Expectation "Bullsh!t!" Nagulat ako sa reaksyon ni Mrs. Reyes nang sa wakas ay tinanggal na ng aking surgeon na si Dra. Lim ang sagabal sa aking mukha. "Bakit, ano'ng nangyari?" nagtatakang-tanong ko. "Hindi ito ang mukhang sinasabi ko, Dra. Lim!" Galit na saad ni Mrs. Reyes. "But, Mrs. Reyes.... hindi ba't heto ang ibinigay niyong folder?" sagot ni Dra. Lim. Inis na hinablot iyon ni Mrs. Reyes at maagap na binuksan. Napasinghap ito. "Fûck, hindi ito ang mukhang nais ko para sa anak ko!" Nanlilisik ang mga matang ani nito kay Dra. Lim. Napansin ko kaagad ang takot sa anyo ng doktora. "I am so sorry, Mrs. Reyes. Pero nariyan na 'yan at hindi na pwedeng ibahin." "Anak mo?!" Gulat kong tanong dito. "Yes, hija. Dahil anak na ang turing ko sa'yo." Pansin ko ang inis sa anyo nito kahit

