Mayumi Asherah Errille's POV
Nandito kami ngayon sa classroom habang may kanya kanyang ginagawa. Napatingin
ako sa may pinto ng pumasok ro'on si Prof.
"Good Morning Everyone!" Bati nya, binati rin namin sya pabalik gaya ng lagi naming ginagawa.
"Okay Class, I have an important announcement!" He started, umayos ako ng upo maging ang mga kaklase ko. Ayos na yarn mga pre?
"What is it Sir?" Tanong ni Holan.
"Well, Were having an performance task next week, please be prepared!"
"What kind of performance task Prof?" Tanong ko, Lumingon s'ya sa gawi ko.
"Hmmmm.. By section. Ang dalawang Section ang makakalaban nyo para sa performance task nyong 'to." Napatango ako.
"Sing and Dance, I hope you all are having a great and good performance task. Good luck!" Aniya bago lumabas. Weh? Performance task? Tss, Hindi ako mahilig n'un 'e.
"Vince!?" Tumingin sila'ng lahat kay Vince, Lumingon s'ya sa gawi ko.
"Ikaw na lang!" Aniya na, Ngumiwi ako. Bakit ako?
"Anong--- hoy! Ikaw ang Hari ng Section'g 'to." Masungit na singhal ko.
"Tsk! Ikaw naman ang Reyna ng Section'g 'to?" Ohhh, Reyna na pala ako? Pero, Princessa pa lang ako 'e.
"Weh? Talaga ba? Kung Reyna ako edi ako ang sundin mo!"
"Tarantado!! Ako ang Hari Dito. Manahimik ka! Ang mabuti pa, magisip ka na lang ng pwede nating sayawin at kantahin. Dali na!" Masungit na usal n'ya, Napaawang ang labi ko at ngumiwi.
"Hoy! Hindi ako utusan!!" Sigaw ko pabalik.
"Hmp! Charles, tulungan mo ako!" Hinatak ko ang braso niya.
"Kailangan pa'ng umalis, Dito na!" Napairap ako, Naupo ako sa tabi nya at nag search kay google.
Ano ba kasing pwede? Andami ko ng nasearch.
Perfect?
Steal my girl?
Say you won't let go?
Mahal kita pero? Hayyssttt..
Biglang Liko!?.. HAHAHA! Joke lang.
In the name of love?
Take me down?
16 shot?
No limit?
DNA?
"Hmm... DNA at Ano ba? Huhuhuh.. mamili ka nga sa mga Kanta?" Ngumuso ako, Pinikit nya ang labi ko at kinuha ang cellphone sa 'kin..
"Tayo na lang dalawa?" Tanong ko.
"Sure, bakit Hindi. So tayo na?" Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.
"Ano!? Hoy ah!" kinurot ko sya sa may braso, Tumawa s'ya.
"Joke lang.." Anang niya, napanguso ako at mahinhing tumawa.
"Edi tayo na!!" Namumula ang tenga nitong nagiwas ng tingin.
"Joke lang!" Napawi ang ngiti nya at kumamot sa ulo.
"Ano eto na lang?" Tanong ko, Tumango ito.
"We need some instrument's." Tumango ako. "Yeah, Kailangan talaga."
"Sino bang magaling sa gitara and whatever so.. HAHAHA!" Natatawang nagkamot ako ng ulo
"Pwede bang dalawa ang kantahin at sayawin? Tanong mo nga." Utos ko dito, Ngumuwi s'ya.
"Hoy! Cy!." Tawag nya kay Cyrus na busy sa pagcecellphone.
"Ano yun?" Tanong nito saka lumapit sa gawi namin.
"Tanong mo nga kay prof kung pwedeng dalawa ang sayawin at kantahin, Dali na!" Bahagya pa itong tinulak tulak ni Charles, Napairap ito at padabog pa'ng lumabas.
"Tarantado talaga ang isang to!" Tawang ani ko. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na bagsak ang balikat.
"Ano? Pwede daw!" Tanong ko na tinanguhan nya lang at padabog na naupo. Ano ba toh? May regla? Tarantado. Anyare ba d'yan?
Napakibit balikat na lang ako bago naghanap pa'ng muli. Matapos namin ay nagtungo lang kaming canteen.
"Ouch!" Napalingon ako kay Cyrus na sya'ng may nakabanggahang Babae.
"Tsk! Dika ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" Masungit na ani nito, Nagpagpag ito ng damit.
"Tsk! Ikaw nanaman! Kainis! Panira ka ng araw!" Sabi nya at nag walk out.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa nerd na nakabanggahan nya. Tumango lang ito bago ngumiti ng pilit.
"Tara na Mae, Don't Waist your time for a b*llshit!" Nabatukan ko ng wala sa oras si Chasin bago nya ako hinatak sa braso, Problema ba ng mga to sa mga babae. Upakan ko sila e.
