Chapter 23: Night 7 Raven Ang isa sa mga inaalala ko sa larong ‘to ay si Owen. Alam ng lahat na si Owen ang ace player namin. Siya ang pag-asa naming para makaalis sa lugar na ito. "Sa kwarto muna ako," Sabi ni Owen at naglakad na paalis sa restaurant. Isa ito sa napansin ko sa kanya buhat nung namatay si Caleb, he isolate his self from others. “Sobra talaga siyang naapektuhan,” Sabi ni Mario. “He should get over with it soon, baka tuluyang kainin ng galit si Owen.” Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko, hindi ko na kayang maupo na lang at walang gawin lalo na't alam kong magulo na ang sitwasyon namin. "Wait, susundan ko si Owen." Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila. Tinignan ako ng lahat ng mga players habang mabilis akong naglalakad tungo sa hotel. Narinig ko pa ang pagpi

