Chapter 20: Night 6

2158 Words
Chapter 20: Night 6 Owen "Paniguradong masakit para kay Nick at June ang nangyari," sabi ni Caleb habang nasa kwarto ko sila nina Raven, Crystal, at Mario. Madalas nilang sabihin na maganda ang view sa kwarto ko kaya madalas silang nandito. “Oo nga, nung nakaraang araw ay namatay si Terrence at sumunod si Kim at Jenny,” Sagot ni Mario. “This is not a game anymore, it’s a battle for our lives.” Nakangiti kong sagot sa kanila. Call me plastic or what, sa lugar na ito, pagalingan magsuot ng maskara.          "Alam naman namin 'yon pero syempre habang tumatagal ay mas nagiging close lahat ng players so may tendency talagang masaktan kapag nawala ang isang tao," Sabi ni Crystal. Bakit ka naman masasaktan? As long as you are surviving here, you should be grateful. "Syempre dapat alam mo ang limitasyon mo pagdating pakikisalamuha, in the end ikaw lang rin naman ang masasaktan" Paliwanag ko sa kanila. Biglang lumapit sa akin si Mario at itinuro niya ang aking ulo, "Alam mo Owen sagana ka nga sa talino,"  Lumipat ang kanyang hintuturo sa aking dibdib. "Pero kulang na kulang ka naman pagdating sa emosyon," Nabigla ako sa sinabi ni Mario. “Kailangan mo ring intindihin ang mga taong nakapaligid sa’yo.” Pabiro niyang sabi pero nagkaroon ito ng impact sa akin. Why do I need to care for them? Tinutulungan ko na silang umalis dito, hindi pa ba sapat iyon? Marami pa silang napagkwentuhan. Ngayong labing pito na lang kaming natitira sa laro at medyo madali na sa akin na mahanap ang dalawa pang killer. May kutob na rin ako kung sino ang doctor pero hindi sapat ang kutob lang, kailangan ko nang kasiguradihan. Maraming tanong ang nasa isip kong gusto kong masagot. Sino si Amanda? Paano kami napunta rito? Bakit walang ibang tao na naghahanap sa amin? Bakit naming nilalaro ang larong ito? "Owen mauna na kami sa baba ah, malapit ng magsimula ang game," Naputol ang aking malalim na pag-iisip sa biglaang pagsasalita ni Crystal. Sa pagkalabas nina Crystal, doon ko lang napansin na naiwan din si Raven sa kwarto ko, "Naapektuhan ka sa sinabi ni Mario 'no?" Hindi ko siya pinansin, bagkus ay naglakad ako tungo sa kabinet upang kumuha ng damit na aking isusuot. "Owen hindi talino ang bubuhay sa'yo sa larong ito," Pagpapatuloy niya. "Lumabas ka na, pwede?" Seryoso at may halong otoridad kong bigkas. Sino ba siya para pakielamanan ang mga dapat kong i-akto sa harap ng iba? *** Matapos kong maligo ay agad din naman akong bumaba. Ito yata ang unang beses na naging tahimik sila dito sa waiting area na ito. Pansin ko ring wala sina Tomy at Coby rito, siguro ay inilalayo ni Coby ang kaibigan niya kay June at Nick. Sa mga sandaling ito ay tanging tinig lang ni Shane ang maririnig. Panay ang kwento niya pero hindi naman siya pinapansin ni Stacy. Pinagmasdan ko si Shane, hindi ko alam kung tanga talaga siya o may lihim siyang itinatago. Mukha siyang happy-go-lucky type of person. “Our game will start in 5 minutes! The doctor decided to save Raven tonight!” Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at naglakad, bago ako makalabas ay sinabayan ako ni Crystal. "Good luck sa atin Owen!" Nakangiti niyang sabi sa akin at naunang tumakbo.  “Bro, good luck! Be safe,” Sabi ni Caleb. Bakit pakiramdam ko ay ang espesyal ko nung sinabi nila iyan? “Nagulat ka bas a mga sinabi nila? Kaibigan kasi ang turing nila sa’yo,” sabi ni Raven na ngayo’y nasa aking tabi. “Shut up.” *** Third Person Pumatak na naman ang kinatatakutang oras nila, ito ay ang oras kung saan magtatago sila upang iligtas ang kani-kanilang mga buhay. “This is our chance to kill Owen,” sabi ng serial killer. “Nakakatuwang umaayon lahat sa plano ko.” Sabi ng Mafia at umupo sa isang crate. “Anong ibig mong sabihin?” Imbes na sumagot ito ay ngumiti na lamang ito sa serial killer. “Ako muna ang kikilos ngayon, bibigyan ko ng isang regalo si Owen.” Mukhang naguluhan ang serial killer kung kaya’t napilitan na magpaliwanag ang mafia. “Ang bobo mo. Kumbaga sa chess, bago mo makain ang queen at king. Kailangan ubusin mo muna ang mga pawns.” Nangiti naman ang serial killer, wala siyang ideya sa balak ng mafia pero iisa lamang ang naiisip niya. Mafia is a devil player. ***            “Ayos ka lang ba?” Tanong ni Owen habang inaalalayan si Stacy.            “Mukha ba akong okay? Ang sakit ng puson ko ta’s ganyan pa ang tanong mo?” Inirapan ni Stacy si Tomy. “Kung sipain ko kaya ‘yang itlong mo then tanungin kita kung okay ka lang.”            “Mukhang kakailanganin mo ang tulong ko, Stacy.” Nakangiting sabi ni Tomy.            “Ba’t naman ako hihingi nang tulong sa’y—“ Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nung biglang tinakpan ni Tomy ang kanyang bibig at yumuko. Nakasakay kasi silang dalawa ngayon sa umaandar na anchors away. Nasa open space kasi sila kung kaya’t risky ito para sa kanilang dalawa.            “We need to leave here,” sabi ni Tomy at napalingon sa second floor ng isang café. Nakita niya si Caleb na kumakaway sa kanila. “Doon tayo.” Hinawakan ni Tomy ang kamay ni Stacy tsaka ito hinatak... Tumakbo silang magkahawak-kamay tungo sa cafe. *** Binuksan ni Caleb ang pinto ng isang cafe, inikot niya ang kanyang mga mata... Walang tao. Kahit na wala siyang taong nakita o naramdaman ay patuloy pa rin siyang hindi gumagawa nang ingay. In-on niya ang hawak niyang flashlight at naglakad tungo sa second floor ng cafe. Bago pa man din niya ilibot ang kanyang paningin ay napukaw ang atensyon niya sa dalawang tao na nakaupo sa anchors away— Si Stacy at Tomy. “Ayaw nila sa isa’t-isa pero magkasama sila.” Pansin niya ang biglaang pagyuko nung dalawa. Alam niyang nasa panganib na ang buhay nilang dalawa nung mga oras na iyon. Kumaway ako sa kanila upang sabihin na ligtas dito. "Nahulog ka sa bitag Caleb," Biglang may nagsalita sa likod ni Caleb at hinampas siya nito ng isang bakal. Naging mabilis ang ginawang pagkilos ng Mafia, binuksan niya ang bintana sa likod ng cafe... Doon naghihintay ang isang hagdan na inihanda sa kanya ng Serial killer. Narinig niya ang biglaang pagsara ng pinto sa ground floor ng cafe, itinulak niya ang walang malay na si Caleb pababa habang siya ay dahan-dahang bumaba mula sa second floor. "Pinahirapan mo ako doon Caleb. Ngayon naman ikaw ang papahirapan ko." Mabilis niyang hinatak ang walang malay na si Caleb, kung bakit walang nakakakita sa kanila? *** Tomy “Bitawan mo nga ako,” reklamo ni Stacy. “Chill, okay? Hinawakan ko lang ang kamay mo para mapabilis tayo sa pagtakbo. Sisilipin ko lang si Caleb sa taas.” Magpapasalamat lang sana ako. “Sasama ako.” Sabi ni Stacy. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na akong maglakad patungo sa itaas, pansin ko naman na nakasunod sa akin si Stacy. Pagka-akyat ko palang ay nabuhay na agad ang kaba sa aking dibdib. "Stacy!" Pagtatawag ko kay Stacy upang makita niya kung ano ang nandito sa itaas. Nasa lapag lamang ang isang flashlight at isang tubo, okay it is a crazy setup. Tumakbo ako at inilibot ang aking mga mata. "Imposibleng mapasok siya ng killer dito dahil I'm pretty sure mararamdaman niya na paparating tayo." Saglit kong tinignan si Stacy at parang nag-iisip siya ng malalim. "Hindi kaya sa bintana dumaan ang killer?"  "Imposible 'yan Stacy, sa tapat nga ng bintana ako kinawayan ni Caleb eh" Pagpapaliwanag ko. "Bobo! bakit doon lang ba may bintana?" Sabi ni Stacy at itinuro ang isang bukas na bintana sa likod ng cafe. Sumilip kami parehas paibaba at isang hagdan ang tumambad sa amin. Doon na lumakas ang kabog ng dibdib ko, sinubukan kaming iligtas ni Caleb pero ngayon... ang buhay niya na ang nasa panganib. Lumabas ako sa bintana at bumaba ng hagdan. “Saan ka pupunta!?” “Diyan ka lang, hahanapin ko si Caleb.” Pagkababa ko ay kumaripas na agad ako ng takbo. Dinig ko pa ang sunod-sunod na sigaw ni Stacy pero hindi ko na siya pinansin. *** Caleb Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, noong una ay malabo pa ang aking nakikita pero kalaunan ay luminaw na ito. Hindi ko alam kung nasaan kami pero parang isang maliit na kwarto lamang ito. “Ikaw? Ikaw ang pumapatay?” Sigaw ko at pilit kumakawala sa pagkakatali. Nakahiga ako habang naka-crucify ang aking katawan. “I am the mafia, to be exact.” Proud nitong sabi. Naglabas siya ng isang kahon na naglalaman ng napakaraming karayom. “Dahil sa pagkamatay ni Terrence, binigyan ninyo ako ng dahilan para seryosohin ko itong larong ito.” Itinusok ng mafia ang karayom sa kanyang daliri, lumabas ang pulang likido mula rito. “Red symbolize love but it also symbolize hatreds” Ipinatak niya ang kanyang dugo sa aking mukha. “Tapusin na natin ‘to, Caleb.” Humikab ito sa harap ko. "Bakit ako? Bakit ako ang kailangan mong patayin?" "Para gumalaw ang Queen sa kanyang puwesto. Kailangang may mawalang isang importanteng pawn." Wika niya sa akin.  Kumuha siya ng isang karayom at itinusok sa aking puson. "Surprise!" Sabi niya at naglabas ng isang martilyo. Itinapat niya ang karayom sa aking puson at pinukpok ito ng martilyo dahilan upang mas lalong bumaon ang pagkakatusok dito. Napasigaw na lamang ako sa sakit pero hinampas niya ng martilyo ang aking ulo. "Tang ina manahimik ka nga!" Kinuha niya ang tape na nakapatong lamang sa cabinet at inilagay sa bibig ko. "I will be you Masseur for today. I will give you the sweetest acupuncture ever." Sabi niya sa akin at sinimulan niya na naman ang pagkuha ng mga karayom. Sinimulan niyang itapat sa aking noo ang dulo ng karayom. H'wag! Please h'wag! Napapikit na lamang ako sa sakit ng sinimulan niya ng pukpukin ng martilyo ang karayom. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon no'n sa aking balat. Nagsimulang umagos ang pulang likido sa aking mukha. Iminulat ng mafia ang aking isang mata. "Bawal pumikit Caleb, Paano mo mararamdaman ang sarap kung hindi mo nanamnamin?" Sabi niya. Nagsimula siyang magbaon ng mga karayom sa balat malapit sa aking mata. Ganoon din ang ginawa niya sa kabila kaya kahit ipilit ko mang ipikit ang aking mga mata ay nananatili pa rin itong nakadilat. Patuloy ko lang nakikita ang demonyo niyang ngiti sa akin.  Sinimulan niya na muling magbaon ng karayom sa aking paa. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng karayom. Umakyat ang kanyang ginagawa patungo sa aking tiyan. Naliligo na ako ngayon sa sarili kong dugo... pero demonyong ngiti lamang ang nagiging tugon niya sa akin. "May sasabihin ka Caleb?" Bigla niyang tinanggal ang tape na nasa aking bibig. "You! Just die--" Naputol ang aking mga sasabihin ng malakas niyang hinambalos ng martilyo ang aking bibig. Hindi lang isang pukpok ngunit makailang ulit niyang ginawa sa akin iyon.  Nalalasahan ko na ang mala-kalawang kong dugo at hindi ko na rin naiwasan na mapaluha dahil sa sakit na aking nararamdaman. "Patayin mo na 'ko." Diretso kong sabi. "Oh sure, paniguradong magagalit si Owen dahil sa nangyari sa'yo." Sabi nito at tinapatan ng karayom ang sentro ng aking mata. Malakas niya rin iyong pinukpok at ganoon din ang ginawa niya sa kabilang mata ko. Walang habas niyang pinagpupukpok ang buo kong katawan at kitang-kita ko ang pagtalsik ng aking dugo. Ang bawat hampas niya ay pakiramdam ko ay nababali ang buto ko sa loob. "Paano ba 'yan Caleb... Oras na para sirain natin ang mala-prinsipe mong anyo. If you thought you're the prince of your own story, nagkakamali ka. Isa ka lang malaking ekstra sa isang malaking palabas." Sinimulan niya ng hatawin ng hampas ang aking mukha. Bawat hampas ay pasakit ng pasakit. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang aking paningin. *** Owen "Players it's a game over for Caleb Jacobs! His game identity is—INNOCENT! The silencer decided na patahimikin si June sa trial bukas!” Sa pagkasabing iyon ni Amanda. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib, naging malapit sa akin si Caleb. Parang nag-flashback lahat ng mga pinagsamahan namin. "Hi-hindi! Imposible 'to!" Bigkas ko at hinanap ang walang buhay na katawan ni Caleb. "Nandito siya!" Biglang sigaw ni Tomy at itinuro ang isang kwarto sa hotel— sa kwarto ni Bryan. "Pasensiya na, hindi ko agad natulungan ang kaibigan mo." Noong nakita ko ang walang buhay na katawan ni Caleb. Parang nais kong magwala, Nandoon ang pagsisisi sa loob ko. Nandoon ang inis ko sa sarili ko dahil hindi ko natulungan si Caleb. Nagsisisi ako na huli ko nang na-realize na kaibigan ang tingin ko sa kanila. Hinayaan ko na lamang na dumaloy ang mga luha sa aking mga mata at dinama ang sakit at pagsisisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD