Kabanata 30

2345 Words

Amnesia Napansin ko ang sasakyan na sumusunod sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita sa mismong side mirror ang isang lalaki na naglabas ng isang baril. Oh no! Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho hanggang sa maiwala ko ang naturang kalaban. Ngunit sa malas ay sinalubong ko naman ang isang malaking truck. Nagmamadaling iniliko ko iyon at sa dagat ang bagsak ko. What the! Pumikit ako at tahimik na nanalangin sa Panginoon. Kung ano man ang nais nito wala na akong magagawa pa. Dumiretso ako sa tubig. Pansin ko kaagad ang mabilis na pagpasok ng tubig sa looban ng kotse. Iniinda ko ang sakit ng aking tiyan, sakit na tila nakakapagod. Inipon ko ang aking buong-lakas. Para sa mga anak ko kakayanin ko ang lahat ng ito. At nagtagumpay na nabuksan ko ang kotse. Saka ako lumangoy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD