Daisy's POV LUMIPAS ang sampung araw narito ako ngayon sa aking hospital bed, dahan-dahang tinatanggal ang nakabalot sa aking mukha ng surgeon kong si Vince. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang excitement sa tinig ng aking anak na si Dawn. Hanggang sa tuluyan na nga iyong matanggal, halos mabingi ako sa lakas ng tili ni Dawn na agad din namang sinaway ng supladito nitong kapatid na si Andrei. "Omg! Kahit saang anggulo tingnan, Ms. Parojinog, you are so pretty!" Bulalas ni Vince. "Thank you, Vince," sagot ko rito. Ibinigay nito sa akin ang maliit na salamin at excited na tinanggap ko iyon. "Ang galing, hija. Sayang hindi pa dumating si Mr. Montenegro," nakangiting ani ni Aling Lorena. Palibhasa'y nasa meeting ngayon si Nathan with the board of directors. Nang mapagmasdan ko ang s

