7

1169 Words
"Bakit ka umuwi agad kagabi?" Nakadukdok ang mukha ko sa hawakan ng upuan ng maramdaman ko ang paghawak nitong nagsalita sa likod ko. Nag angat ako ng mukha pero walang salitang lumabas sa labi ko kundi isang buntong hininga. Wala akong maayos na tulog dahil buong magdamag akong nakaupo, nakasandal sa pintuan ng unit ko. Wala kasi akong tiwala sa Creepy Girl na yun. Umaga na ng payagan ko tong umuwi. "May sakit ka ba?" Muling usisa ni Xander. Umiling akong napatakip sa bibig ko dahil sa paghikab. I wanna sleep like crazy. Never pa akong umabsent sa buong buhay ko ng pagiging student. Kahit nga may sakit ako pumapasok pa din ako. Kaya kahit halos wala akong tinulog present pa din ako. "Can I have coffee? Xander, please." Tunog tila pinagbagsakan ng langit at lupa kong pagmamakaawa sa guy best friend ko. Babagsak na kasi talaga ang mga talukap ng mata ko. Baka palayasin ako mamaya ng Prof namin kapag ganito ang lagay ko. Hindi naman nag atubili si Xander. "Alright. I'll get you one. Wait me here." May pag aalalang hayag niya, hinaplos pa ang ulo ko bago umalis. May 10 minutes pa naman bago mag start ang klase. Naubos ko ang biniling kape ni Xander. Sakto pagdating ni Rafa at Kera dumating na din ang Prof namin kaya hindi na nila ako nakausap. "Pero walang nangyari? Mamatey??" Tila hindi kumbinsidong interogasyon sa'ken ni Kera. Mabilis lang ang 4 hours sa dalawang subject naming nagdaan at andito na nga kami sa cafeteria para mag lunch. Hindi na din kasi ako nakatiis at kinuwento ko sa kanila ang buong nangyari, dahilan kung bakit ako naunang umuwi kagabi. "Kaya please, guys. Iba na lang ang ipagawa nyu sa'ken. Ayoko na!" Reklamo ko sa tatlo. Naka palumbaba lang ang mga ito. Kagaya ko hindi din sila makapaniwala. "Yun ba talaga ang dahilan?" Nangunot ang noo ko sa makahulugang saad ni Kera. "What else do you think would be the reason?!" Atungal ko, marahas na pinagkrus ang mga kamay at mga tuhod ko. "I agree.." Napatingin ako kay Xander. "..ibahin na lang naten.." Sumama naman bigla ang tingin ng dalawa sa kanya. Mukhang siya lang ang kakampi ko. "Baka naman kasi natatakot ka-" "Natatakot san?" Halos mapatayo ako na akala mo'y makikipag sabunutan na ang dating ko. "Natatakot na baka imbis si Avry ang mahulog sayo, ikaw ang ma in love sa kanya.." Pagtatapos nitong nagpataas ng adrenaline ko sa katawan. "The hell you are talking about, Kerara! Ako ma- iinlove sa Creepy Girl na yun?! Malabo pa sa tubig kanal na mangyari yun! Wala siyang kadating dating, hindi siya maganda sa paningin ko, hindi rin siya sexy, ni isang pwede kong magustuhan sa kanya... WALA!" Walang preno ang bibig ko. Halos lumabas na ata litid ko sa leeg sa diin ng mga binitawan kong salita. Para lang akong nasa acting workshop sa mga linyahan ko. "But love is blind." Napangiwi ako sa sinabing iyon ni Kerara. Simula ngayon si Kerara na siya. "Ikaw ang blind.." Bwelta ko. "Best friend kung confident ka na hindi mahuhulog kay four eyes then do the challenge. Kailan ka pa naging loser?" Hindi ko inaasahan sasabihin ni Rafa yun. Ako ang best friend nya. Bakit parang kay Kera siya kumakampi. Maiiyak na ata ako. Sa nakakaawang itsura ko tanging si Xander lang ang humaplos haplos sa likuran ko. Napasandal na nga ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko pa din kasi ang pagod, puyat, frustration.. lahat na sa sistema ko. Bumalik ang diwa kong napa-angat mula sa pagkakahilig sa dibdib ni Xander ng makita ko si Creepy Girl na kasama ang babaeng dahilan kung bakit napalinis siya kahapon ng banyo. The way I see them, they seem to know each other more than acquaintances or enemies. Subconsciously, nakasunod na lang pala ang mga mata ko sa dalawa na parang sila lang ang nakikita ko. Naunang tumayo si Creepy Girl na sinundan nung babae. Nahinto sila sa gilid ng table kung saan kami nakapwesto dahil hinapit ng babae ang kamay ni Creepy girl. "What the hell are you doing, Avry? Do you really plan to ruin your life??" Sa tono ng babae halatang concerned siya kay Creepy Girl. So ano yung eksena kahapon sa quadrangle? Teka mag jowa ba sila? Mag ex? May history? Pero straight siya sabi niya. Pwede din namang mag best friend or sisters? Hindi naman sila magkamukha. Maganda ang isa pero itong si Creepy Girl, creepy lang talaga. Akala mo aattend ng halloween party sa itsura at awra. "Can't you just leave me alone, Alexa? Please, just.. just leave me alone." Ang bigat. Parang ang bigat bigat ng dinadala niya sa tono ng pananalita niya. Tumalikod na si Creepy Girl matapos alisin ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya pero nahinto ulit ito ng magsalita ang babaeng pinangalanan niyang Alexa. "I should have blamed you. She died because of you!" Sa totoo lang pinag titinginan na sila pero parang deadma ang mga to. "Hindi pa ba? Don't be a hypocrite. You are blaming me already, right? You don't need to admit it 'cause I'm not numb, Alexa.." Buong diing pahayag niya. Ang dilim ng bumabalot sa mukha ni Creepy Girl. "You are such a loser, Avry! No one is blaming you! You are the one blaming yourself, kaya ka nagkakaganyan! How about her? Did you ever think of what she would feel kapag nakita ka niyang ganito?" Shit, nasa theater shows ata kami. Tila naumid ang dila ni Creepy Girl at bigla na lang tumakbo. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang sundan. Parang kailangan niya ng makakasama. Parang kailangan niya ng kakampi, ng comfort. Naputol lang ang malalim kong pag iisip ng kumaway-kaway na sa mukha ko ang kamay ni Kera. Ano bang problema ng babaeng ito maliban sa cheater niyang boyfriend. "Go!" "Huh??" Pagtataka ko sa utos niya. "Follow her.. TANGA! This is your chance mapalapit sa kanya." Na-tanga pa talaga ako. Without realizing it, I ended up doing what Kera asked me. I grabbed my bag and ran to where Avry was heading. Inabutan ko itong sinusuntok ang pader sa likod ng library's building. Umiiyak siya pero walang hikbi. Bakas ang matinding galit, poot sa awra niya. Marahan at maingat akong lumapit kahit nag aalangan ako. Baka ang magandang mukha ko ang sunod na masapak. Tahimik akong inabot sa kanya ang handkerchief ko. Natigil siya at napatingin sa hawak ko. Kinabahan ako ng wala itong naging response at tinitigan lang ako. Hindi ko namalayan ang biglang pagyakap niya na kulang na lang matumba ako at sobrang higpit. Dahan- dahan akong yumakap pabalik. Saka ko lang narinig ang masakit niyang hikbi. Humahagulgol siya na para bang ngayon lang niya nailabas lahat ng sama ng loob niya. I have no idea what she's going through, but it's so apparent that she's in deep pain. Bumalik sa ala-ala ko ang mission kong mapa ibig siya. How am I supposed to do such a cruel thing to this person experiencing in-depth agony?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD