Chapter 16: Judgment Phase 4

1118 Words
Chapter 16: Judgment Phase Raven Nandito ako ngayon sa Ferris Wheel habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang magagandang tanawin sa labas ng mga nagtataasang pader ng parkeng ito. Pinag-iisipan ko sa mga oras na ito kung tama nga ba ang desisyon namin na ilagay sa Judgment si Terrence,‘Yes’ ang ibinoto ko habang nasa trial kami kanina, hindi ko lang alam sa iba. Akala ko ay walang kwentang mga bagay ang mga pinapagawa sa’kin ni Owen, pero hindi pala. Kung hindi namin mahahanapan ng isang malaking butas ang killer, ba't hindi kami maghanap ng maliit na butas upang palakihin ito? Matapos ang isang ikot ng Ferris Wheel ay bumaba na rin ako agad. Hindi ko alam kung nasaan ngayon ang iba kong kasamahan pero panigurado karamihan sa amin ay kinakabahan sa magiging kapalaran ni Terrence. Naglalakad ako at may malalim na iniisip nung bigla na lamang may kamao na tumama sa aking pisngi. “Gago ka, kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko ay mananagot ka sa’kin, Raven.” Sabi sa akin ni June. Dito lang nag-sink in sa akin na tama ang mga sinabi ni Phil sa akin. Ang mga magiging kaibigan mo sa lugar na ito ang siyang magsisilbing alliance mo. "'Wag mo sa akin isisi lahat June." "Kasalanan mo kung bakit nasisi si Terrence!" Malakas niyang sigaw sa akin. “Niligtas ko lang din ang sarili ko. This is a game, June. Kung hindi ko iyon ginawa ay ako ang mamamatay.” Sabi ko sa kanya bago umalis. Naisip ko lang bigla, hanggang saan nga ba kami dadalhin ng pagkakaibigan? Sa sitwasyon namin ngayon, baka ito pa ang unti-unting pumatay sa amin. Naglakad ako patungo sa hotel, Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking silid ng muli akong mapatingin sa katapat kong kwarto... kay Terrence. Tutal ay wala rin naman akong gagawin, higit sa lahat ay wala rin ngayon si Terrence rito dahil nakatali siya sa trial. Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago ko ihakbang ang aking mga paa sa tapat ng kanyang kwarto. No'ng masigurado kong walang ibang tao rito... Pinihit ko ang doorknob at sa kabutihang palad, hindi ito naka-lock. Pumasok ako sa loob at hindi ko inaasahan na may nauna palang tao sa akin dito. "Owen nandito ka pala?" Bahagya siyang lumimgon sa akin habang dahan-dahan kong isinasara ang pinto. Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa mga gamit ni Terrence. "Look at his Closet," Sabi sa akin ni Owen. Bahagya akong naguluhan pero binuksan ko rin naman ang damitan ni Terrence. "Wala namang kakaiba rito Owen.” Naglakad papalapit sa akin si Owen habang pailing-iling. "Kasi masyado kang naniniwala sa mga nakikita ng mga mata mo Raven, Akala mo isang simpleng damitan lang 'yan pero sa kabila ng lahat..." Ibinagsak ni Owen ang lahat ng damit sa sahig at may pinto na sumilay sa loob nito. Maliit na pinto to be exact, para siyang vault. "May sikretong tinatago pala." "Parang tao lang 'yan Raven, h'wag kang magpapabulag sa mga kabutihang ipinapakita sa'yo ng ibang tao dahil sa kabila ng lahat ng ito, may galit silang kinikimkim at ayaw makita ng iba," Binuksan ni Owen ang vault at tumambad sa amin ang maraming uri ng kutsilyo. "Ibig sabihin ba nito na tama ang konklusyon na'tin na si Terrence ang pumapatay? Paano mo nalaman iyon Owen?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Simple lang, noong naligtas ako ng pangalawang gabi dahil sa doctor, ginamit ko iyong panahon na iyon para pakialaman ang bawat kwarto niyo. Sabi nga nila, time is gold kaya wala akong inaksayang oras." Sabi na naman niya sa akin. Owen is a very special person here in this game. He can be everything what he want. He has a great skills on pretending in front of others, He's a devil player in this game. The detective role really deserved him. "By the way Raven, magaling yung ginawa mo kanina sa Trial, talagang pinag-aralan mo ang mga kutsilyo" Pagpupuri niya sa akin bago siya lumabas ng silid. Pinagmasdan ko lang ang mga kutsilyong nasa vault. Ngayon ay komportable at sigurado kong masasabi na isa si Terrence sa mga killer. Biglang tumunog ang bell kasunod nito ang isang anunsyo. "Players the judgment phase will start, please proceed to trial court.” Naglakad na ako at nakasabay ko si Crystal. “Ang galing mo kanina, Raven. Nakakamangha kayo nila Tomy.” “Nope, nakakamangha tayong lahat, Crystal. Magkakasama tayong bumubuo ng desisyon hanggang sa makarating tayo sa iisang konklusyon.” Sabi ko sa kanya. Pagkapasok namin sa trial court ay nakita namin si Terrence. Nakaupo lamang siya habang takaw pansin naman ang isang timba na nakatali sa lubid na nasa taas ng kanyang pinupuwestuhan. “I will now announce the number of votes,” "Cedric voted Yes" "Stacy voted Yes" "Hannah voted Yes" "Chelsea voted No" "Owen voted Yes" "Tomy voted Yes" "Raven voted Yes" "Nick voted No" "Jessie voted Yes" "Jenny voted No" "Loren voted Yes" "Kim voted No" "Coby voted Yes" "June voted No" "Crystal voted Yes" "Phil voted Yes" "Mario voted Yes" "Caleb voted Yes" "Shaine voted Yes" "14 people voted yes while 5 people voted no!" Sa pagka-announce ni Rena no'n ay mabagal na tumatabingi ang timba na nasa taas ni Terrence. “Hin—Walang kasalanan si Terrence!” Sigaw ni Jenny na isa ring kaibigan ni Terrence. Karamihan nang nag-no ay kaibigan niya. Mabagal na tumapon ang laman ng timba kay Terrence, nakakagulat ang laman no'n. Isa itong asido. Noong una ay patak-patak lamang ang nangyayaring pagtulo. Kitang-kita namin kung paano mag-usok at malapnos ang natutuluang parte ni Terrence. "Pagsisihan niyo 'to lahat!" Malakas na sigaw ni Terrence kasabay ang ng kanyang mga pagsigaw dahil sa sakit. Napapakagat ako sa ilalim kong labi. Eto ang isa sa pinakamahirap na nakikita sa larong ito, Nasa harap mo na ang taong pinapatay pero wala kang magawa kun'di manuod. Sa biglaang pagtingala ni Terrence ay kasabay ang pagpatak ng asido sakto sa kanyang mata. Napasigaw si Terrence. Kasunod nito ang tuluyang pagbaliktad ng timba at tuluyan na ngang bumuhos kay Terrence ang buong asido. Karamihan sa amin ay napatakip ng bibig dahil sa aming nasaksihan. Parang kanina lang ay nakita pa namin ang hitsura ni Terrence ngunit dahil sa lason, unti-unti siyang binabalatan at kasabay ang pag-usok ng buo niyang katawan. Itinaas ni Terrence ang kanan niyang kamay na parang humihingi ng tulong sa amin ngunit mabilis din itong bumagsak. "Players it's a game over for Terrence Estrada! His game identity is—Assassin!" Hindi ko alam kung matutuwa kami sa balita. Nabawasan nga ang mga pumapatay ngunit mahirap magsaya lalo na't kaharap namin ang walang buhay na katawan ni Terrence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD