Dawn POV "Mommy...please be strong...," lumuluha kong ani. "I'm so sorry for not telling you the truth." "Dawn, tama ba ang narinig ko?" Napalingon ako nang marinig ang tinig ni Mommy Divine. Lumapit ito sa akin. "B—bakit mo siya tinatawag na mommy?" "Ano pong masama kong tawagin ko siyang mommy, Mommy Divine?" Pabalik kong tanong dito. Tila parang natauhan ito sa aking tanong dito. "Sweetie, masyado mong sineryoso ang pagtawag ni Dawn ng mommy kay Daisy," ani Tito George kay Mommy Divine. "Nagulat lang kasi ako, George. Pero... iyong huling sinabi ni Dawn, don't tell me hindi mo narinig iyon?" sagot ni Mommy Divine kay Tito George. Napasulyap sa akin si Tito George. Umiwas ng tingin dito. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga. Naram

