Chapter One — Lies

922 Words
THE REVENGE OF CONSUELO | LIES ____ EKSKLUSIBONG BALITA MATAPOS matanggal na kongresista si Mrs. Helen Montaño agad itong pumunta sa bayan ng Leviste para patotohanan ang lahat ng pangako noong kompanya, kabilang na ang pagpapatayo ng isang malawak at kompletong kagamitan ng isang hospital. Sinabi niya sa interview na magkakaroon ang nasabing hospital ng modernong kagamitan na hindi na kailangan pang lumuwas ang mga taga Leviste sa malaking bayan ng Buenavista para sa pagpapa-ospital at kailangan ng mga mamamayan. Kabilang sa programa ang pagkakaroon ng mga doctors like surgeon at mga psychiatrist na kailangan ng bayan na ito. Kabilang na rin sa magandang balita ang ilang serbisyong mamamayan gaya na lamang ang mga libreng gamot at pagpapahospital no exemptions mahirap, mayaman, may kakayahan man o wala. Ang sabi pa ng kagalang-galang na kongresista, na pagtutuunan niya rin ng pansin ang edukasyon at trabaho sa kaniyang sinasakupan dito sa Leviste. "Wow. That's fantastic news, Anj—" "It's a good service, after all. Right, Jelly? Magkakaroon ng bagong pag-asa ang mga Leviste." "Oo nga! Matagal-tagal na rin itong pinangako ng ilang politiko sa bayan na ito.." TAAS kilay na tumayo si Consuelo mula sa pagkakaupo sa swivel chair ng opisina niya— umismid pa siya ng pinatay ang tv. Kung siya lang ang masusunod baka binasag niya pa ito sa galit na nararamdaman niya ngayon sa puso niya. Natatawa na lamang siya sa balita maging sa usapan ng dalawang reporter live on screen. 'Helen Montaño..' Echo ng pangalan ng ginang sa punong tenga niya. 'Walang kadala-dala!' 'That b***h!' galit niyang turan. 'That asshole! That demon!' dagdag niyang puno ng ngitngit sa sarili. 'Bakit 'di ka na mamatay-matay! At ang kapal ng mukhang tumakbo at ito naman ang mga taong 'to ang bobo! Mga tanga! Mga walang utak na ang binoto nila mamamatay tao!' galit na galit niyang turan. Napatingin si Consuelo sa kuwarenta cinco na baril sa ibabaw ng lamesa niya. 'Baka naman sadyang sa kamay ko mamamatay ang hayop na iyon!' dugtong niya pa. Tinaas ni Consuelo ang tingin niya— may pinipigilang gustong kumawala mula sa mga mata niya. 'Demonyo kayo! At hindi magbabago ang tingin ko sa inyo! Sampu ng pamilya niyo. Lahat kayo!' Pumikit siya ng mariin— sa balintanaw niya sumariwa sa kaniya ang mukha ng nakangiti niyang pamilya kabilang na anak nyang walang kamalay-malay na nawala sa kaniya dahil sa kasakiman ng mga Montaño. "Miss Luna, handa na po ang almusal niyo." Nabaling ang tingin ni Consuelo sa katiwala niyang si Mika. Ni hindi niya man lang namalayan ang pagpasok nito sa opisina niya. Tumango-tango siya rito, bilang tugon. Nagpaalam ito sa kaniyang bumalik sa kusina. Napatingin si Consuelo sa salamin ng masiguradong wala na si Mika. Luna— it was her daughters name. Ang anak niyang hindi man lang niya nakasama ng matagal— ang anak nila ni Rio ng lalaking isang Montaño. 'Damn you! Damn you, Rio!' Kuyom ang mga kamaong paulit-ulit na sinasabi ni Consuelo sa sarili. 'Walang kamalay-malay ang anak ko! Pinatay nyo siya! Pinatay niyo si Luna!' Naramdaman niya ang panginginig ng kaibuturan niya sa galit na mayroon siya sa puso niya. Namatay si Luna! Namatay ang anak niya at ang mga responsable sa pagkamatay nito kasama ng mga magulang niya ay tila hindi man lang nakitaan ng konsensya. Ang lakas ng mga mukhang umupo sa pwesto. 'Mga mamamatay-tao sila! Hindi na sila dapat mabuhay pa!' Iyon ang malaking paniniwala ni Consuelo. Ngunit paano? Paano niya mapapatunayan sa lahat ng mga taong ginagawang santo ang mga ito kung hanggang sa mga sandaling iyon wala siyang matibay na ebidensya na ang mga Montaño ang dahilan kung bakit naaksidente ang sasakyan nila sampung taon na ang nakaraan. Ayon sa mga imbestigador, aksidente ang nangyari. Na walang foul play. Siya lang ang tanging naniniwalang may nag maniobra sa preno ng sasakyan nila kaya naaksidente ito. Ang pamilya Montaño ang may malaking dahilan para gawin iyon. Kalaban ng papa niya ang padre–de–pamilya ng mga Montaño sa pagtakbo bilang Mayor n'on. Malaki ang tyansa ng papa niya manalo, kaya binalak ng pamilyang ito na patayin ang papa nila— sa kasamaang palad buong pamilya ang lulan ng sasakyan na 'yon at siya lang ang tanging nakaligtas na kung siya lang ang masusunod sana— sana namatay na rin siya kasama ng mga ito. Napahawak si Consuelo sa sentido niya nang maramdaman ang pananakit ng ulo niya. Ganoon siya madalas, kapag inaalala ang mapait na nakaraan ayaw niya man paulit-ulit na maaalala ang masakit na bahagi ng buhay nyang iyon wala siyang magawa. Sumisigaw ng katarungan ng pamilya niya, katarungan na sisingilin niya sa mga ito pagdating ng panahong kayang-kaya niya na. Muli siyang napatingin sa baril niya. Bigay ito sa kaniya ng lolo niya bago ito namatay, dalawang taon pagkatapos namatay ang pamilya niya. 'Magbabayad din kayo. Hindi habambuhay matatakbuhan niyo ang batas. Kung kinakailangan na sa kamay ko kayo magbabayad gagawin ko! Mabigyan ko lang ng hustisya ang pamilya ko!' buo ang loob na sinabi ni Consuelo sa sarili. Maniningil siya! Iyon ang sinusumpa niya. Katulad ng madalas niyang iniisip na siguro kaya siya nabuhay dahil kailangan niyang pagbayarin ang pamilya ng mga Montaño— ang buong pamilya, kabilang na si Rio Montaño. 'Wala akong ititira! Walang maiiwan!' sumpa niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinagkaloob ni Consuelo sa sarili bago nagpasyang lumabas sa silid na iyon— hindi bilang si Consuelo kun 'di bilang si Luna ang pagkakakilanlan niya sa mga sandaling iyon. Siya si Luna Lozano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD