Chapter 34: Judgment Phase 10 Raven May mga nangyayari talaga minsan sa buhay ng tao na hindi kapani-paniwala. Sa tagal naming magkakasama dapat ay sanay na akong maloko ng iba kong kasamahan. "Ayoko hindi ko iiwan ang kaibigan ko rito!" Pagpupumiglas ni Shane sa amin at patuloy na tumatakbo sa nakataling si Stacy. Tinanggal niya ang tape na nakalagay sa bibig ni Stacy. "Shane! 'Wag kang lumabag sa mga rules, baka kung ano ang gawin nila sa'yo," Sabi ni Chelsea habang hinahatak si Shane. "Hoy gaga ka. umalis ka na nga," Bakas ang pagkagaralgal sa tono ng pagsasalita ni Stacy. "Hindi ko kailangan nang awa ng isang boba." Hindi ko maiwasan na maluha sa nakikita ko ngayon. Iyak ng iyak si Shane na parang nakikita niya na ang magiging kapalaran ng kanyang kaibigan. In fact, lahat kami ay

