Stalk Hailey POV Nakagat ko ang pangibabang-labi nang hindi sinasadyang mabunggo ko ang isang kotse na nasa unahan. Huli na nang maapakan ko ang break. Gusto kong maiyak sa inis. Balak ko kasing pumunta ng hospital para makipagkita kay Dra. Santillan. Kaya lang dahil sa pagiging careless ko, ito ang napala ko. Nagmamadaling lumabas ako ng sariling kotse at inihanda ang sarili na manghingi ng sorry sa may-ari ng kulay itim na sportscar na Ferrari. At sa lahat ba naman ng tao sa mundo. Hindi ko akalaing ang damuhong si Elijah pala ang may-ari niyo'n. "Wow! It's a small world after all. The brat," sarkastikong turan agad nito. "Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadya nagmamadali lang ako," sagot ko rito. Kapwa kami napalingon sa isang traffic inforcer na biglang nag-pito. "Ano'ng problema

