Chapter 15: Goodnight Kiss

2180 Words
Nakasalubong ko sina Mom and Dad sa salas na may mga dalang bagahe. Sa pagkakaalam ko may business trip nanaman sila kaya kadalasan mga maids at si Yaya Helena ang nakakasama ko dito sa bahay. Sanay na eh bata pa lang kami ni Athena ganyan na sila na halos wala ng time para sa amin. Kaso mas parating pinapaboran o pinabibigyan ang kakambal kong iyon kesa sa akin. Kapag ako madalas binabalewala. Hindi ko alam kung bakit ganoon sila sa akin samantalang anak naman nila ako at galing ako sa sinapupunan ni Mom. Kaya may mga time na hindi ko maiwasan mainggit sa kakambal kong iyon. Napabuntong-hininga na lang ako bago nakalapit sa kanila. Tinawag ko sila pero si Dad lang ang sumagot. Hanggang ngayon grabe pa rin frustrations sakin ni Mom. I know it's my fault pero sila nag-utos sa akin na gawin iyon kahit sobrang labag kalooban ko. See? They always thought about their own sake not mine. They always protected themselve's reputation than mine.  "Ikaw na muna bahala dito sa bahay Thaea at mas matatagalan pa kami sa Palawan ng Mom mo." sabi ni Dad na parang napipilitang kausapin ako. Ganoon na ba talaga na mas mahalaga ang pera at kayamanan kaysa sa anak nila? "Lagi naman Dad." medyo may pabalang na sagot ko kaya agad napatitig sa akin si Mom and Dad. "Ang galing mo na ngayon sumagot Thaea? Saan mo natutunan mga yan ah? Hindi ka naman pinalaki namin ng ganyan". naiinis na saad ni Dad. "Iyan ba natutunan sa Manila ang sumagot sa mga magulang?" nagsalita na rin si Mom. "Wala kang utang na loob pagkatapos ka namin pakainin, alagaan at pagpaaralin." dagdag pa ni Mom na iknangisi ko lang. "Meron Mom pero ni minsan hindi ko naramdaman na may magulang nagmamahal sa akin. Ni minsan hindi ko naaalala na inilagaan niyo ko. Oo pinagpaaral niyo kami pero yung atensyon niyo wala sa amin kundi sa pagpapayaman." naluluhang saad ko at nagmadaling pumanhik sa kwarto at ni-lock iyon. Umiiyak nanaman ako. Naiinis sa mga nangyayari. Kaya napapa-face palm na lang ako sa nangyayari. Simula ako tumungtong dito sa Bicol, lagi na lang ako nasasaktan at nabibigo hindi tulad sa Manila na masaya pa rin kahit pagod sa trabaho. Napag-isipan kong kunin ang cellphone ko at tinawagan si Gin. Gusto ko pa kasi lahat ilabas ito? Dahil anumang oras mapupuna na siya at sasabog na. Biglang lumabas siya sa video. At nagulat siya sa itsura ko. "Ano nangyayari sayo bez? Bakit ka umiiyak?" sobrang pag-aalang ginawad niyang tanong. "May problema? Si Greige nanaman ba? Ano upakan natin kasama ng mga bandmates natin?" sabay nakakuyom na kamao nito na wari'y makikipagsuntukan talaga siya. Kinuwento ko sa kanya ang nangyaring sagutan namin ng parents ko at napapitlang siya sa aking mga sinabi dahil first time ko raw ginawang sumagot ng ganoon sa parents ko. "Dapat pinigilan mo pa rin ang sarili mo Thaea. Mga magulang mo pa rin sila hindi mo dapat sinagot ng ganoon." Pinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat yung tungkol kay Zen. "Hindi ko alam nagpunta si Zen diyan. Wala man lang pasabi sa amin kung pupunta siya diyan eh." di makapaniwalang reaksyon ni bez sa sinabi ko. "Nakita nga kami ni Greige na magkasama." at nagulat rin siya nang sa sabihin ko ito. "Omg??? Eh tapos anong nangyari? Pinag-agawan ka ba nila?" napasimagot ako sa sinabi niya agad siyang napatigil. Saka napairap na rin ako bilang aking reaksyon. "Hindi yun nangyari bez at huwag advance mag-isip." inirapan ko siya ulit at natawa lang siya. Binahagi ko rin sa kanya ang tungkol sa feelings ko kay Greige na labis na ikinagulat niya. Nagtataka siya kung bakit ako nahulog pa sa lalaking iyon samantalang nandyan naman si Zen. Pero naiintindihan niya ako nang sabihin ko iyon at sinoportahan niya pa rin ako at sinabi kong isekreto lang namin iyon. Pagkatapos ng usapan namin, hindi ko namalayang ala-syete na pala ng gabi kaya mabilis akong tumungo ng kusina at kumain ng dinner saka dumiretso ulit sa kwarto. Naghilamos at nagsipilyo muna bago mahiga sa kama. Napagdesisyunan kong magbasa na lang ng handbook para dalawin ng antok. Lumipas ng alas-nuwebe, napahikab na rin ako ngunit nawala ang antok sa pagkakagulat nang mapansin kong may tao sa may bintana kaya akong napapunta roon. Nakita ko si Greige at minamadaling buksan ito. Labis ang pagtatako ko kung paano siya nakaakyat diyan at ano ginagawa niya rito sa oras ng gabi. Tatanungin ko sana siya nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit at ilang sandali niyakap ko rin siya pabalik. Sobrang namissed ko siya.  "I'm sorry Thena. I am sorry I have broken my promises na hindi tayo mag-aaway at magiging sweet na ako sayo. Sorry kung nagpadala ako sa emosyon at insecurities ko." sunud-sunod niyang saad habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa. "Narealized ko lahat ng bagay kaya pinuntahan kita rito. Hindi ko na rin kaya na hindi tayo nagkakausap, na hindi kita nayayakap tulad nito at nakakasama. Labis na rin akong nasasaktan sa mga ginagawa natin." tuloy niya pa hanggang sa humarap na siya sakin. "Namissed kita Thena. Sa kabila ng lahat mahal na mahal pa rin kita at di pa rin nagbabago. Iniisip pa rin kita araw-araw." "Namissed din kita Greige. Namissed ko lahat ng sayo dahil....." napatigil ako ng ilang segundo saka ako nagsalita. "Mahal na mahal kita mi cielo." "Nasasaktan ako na  tinataboy mo ako at hindi pinapansin." naluluhang sabi ko at napayuko. "I am sorry mi cielo, sorry na talaga. Pinagsisihan ko ang mga ginawa ko kaya napapaisip ako lagi sayo kahit sa trabaho at sa bahay." "I love you, mi cielo." hinalikan niya ako sa noo. "I love you too, mi cielo." tugon ko naman at napangiti. Hinalikan niya ang kamay kong hawak niya tapos hinalikan niya ako ulit sa noo, sa mata na may natitira pang luha at hinalikan din niya ako sa tungki ng aking ilong kaya mas napangiti ako hanggang sa mas nilalapit na niya mukha sa akin kaya napapikit na lang ako. Ilang sandali, lumapat na nga ang mga labi niya sa labi ko at mabilis akong tumugon sa halik niya. Ramdam ko na ngayon ang t***k ng puso ko at kilig habang hinahalikan niya ako na hindi tulad ng dati na parang wala lang. He covered me with his arms that makes me more comfortable while my hands touching his waist. Mas lalong tumagal ang halik namin dahil pareho kaming sabik na sabik sa isa't isa. Hanggang sa tumigil ulit kami saglit at naghahabol ng hininga kasabay nang pagpisil ni Greige sa pisngi ko ikinanguso ko. "Ang cute hehe."  "Nambola ka pa." sabay tapik ko sa balikat niya na ikinangisi niya lang. He kissed me again with gentleness so I closed my eyes and feel his lips touching mine. Hindi na ako kumontra pa at hindi rin na ako napipilitan lang katulad noon. It is romantic kiss. We are kissing from the dimlight na nagmumula lamang sa lampshades sa bandang table na katabi ng kama ko. We still continue kissing in a room full of silence at walang makakapigil sa amin. This scene is really memorable to me and I have thought this was my first kiss kahit pangatlong beses na nagkissed kami. These kisses prove that we really love each other. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ After that moment, we are now sitting on the sofa beside of my bed. Gusto naming sulitin ang gabi na magkasama kami because we missed each other very much. Yung walang pagtatalo o pag-aaway na magaganap, yung masaya at sweet lang kaming nagkukwentuhan at nag-aasaran. Ito lang sapat na sa akin. "Akala ko ipagpapalit mo na ako doon sa lalaking kasama mo noong nakaraan sa mall." kunwaring pagmamaktol niya pa. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot. Ang hirap magsinungaling dahil nagpapanggap ka pa rin bilang si Thena, dahil hindi ko masabi-sabi na siya ang tunay kong boyfriend na sobra ko ring minahal noon. Inalis ko muna ang bara sa lalamunan bago nagsalita. "Hindi kita ipagpapalit doon mi cielo dahil mahal kita at yung lalaking nakita mo nakaraan, we are just friends." pagpupunto ko sa kanya kahit may parang dumagan sa puso kung ano. Para kasing pinalalabas kong wala na ako para kay Zen at hindi ko na siya mahal at parang nagi-guilty tuloy ako sa mga ginagawa ko. "Friends? Bakit ang SWEET niyo at may pa-kiss kiss pa siya sa noo?" napapout na lang siya ng sabihin iyon at diniin pa talaga ang salitang "sweet" kaya napangisi na lang ako sa naging reaksyon niyang yan. Selos na selos!!! Pero sa totoo lang nahihirapan na rin ako sa mga ginagawa ko ngayon. Oo mahal ko si Greige, pero hindi pwede dahil ang nakikita niya sa akin ang kakambal ko kaya ganito siya pero kapag nalaman niya ang totoo, iiwan niya rin ako at kakamuhian at magiging mas higit pa sa ginawa niya nakaraan. Sa malalim kong pag-iisip, paulit-ulit na pala ako tinatawag ni Greige kaya agad nawala sa ulirat. "Bakit bigla kang natahimik at natulala diyan mi cielo, huwag mong sabi......" pinutol ko ang sasabihin niya para ako naman ang magpaliwanag ulit. Nakukulitan na ako sa lalaking ito eh. Kasasabi ko lang na magkaibigan lang kami niyon? Inirapan ko na lang siya dahil sobrang naiinis na ako sa pagtatanong niyang ganyan. "Wala kaming relasyon niyon, ok?" napailing ako saglit saka ulit nagsalita. "Bumalik na siya sa Manila at matagal na rin kaming hindi magkikita niyon." tinignan ko na siya ng seryosong reaksyon para tumigil na rin siya kakatanong. "Manila? Paano kayo nagkakilala niyon? Nagpunta ka na ba roon kaya nagkakilala kayo?"  Ano ba Greige? Please tumigil ka na kakatanong nadi-drain na masyado ako sa kakasinungaling. Napabuntong-hininga na lang ako at agad nanaman nagsalita. "Oo pero sobrang tagal na niyon kaya huwag mo nang isipin." pagbabalewala ko na sa aming usapan. "Siguraduhin mo lang mi cielo. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang sinungaling. Hindi ko madaling mapatawad ang ganoong klaseng tao." Sa sinabi niyang 'yon, para akong binagsakan ng langit at lupa. Tumagos talaga sa puso ko ang sinabi niyang iyon kaya muli ako napailing at iniba ang ekspresyon ng mukha at pinakitang hindi ako apektado. "I love you mi cielo that's why I am trusting you so please don't betray me." ginalaw niya ang ulo ko para mapaharap ako sa kanya saka niya ako tinititigan na parang binabasa ang nasa isip ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang halikan ang noo ko at ngumiti sa akin kaya napangiti rin ako at niyakap siya nang napakahigpit. "I love you, Greige." sabi ko saka pinahid ang luha na nagbabadyang tumulo sa magkabila kong mata. "I love you more, Athena. Araw-araw dumaragdag ang pagmamahal ko sayo kaya kapag hindi ako napapalagay nababaliw na ako at lagi kitang naiisip." pagkatapos hinarap niya ulit ako sa kanya. "Kapag nagkakaroon tayong misunderstanding, hindi ako makatulog dahil iniisip pa rin kita na paano kung iwan mo ko? Katulad ng nangyari sa atin kaya wala akong ginawa kundi uminom ng alak..." Hindi ko siya pinatuloy sa sasabihin niya ng marinig kong umiinom siya ng alak noong panahon na hindi kami nagkikibuan? Kaya agad ko siya kinurot sa braso niya at napadaing siya. "Ano ka ba mi cielo? Bakit ka nangungurot ah? Masama ba uminom ng alak para pansamantalang makalimutan ang problema ko sayo?" nangagatwirang saad pa niya kaya tinarayan ko siya. "Sino nagturo sayo uminom ka ng alak ahhh?"  Nainis ako sa sinabi niyang iyon. Dapat hindi siya umiinom ng alak. "Wala. Ako lang." sabay iling niya lang at umiwas ng tingin. "Pero ok na tayo kaya di na ako iinom." sabay pa ng cross my heart sign niya kaya napangiti ulit ako. Buti naman. Hindi maganda sa kanya ang umiinom. Tapos napahikab na rin ako sa kalagitnaan ng usapan namin. "Mabuti pa matulog na tayo."  yaya nito sa akin kiya sinimangutan ko siya. "Dito ako sa sofa matutulog. Anong iniisip mo mi cielo?"  "Akala...."  "Hindi ako papayag na hangga't di pa tayo kasal, bawal pa ako tumabi sayo matulog. That's my rule." nang may paninindigan niyang pahayag. "I will respect you, Athena because you are very special to me kaya ayaw kong masira iyon dahil sa silakbo ng damdamin ko." dagdag niya pa kaya mas lalo akong napangiti na ikinapagtaka niya. Pagkagising ko nang umaga, bumungad sa akin ang sticker note na nakalapag sa table. Binasa ko iyon. Good morning, mi cielo. Kumain ka agad ah. Ang payat mo na. Nainis ako bigla sa huling statement na sinulat niya. Pumayat ba ako?  Pumunta ako ng salamin para tignan pero sakto lang naman katawan ko ahhh. Lumipas ng ilang minuto, bumababa na rin ako sa kwartp upang kumain na ng almusal at nakasalubong ko si Yaya Helena na halatang gusto akong kausapin. "Ano po iyon, Yaya?" bungad ko sa kanya. "Hinihintay po kayo ng driver ni Sir Greige sa labas."  "Bakit raw po? Nasaan si Greige?" "Hindi ko alam, Thaea. Tanungin mo na lang siya sa labas." mungkahi nito kaya agad na akong nagpaalam sa kanya at naglakad ng palabas ng bahay upang tanungin si Kuya driver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD