Chapter 6: Trial Phase 1

2079 Words
Chapter 6: Trial Phase 1 Raven Alam niyo yung pakiramdam na sana ay isang panaginip na lamang ang lahat ng nangyayari? Kagabi ay akala ko ay ayos lang sa'kin ang mga nangyari, pero hindi pala. Hindi nawala sa akin ang kaba... Lalo na't ang main target ng Killers ay ako, si Owen, ang Doctor, at ang Nurse. Isa pang malaking tanong ay sino ang silencer? Bakit si Mario ang nagawa niyang patahimikin? Tanong pa rin kung sino siya. Pero mas pinoproblema ko kung sino ang Assasin, Serial Killer, at Mafia. Nakakamangha na nagawa nila ng malinis ang pagpatay. Gaya nang sabi ni Owen, binabantayan ko ngayon ang lahat ng taong nakapaligid kay June. "Crystal kumain ka muna," Sabi ni Caleb habang inaabutan ng makakain si Crystal. 'Diba dati ay hiniling ko sa diyos na gawan ng thrill ang boring kong buhay? Eto na ba ang sagot niya sa hiling ko? f**k! Yeah, thanks God dahil damang-dama ko ang thrill na gusto mong ibigay sa akin! "Wala akong gana," Sagot ni Crystal habang inilalayo ang pagkain sa kanya. "Raven tignan mo, ayaw kumain ni Crystal, mamaya ay trial na, baka kung mapaano pa siya." Nag-aalalang sabi ni Caleb sa akin.            "Let her do what she want," Sagot ko, hindi ko gusto yung pakiramdam na para akong nagbe-babysit ng isang kasamahan. "Buhay niya 'yan, we give our concern to her, we did our part.”  Alam kong mao-offend si Crystal sa mga sinasabi ko, but f**k! Let the reality slap her! Nandito kami, naglalaro kami ng putang inang killer game, At wala na si Evan! "Pero Raven--" "Hindi naman kasi si Evan ang nag-iisang mamamatay sa larong 'to. Marami pang susunod, kung umpisa pa lang ay nagkaroon na siya ng emotional breakdown, paano pa sa mga susunod? Dahil nga hindi natin alam kung ang mga kasama natin ngayon ay killer o innocent. Sarili mo lang dapat ang pagkatiwalaan mo, sarili mo lang ang magbibigay lakas sa'yo, at walang lalaban para sa'yo kun'di sarili mo lang," Mahaba kong paliwanag ngunit sinadya kong iparinig kay Crystal. I know I hit her ego, but that's not the case here. Ang gusto ko ay patuloy siyang lumaban without our help. Muli kong tinitigan sina June kasama ang mga naging kaibigan niya. Ang kanyang mga kasama ay sina Terrence, Mario, Jenny, Kim, at Nick.  Ngayon kapag isa sa kanila ang susunod na maliligtas tonight, there's a huge possibility na isa nga ang doctor sa kanila at kung sisuwertehin baka nasa grupo din nila ang nurse. Isang gabi pa lang naman ang nagaganap so ayokong mag-jump in conclusion. Napansin yata ni June na nakatingin ako sa kanya kaya naman mabilis itong ngumiti at kumaway sa aking direksyon. Hindi ko alam kung anong ire-react ko dahil sa loob-loob ko ay nag-panic ako. Alangan pa ako kung kakaway ako pabalik sa kanya pero sa huli ay ginawa ko pa rin. “Boo!” Nabigla ako sa panggugulat ni Owen. “Your reaction was priceless!” Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Owen ang ganitong bagay, he hide his identity like a pro. Kung hindi ko lang alam na siya yung detective, hindi ko siya paghihinalaan. He's way too good than I expected. "Oo nga, ba't biglang ang seryoso mo bigla Raven?" Pagtatanong pa sa akin ni Mario. "Ha? Mainit ba ulo ko? Baka dahil siguro sa init ng panahon kaya medyo naiirita ako," Ngumiti ako sa kanila, telling lies is one of my weakness pero mukhang mahahasa 'yon sa lugar na 'to. Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod nilang sinabi dahil nabaling ang atensyon ko kay Ian na mukhang hindi mapakali sa kanyang pwesto. Oo tumatawa siya, pero halatang peke ito. Kagabi ko pa napapansin ang kakaibang pagkilos nito. Hindi ko naman alam kung normal na talaga sa kanya ang ganoong ugali dahil isang araw pa lang kaming nagkakasama. Narinig namin ang malakas na tunog ng Bell. "Players please proceed to the basement of the Hotel. Once again please proceed to the basement of the hotel" Tumayo na kami kasama ng aking mga kaibigan. Masasabi kong sa pagkakataong ito ay mayroon na akong nabuong alliance. Si