Daisy POV NAGISING ako sa munting ingay, so far maganda ang tulog ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata. Sinalubong ko ang mga mata ng tila apat na kulay asul. "Are you already awake, mom?" Boses ni Andrei ang narinig ko. Ewan ko ba, bakit English speaking ang mga batang ito gayong sanay sa hirap ang mga ito. "Hi, mom!" Nakangiting mukha ni Dawn ang muli kong nakita, pagdakay hinagkan nito ang aking pisngi. How sweet my little, Dawn. Ang sarap naman sa feeling. "Yeah, sweetie. I'm already awake. Umakyat na ba rito ang daddy niyo?" "Nope, pero sumaglit siya rito," sagot ni Dawn at inilipat-lipat ang channel sa mala-higanteng flat screen TV. Napasulyap ako sa aking little Andrei, nakita ko ang envelope na kanina lang ay kinuha ko sa bulsa nito. "Andrei, sweetie...pwede ko b

