Daisy POV Napansin kong tila may kakaibang nangyari kina Tito George o mas maigi na tawagin ko itong daddy, at Mommy Divine. May problema ba ang dalawa? "Sweetie, is there anything wrong?" tanong ni Nathan sa akin. Napansin siguro nitong tila balisa ako. "Kanina ko pa napapansin na wala sa mood si mommy." "Baka may problema lang sila ni Tito George, or else, alam na ng mommy mo ang totoo." "What do you mean?" "The truth." Tila natigilan ako. Oo nga pala, paano nga ba kung gano'n nga? "Umaasa akong matanggap ni mommy. Pero paano nga ba nangyari iyon? I mean, iyong si Tito George ang naging ama ko at ama rin nina Ate Hailey at Ate Letecia?" Nalilito kong tanong. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Nathan. Sa ngayon, hindi na kami natuloy sa pag-alis patungo sa US para sana

