Speculations "HUWAG!" Sigaw ko at bumalikwas ako ng bangon. Pagdakay napayakap ako sa sarili. Ang pangit ng panaginip ko. Nagpasya akong lumabas ng sariling kwarto at naglakad palabas patungo sa kusina. Kailangan kong uminom ng tubig. Ilang gabi ko na ring napanaginipan ang dalawang batang umiiyak. Hindi ko nga lang gaanong maaninag ang mga mukha ng mga ito. Nang makarating ako sa kusina, agad na kumuha ako ng baso at lumapit sa ref para kunin ang pitsel na may lamang malamig na tubig. "Bakit gising ka pa?" Dahil sa gulat ay nabitiwan ko ang basong hawak dahilan para mabasag iyon sa sementadong sahig. "Ay!" Sigaw ko, at gulat na napalingon kay Mr. Montenegro. "S—sorry, sir," ani ko at nagmamadaling dinampot ang ilang piraso ng nabasag na baso. "Don't, baka masugatan ka," ani ni