Nagtungo lang kaming canteen at doon namin naabutan si Cyrus na kumakain magisa habang masama ang tingin sa babaeng nerd na nakabanggahan namin kanina. Ang bilis naman nya'ng nakarating ng cafeteria?,
"May regla ba sya?" Wala sa sarili kong tanong sa katabi kong si Calliber.
"Aba! Malay ko ba. Malay mo! HAHAHA!" Napailing na lang ako.
"Tarantado! Malay mo may gusto sya sa nerd na girl!" Sabi ko at kinindatan s'ya nanlalaki ang mga mata n'ya at tinitigan ako.
"Oo nga no? Malay mo!" Nanlalaking matang ani ya at sabay kaming tumawa, Nakipag apir pa ito sa'kin. Napalingon tuloy sa amin ang mga Studyante.
"Ehem." Tumikhim ako.
"Hehe, peace!" Nagpeace sign lang kami'ng dalawa bago nagpatuloy sa pagkain.
Napatingin kaming lahat sa mga babaeng paparating. Hay naku! War again is coming. Andito nanaman ang mga aswang na akala mo magaganda muka namang impakta.
"Ano nanaman bang kailangan niyo?" Malamig na tanong ni Charles.
"Ouh, babe. I miss you!" Malanding wika nung isa sa mga alipores nung Jasmine. Oo, jasmine ata ang pangalan ng malanding to. May boyfriend na nga, lumalandi pa..
"Tsk! Don't call me babe. Hindi kita girl friend." Nandidiring ani nito, Itinulak nya ito at nandidiring pinagpagan ang damit.
"Hmp! Nakalimutan mo na ba yung may nangyari sa atin? Buntis ako.. babe!"
"Tsk! Do you think papatol ako sa Isang kagaya mong Hampas lupa na nga. Malandi pa!"
"Woah! Savage!!"
"Maniac!!"
"Legendary!!"
"Ml pa!!" Sigaw ko.
"Anong tinatawa tawa n'yo d'yan?" Nanggigilid na ang mga luha nitong nakatingin dito, Pahiya ka girl?
"Hindi naman ako malandi ah.. Hindi rin ako hampas lupa."
"Paanong Hindi Hampas lupa. Tignan nyo nga yang mga suot n'yo. Halos makita na ang mga kaluluwa nyo. Alam n'yo ba'ng para n'yo na ding binebenta yang mga maruruming katawan nyo! Tss," Grabe talaga mambara ang Isang toh. "Umalis ka na! Aksaya lang kayo ng oras! Sa susunod na gawin n'yo pa ito. ipakukulong na kita!" Aniya, Nagpaiyak na lang ito. Muka'ng napahiya..
'Ayan kasi.. ang lalandi e.'
'Kaya brinake ni Syd si Jasmine e. Ang lalandi!' break na sila? Luh!
'Kaya nga.. mga Walang respeto sa sarili!'
"Ang sasakit nyo namang magsalita!" Sigaw nung isa sa mga kaibigan nya.
"Bakit totoo naman ah! Malandi kayo!" Ani nung isang babae na mas lalong ikinaiyak nya, Tumakbo ito
Muntikan pa sya'ng natumba, Tumawa ang mga studyanteng nakapalibot sa 'min.
"Oy, Grabe ka! Pinahiya mo!" Usal ko.
"Tss, Bakit?" Umiling ako.
*Splashhhh*
Napawi ang tawa ko ng may bumuhos sa akin ng malamig na tubig.
"What the f*ck!"
"D*mn it!"
"I'm sorry, I'm sorry.." wika ng isang babae, Nilingon ko ito. Nakayuko lang ito habang paulit ulit sa paghingi ng Sorry. "Sorry po.. hindi ko sinasadya. Natisod po kasi ako.. sorry!" Aniya habang mukang maiiyak na..
"Okay--- sa susunod kasi magingat ka!" Singit ni Kairo na sinamaan ko ng tingin. "Okay Lang...magpapalit na lang ako." Ani ko bago maglakad. Sinundan ako ng mga kaklase ko.
"Ouh, san kayo pupunta? Sama kayo sa akin magpalit?"
"Tara ba?" Ani ni Kenzo na sinamaan ko ng tingin.
"Upakan Kita?" Ani ko at itinaas ang nakakuyom ko ng kamao.
"Hehe, joke lang naman e. Hehe!" Bigkas nya, Umirap ako. Kumuha ako ng uniporme ko at pumasok sa cr.
"Tarantado.. labas nga kayo! Nasa locker kayo ng mga babae!" Sigaw ko, Nahihiyang nagkamot sila ng ulo at tumakbo palabas.