Mayumi Asherah Errille's POV
Matapos ang nangyari kanina ay umuwi na lang ako. Tinatamad na akong pumasok ngayon. Masyado ako'ng napagod.
Buti na lang at wala akong napatay. Napabuntog hininga ako.
"Mom!" Tawag ko rito, Nilingon n'ya ko at yinakap.
"Bat ata ang aga mo'ng umuwi?! Nag cutting ka nanaman ba?" Umiling ako, Binaba ko ang ulo ko.
"Nangyari nanaman.." Mas lalo ako'ng napayuko..
"Ano!? Anak...May napatay ka ba!?" Lumapit ito sa 'kin, umiling ako..
"Hindi ko po.. napatay, nasaktan ko lang!" Nagangat ako ang ulo at ngumiti ng pilit.
"It's okay.. di mo naman siguro napuruhan." Umiling ako at ngumiti..
"Sige na, May business trip pa kami ng Daddy mo sa hong kong. Ingat ka dito hah!" Aniya na, Tumango ako.
Naglakad ito palabas.
Pinagmasdan ko lang itong umalis hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Napabuntog hininga ako. "Hayysstt, Sana talaga hindi ko sya napuruhan!" Wala sa sariling naiusal ko.
Umakyat ako ng kuwarto at ng makapag pahinga na 'rin ako.
Nahiga ako sa kama ko, Tumitig pa ako ila'ng saglit sa puting kisame. Bumuntog hininga pa ako'ng muli. "Ano kayang pwedeng gawin pagkagising ko!?" Tanong ko sa sarili.
"Hayyssttt, di ka pa nga makakatulog self e. HAHAHA!" Nagpilit tawa ako, Pumikit ako at tuluyang nagpalamon sa dilim...
Sean Smith's POV
Nandito kami ngayon sa classroom habang inaantay si Mister Caspian.
"Good Morning class!" Bati n'ya ng makapasok ito, Tumayo kami at bumati 'rin pabalik.
*Boogggssshhhh*
"Sorry, I'm late! Hehe!" Napalingo kami sa pintuan ng pumasok si Mayumi na hingal na hingal.
"Good Morning Everyone!!!" Sigaw nya pa, Napailing na lang kami at bumati rin pabalik. Kagaya ng napagusapan, tinanggap namin sya. Natalo nya si King e.
Napapatanong 'rin ako kung minsan, Babae ba talaga ang isa'ng ito? O sadyang basagulera at mahilig lang talaga s'ya sa gulo.
"Good Morning Miss Ishakawa!" Bati ni sir, Nagsimula ito'ng magturo....
DISMISSAL
Apat na oras din kaming nagklase sa kanya at medyo pagod na din ang isip ko. All I need to hear from him is "Okay Class dismissed!" Thank's God.
"Enjoy your lunch, Student's. Have a good day!" Aniya bago inayos ang mga gamit nya at lumabas.
Lumabas na lang din kami kasabay si Yumi or Mae na lang daw kung ayaw naming mabangasan. Iba talaga ang babaeng 'to.
"Halla. Ouh my ghad! Ang cute!" Sigaw nya, Hinabol nya ang puti at maliit na kuting. Pilit nya'ng hinuhuli ang pusa.
"Pusa!!! Oyy!" Sigaw pa'ng muli, Napailing na lang kami ng buhatin nya ito gamit ang sariling kamay. "Wahh! Ang cute cute mo!" Aniya, Naglakad ito palayo. Sinundan na lang namin s'ya hanggang sa makarating kami'ng cafeteria.
"Oyy! Mae, Di ka pa ba kakain?" Tanong ni Kenzo, Napalingon kami kay Mae. Nilalaro nya ang puting kuting at sinusubuan. Seriously? Mas inuna nya pa ang kuting kesa sa sarili.
"Ano yun?" Napalingon ito kay Kenzo, Umiling na lang ito at nagpatuloy.
"Kagigil talaga ang isang to." Wala sa sariling naiusal ni Adrian. Kaya nga, pag ba may nangakit na lalaki dito, pinapatulan nya? Siguro, may tinatago din naman sigurong kalandian ang isang to e no? Pero masama ang manghusga.. hindi pa naman namin s'ya lubos na kilala..
"Hey wattsup miss?" Napalingon kami sa isang studyante, Nilapitan nito si Mae at ngumiti.
"Wanna date with me!?" Tanong nito, Napangisi ako ng palihim. Makikipag date naman siguro to sa lalaking to diba? Sumakto pa talaga..
"Date your a*s! Alis d'yan! Hindi ako mahilig sa mga ganyan." Napangiwi ako, Bumagsak ang balikat ko at napakamot sa ulo. Yun na nga e, example na yun. Sabi ko nga e, Ayaw nya. Che!
Matapos ko, Tumayo na ako.
Hinarangan kami ng mga taga Section Hell.
"Ohh! May Reyna na ata ngayon ang mga taga Section Death! Ang ganda pa!" Napatingin ako kay Andrew, Ang leader nila.
"Kami wala pa e." Napabusanggot s'ya.
"Anong kailangan niyo!?" Inis na tanong ni Enton, Ayaw n'ya ng may humagarang kapag dumaraan kami.
"Well, dahil nga ayaw nyo sa babae.. amin na lang sya!" What the---
"Anong sabi mo?" Pagalit na tanong ni Kiel, Napangisi ito.. at mapangasar na tumawa.
"HAHAHA! Ayaw nyo sa babae diba!?, Amin na lang sya. Total wala rin namang kwenta para sa inyo ang mga babaeng kasingganda nya!"
"Hindi ako nagpapa hawak sa isang gaya mong, Hampas lupa at mas walang kwenta!" Nandidilim ang aura nito'ng tinignan si Mae.
"Anong sabi mo!?" Galit na tano'ng nito, Tumaas ang kaliwang kilay nya.
"Ang sabi ko muka kang unggoy.. kaya alis d'yan, kung ayaw mong basagin ko yang panget na pagmumuka mo!" Sigaw nya, Binangga nya ito sa balikat. Natumba ito, Ibang klase talaga.
Napangisi ako bago sya sundan patungong classroom. Nangunot ang noo ko ng Bumalik ito sa direksyon namin..
"bakit!?"
"Nakita nyo yung pusa?!" Para'ng hindi batang ngumuso ito. Napalingon kami kay Vince ng inilahad nito ang kamay, Hawak nya ang pusa.
"Wahh!" Kinuha nya lang ito, Bumalik s'ya sa paglalakad.
Mayumi Asherah Errille's POV
Nandito ako ngayon sa may garden habang nagbabasa ng libro, Napalingon ako sa tabi ko ng tinabihan ako ng isa'ng lalaki.
Wahh, ang gwapo nya.
"Hi?" Nahihiya'ng nilingon ko ito at nagpilit ngiti..
"By the way, I'm Caliber." Hindi ko tinatanong pero thank you. Wahh, seserch ko pangalan mo sa f*******: o sa kahit na ano pang social media.
"I-im.. I'm Mae, Mayumi Asherah Errille Ishakawa." Pakilala ko saka inabot ang kamay n'ya.
"So, ikaw yung babae sa Section namin?" Tanong nya, Kumunot ang noo ko.. Wag nya'ng sabihin na sa Section sya ng mga sira ulo kong kaklase.
"Hmm.. Section Death?" Tumango ito, Napatango tango ako. Itinuon ko ang mata sa pagbabasa.
"Yeah! Ako yun.." Sagot ko, Lumingon ako sa kanya, Nakangiti ito.
"Bat nga pala, ngayon lang kita nakita!?" Tanong ko.
"Wala, in these past few days. Naging busy lang sa pagmamanage ng company namin!" Napatango ako...
"Ga'noon ba?" Tumango ulit ito.
"Tara na sa classroom.." Aya nya na tinanguhan ko lang bago tumayo at naglakad.
Wahh, I started to have a crush on him kahit na ayaw nila sa mga babae. Pero hanggang crush lang naman e. Period.
Umupo ako sa may pinakadulong upuan na kung saan nakaupo si Charles.
"Tsssss." I looked at Vince. Umirap ito..
Andrew Lin's POV
Humanda sa akin ang babaeng yun. Magbabayad sya sa pagbangga at pagsabi nya sa akin na muka akong unggoy.
Sa gwapo ko ba namang toh? Tatawagin nya lang akong mukang unggoy. Tsk! Ang sama nga naman ng ugali ng babaeng yun.
Ayaw nila sa babae, pero tinanggap nila ang isang yun. Tss.. Wala 'ring kwenta ang mga 'yun kung minsan 'e no?
I'll make sure, I'll be her worst nightmare.