Crystal, Caleb, Mario, Bryan, Owen... Hindi ko alam kung dapat kong isama sa bilang si Phil pero mukhang handa naman siyang tulungan ako. Nagsimula na namang muli na kumabog ng malakas ang aking dibdib. Kahit papaano ay nabibigyan na ng linaw para sa akin ang patakaran at guide ng laro. "Tutal naman isa lang yung game master ba't hindi na lang na'tin siya patayin?" Pagtatanong sa amin ni Mario. "Hindi naman kasi ganoon kadali 'yang naisip mo. Una sa lahat wala tayong ideya kung nasaan siya at pangalawa, nababantayan niya ang mga kilos na'tin, tignan mo ang paligid," Sabi ni Caleb at inilibot namin ang aming mga mata. "Puro CCTV Cameras kung titignan niyo talaga maigi." "E’di sirain na lang na'tin!" " Hindi mo nga alam ang consequence kapag sinira mo 'yan." Natatawang sabi sa kanya ni Owen. "Siya nga pala Mario!" Biglang nagsalita si Crystal na medyo nahuhuli sa paglalakad na sinasabayan ni Bryan. "Baka makalimutan mo, bawal kang magsalita sa buong trial mamaya." Saglit na nahinto si Mario sa paglalakad. "s**t oo nga pala! Bwisit naman yung silencer na 'yan ba't ako pa ang napag-trip-an na patahimikin? Wala nga akong alam sa mga nangyari kagabi. Sa buong trial phase tuloy ay manunuod lang tuloy ako." Sumakay na kami ng elevator pababa sa basement at unexpected naman na nakasabay namin ang grupo nina Stacy, puro sila babae na binubuo nina-- Stacy, Jenny, Chelsea, at Hannah. Umandar na ang elevator at nanlamig na ang kamay ko sa kaba. s**t, kinakabahan ako dahil baka may spesipikong tao na biglang magdiin sa akin sa kaso. Pagkabukas ng elevator ay tumambad sa amin ang kakaibang hitsura ng basement. . May isang pabilog na lamesa rito at may mga upuan na nakalagay ang mga kanya-kanya naming pangalan. Ang ganda rin ng interior design ng buong paligid. Ang royal blue na kulay ng dingding at sahig nito. Isang red carpet na patungo sa may table, at dalawang ilaw upang magkaroon ng liwanag sa basement. Umupo na ako sa may upuan kung saan nakalagay ang pangalan ko. Ang katabi ko sa kanan ay si Stacy samantalang si Phil naman ang nasa aking kaliwa. Nandoon din ang pangalan ni Evan ngunit may malaking X sa pangalan nito upang patunay na siya'y tanggal na sa laro. "Good morning players!" Umalingawngaw na naman ang boses ni Amanda sa buong paligid noong nakumpleto na kami. "Simple lang naman ang nangyayari sa Trial phase. Mayroon kayong dalawang oras upang pag-usapan kung sino sa tingin niyo ang pumatay kay Evan o kaya naman pag-usapan niyo kung sino ang maaring killer," "May 15 minutes naman kayo para pumili ng tatlong tao na pinaghihinalaan niyo pero makalipas ang labing limang segundo ay kailangan niyong pumili ng isa upang husgahan ng lahat kung dapat ba siyang mabuhay o mawala sa laro. Day one trial, start!” Sa pagsigaw ni Amanda ng mga bagay na iyon ay saglit na nagkaroon ng katahimikan sa loob ng trial court. "Tutal naman nasa Trial tayo ay sasabihin ko na ang aking opinion, I think Tomy is the one who's responsible for killing Evan,” Biglang nagsalita si Stacy at lahat kami ay napatingin kay Tomy. "Hey miss, pinagbibintangan mo ba ako?" Sabi ni Tomy at itinuro niya pa ang kanyang sarili. "Oo kaya nga tayo nasa trial para magkaroon ng lead," Mataray na sabi ni Stacy. "Ano namang patunay mo na siya ang gumawa ng pagpatay?" Pagtatanong ko sa kanya. Hindi naman sa pinagdududahan ko si Stacy but I just can't imagine na si Tomy ang gagawa ng pagpatay lalo na't noong bago pa lamang kami rito ay siya ang halos tumulong sa lahat. "Wala man akong proof na maipapakita—" "See! Wala kang patunay na ako ang gumawa ng pagpatay!" Sigaw ni tomy. "Kung wala kang kasalanan ba't ganyan ka kung umasta? Kung wala kang kasalanan be confident!" Sabi ni Stacy at ngumisi kay Tomy. "Guys kalma lang tayo! Kal—" Naputol ang mga sinasabi ni Jessie. "Shut the f**k up! Ako ang nadidiin sa kaso tapos sasabihin mo kalma?" Pagkasabi no'n ni Tomy kay Jessie ay muli siyang tumitig kay Stacy. "Then what's your proof?" "Guys hindi ba kayo naghinala sa mga ikinikilos niya kahapon? He act as leader para maging pawns niya tayo," Mayroon ng ilan na sumang-ayon sa sinabi ni Stacy. "He try to put us under his control. Hindi leadership ang tawag doon, your real motive is paikot-ikutin kami sa palad mo,” Sabi ni Stacy and kahit ako ay napapaniwala niya na sa mga paliwanag niya. "Kasi kung walang susubukang maging leader ay walang mangyayari are you an idiot?" Ganti ni Tomy. Saglit na huminga si Tomy at ngumiti kay Stacy. "Baka naman ginagamitan mo lang ako nang reverse psychology upang pagtakpan mo lang na ikaw ang killer?" "Reverse Psychology? O baka naman ikaw ang gumagawa niyan ngayon sa akin? Sa'kin mo naman ibibintang, gaguhan ba tayo?" Ganti ulit ni Stacy.  "Guys, stop!” Malakas na sigaw ni Jessie. "I hate to say this pero nag-aaksaya lang kayo ng oras. Masyadong broaden ang pinag-aawayan niyo, hinahanap niyo na agad ang identity ng killers, guys this time mahirap pa malaman 'yan lalo na't dalawampu't lima pa tayo at tatlo lang ang killers," "Why don't we start it with small issues before tayo tumalon sa pinagtatalunan niyo," Sabi naman ni Phil. "Why don't we start with the question... ‘Sino ang napansin niyo ang kumilos nang kahina-hinala kagabi?’” "Kutob ko lang 'to guys pero sa tingin ko ay kakaiba ang mga ikinilos ni... Ian." Sabi ni Owen. "I agree!" sabi ni Hannah. "After the game ay parang aligaga siya sa mga naging galaw niya, hindi niyo lang napansin dahil busy kayo sa pagtingin sa bangkay ni Evan," "Ako naman ngayon? Wala akong ginawang masama! Noong buong game hour ay wala akong nakita ni-isa sa inyo," "30 minutes left! The killer changed clothes after the killing!" "What a nice clue, Lahat kami ay nagpalit ng damit kagabi." Sabi ni Caleb. In-annalyze kong mabuti ang sinabi ni Ian. hanggang sa may ma-realize ako. "Ian, anong wala kang nakita ni-isa sa amin? Nakasabay kita sa pagtakbo kahapon, tinanong ko kung saan mo balak magtago but you answer me rudely," Sabi ko. Sinabi ko ang alam ko, walang dagdag at walang bawas. "Ahh oo nga pala!" Mukhang naalala niya ang tungkol dito. "Nadulas ka, Ian." Natatawang sabi ni Stacy. “After the game, nakasalubong kita pero dinaanan mo lang din ako.” Sabi naman ni Jenny. "Wait pinagtutulungan niyo ako! Kayo ba ang killer?" Pagtatanong ni Ian pero nagsisimula ng mamawis ang kanyang mukha kahit na naka-aircondition itong basement... It's a sign that he's guilty. “Times up! May placard sa ilalim ng lamesa ninyo, kindly write the name nung taong pinaghihinalaan ninyo!” Isinulat ko sa placard ang pangalan ni Ian. Gusto ko mang iboto si Tomy kaso ay wala akong valid reason. Pero kay Ian, sapat ang mga nakita ng mga mata ko at nakita rin ito ng iba. "Raise the placard!" Ian- 18 votes Stacy- 1 vote Tomy- 5 vote Raven- 1 vote Karamihan ay binoto si Ian, samantalang si Stacy at Tomy ay ibinoto ang isa't-isa habang si Ian ay binoto ako. "It's unanimous decision that si Ian ang huhusgahan niyong lahat. Ian, you have thirty seconds to defend yourself." “Hindi ako iyon guys! Kung umakto akong ganoon kagabi ay dahil natatakot lang ako! Tangina maniwala kayong wala akong kasalanan!” Malakas na sigaw ni Ian habang pinipilit na kuhanin ang simpatya naming lahat. May mga tauhan ng game ang biglang humatak kay Ian. Sinubukan nitong manlaban ngunit mas malakas ang mga game staffs "Bitawan niyo ‘ko!" Itinali ang kamay at paa ni Ian sa isang specialize na upuan at tinakpan ng tape ang kanyang bibig. Mayroon ding b***l na nakatapat sa kanyang ulo. Sa tingin ko ay sa oras na iputok ito ay tapos na ang buhay ni Ian. “Players, may pula at green buttong diyan sa inyong respective seat. Do you believe that Ian killed Evan? Press the green button if ‘yes’ and red button if ‘no’” It took me a couple of seconds bago ako nagdesisyon. Para mapalapit kami sa killer ay dapat may mga taong magsakripisyo. Hindi ko rin naman alam kung killer si Ian or innocent but I press the green button.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD