Operation "Come with me, sweetheart." Bulong sa akin ng nagngangalang Zavier. Wala akong nagawa kundi ang sundin ito. Mabuti na lamang at nakumbinsi nito si Mr. Montenegro. "Pakiusap, maawa ka sa'kin," ani ko rito. Naramdaman ko ang masuyong paghawak nito sa aking braso. And it felt so good. Tila secured ako kapag ito ang kasama ko. "I will, kaya nga nakiusap ako kay Nathan." Dinala ako nito sa balcony. Mula rito sa kinatatayuan namin kitang-kita ang ilang mga nagsasayang mga bisita. "S—salamat." "Eunice, wala ka ba talagang maalala? Isa lang naman ang gusto ni Nathan. Ang sabihin mo kung nasaan ang kanyang mag-ina. Kahit para man lamang sa mga bata." "Mamatay man ako sa kinatatayuan ko ngayon, totoong nagsasabi ako sa'yo ng katotohanan. Wala talaga akong maalala. Alam ng doktor ko

