Chapter 28: Judgment Phase 8 Tomy "Tomy ano bang pinagsasabi mo kanina?" Biglang lumapit sa akin si Shane at pansin sa ekspresyon nito ang galit. "Muntik mo ng ipahamak si Stacy dahil sa mga sinabi mo." "Lahat nang sinabi ko'y totoo. Kayong dalawa ang nagsisinungaling sa larong 'to. Alam kong may kinalaman kayong dalawa sa mga nangyayari!” May diin ang bawat salita kong binitawan. Kung nalilinlang nila ang ibang tao, ibahin nila ako. “Alam kong galit ka kay Stacy per—“ “Walang kinalaman ang alitan naming dalawa ni Stacy, totoo ang mga sinabi ko.” Inis kong sabi sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha ni Shane. “Dito lang kami nagkakilala ni Stacy at totoo rin itong sinasabi ko. Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa kanila, Tomy. Handa ka rin palang manghila pababa para sa sarili mong kapak

