ILAN SANDALI pa at mukhang tutugtog na ang banda na nasa stage sa harap, malapit lang sa amin. Bumati ang babaeng vocalist kaya naghiyawan ang mga tao. "What a gorgeous evening, everyone!" Full of energy. May sumigaw pa ng," mas gorgeous ka!" Sabay sipol. "I'm Iris and we are the Ecstasy going to rock your twilight!" Pagpapakilala nito sa kanyang sarili at ng kanilang band. Sinabi niya ang song title pero di ako familiar, "Sana magustuhan niyo.. Sweetie by Carly Rae Jepsen," labas ang dimples at mapuputing ngipin nito. Walang duda ang taglay niyang ganda, isang malaking plus point para mabilis din makuha ang audience impact. May mga banat lines pa ito patungkol sa kakantahin niya kaya mas lalong naexcite ang lahat habang ang mga kasama niya ay tila kinokundisyon ang kanya-kanyan

