig ng isa at hati-hati ang opinyon nila.Sa tingin ko ay hindi.He maybe not saint but I'm sure he isn't an evil one.Pinagmasdan ko s'ya ngunit wala akong makitang emosyon sa mukha n'ya tila malalim ang iniisip.Kanina pa kasi s'ya nakamasid sa larawan.Anong meron? Tinignan ko rin ng maigi ang larawan at pinagmasdang mabuti ito.Ang tanging nakikita ko ay ang nagkalat na dugo at may iba akong naramdaman sa kutsilyong nakatarak sa kan'ya.Hindi ito ordinaryo sa aking paningin o baka ako lang? "Oy Rica,diba ang mahika mo ay makita ang emosyon ng bawat isa.Bakit hindi mo gamitin ngayon nang magkaalaman na kung sino ang salarin!"nanghahamon ang tinig ni Christ at sumang-ayon ang iba.Galing naman ng mahika n'ya. "H-Hindi ko k-kaya.Masyado tayong madami at baka maghalo halo ang emosyon na makikita ko sa inyo"seryoso ang boses n'ya at halata ang panginginig sa boses. Naging mainit ang palitan ng salita ni Christ at Stone at heto sila ngayon,nagsusuntukan na akala mo sila lang ang narito.Tinignan ako ng commander kaya sumigaw ako. "THIS IS ALL BULLSHIT GUYS!"sumigaw ako dahil naririndi na ako sa pagtuturo nila ng kung sinu-sino at pagsusuntukan sa gitna. "What if you are the killer,Sofia.What would you do?"the baritone voice filled the room with his voice.Inaakusahan n'ya ba ako? "Kung ako ang salarin..ano ang gagawin ko para walang makahalata na ako ang pumatay?"maliit na tinig ang naibuga ko.Nasa akin lahat ang atensyon nila kaya nag-isip ako ng mabuti kung paano kung ako ang salarin.Ano ang gagawin ko? Binaling ko ulit ang atensyon sa larawan,ang kutsilyo ay wala nasa ayos,parang handa na talagang patayin.Kung ako ang salarin,hindi ko isasaksak ng todo dahil nagmamadali ako na makuha ang balat n'ya?Teka.Anong gagawin ng salarin sa balat ng biktima?I don't know,naguguluhan na ako pero uunahin ko muna kung ano ang ikinamatay n'ya. Ano ba ang sanhi ng pagkamatay n'ya? Sa pagtanggal ng skin n'ya? Sa nakatarak na kutsilyo? O may tendency na nilason s'ya? Alin ang posibleng maunang rason ng pagkamatay n'ya? Think,Sofia Iris!Posible kayang tinakot s'ya kaya hindi nakapanlaban?Isa s'yang high rank.Sa tingin ko madali sa kan'yang tapusin ang buhay  ng iba.Posible kayang hindi lang isa ang salarin?Posible 'yon kasi paano magagawa ng kasingbilis ng pagtanggal ng balat n'ya unless he/she is a professional one. Until I realized something and it hits me! Kilala ko na ang killer! "I know who the killer is"I said in a serious voice,lahat sila ay nakatingin sa akin ngunit nakita ko ang ngisi ni Vince habang nakamasid sa'kin.I smiled at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD