Narito ako ngayon sa kusina kasama ang mga maids namin at katatapos ko lang tumulong sa kanila magluto. "Ikaw pa rin talaga si Thaea na nakilala namin, hindi ka pa rin talaga nagbabago." nakangiting puna sa akin ni Yaya Helena. "Kasi si Thena hindi naman ganito samin eh." dugtong ni Sandra na isa sa mga maids namin dito at mga dalawang taon tanda nito sa aming magkapatid. "Medyo magkasuplada." hininanaan niya ang boses ang huli na sinabi. Nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa kanila at panay kinig lang ako sa mga kanilang mga sinasabi. "Sa magkambal talaga hindi magkakaparehas ang kanilang ugali kahit magkahawig man sila." masiglang pahayag ni Yaya Helena sa amin habang abala pa rin sa paghahanda ng pagkain kaya tinulungan ko na rin sila kasama pa ng iba naming maids. May katandaan na rin si Yaya at sa palagay ko nasa 50's na ang kanyang edad. Limang taon pa lang kami niyon siya na ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa amin ni Thena. I started to clear my throat before I speak, "Kain na po tayo tutal wala naman si Mom and Dad dito kaya kayo na lang magiging kasalo ko." I have invited them to join me eating for lunch but they hesitated. "Kayo na lang muna Ma'am Thaea, mamaya pa kami kakain." nahihiyang sagot ni Erika. "Pero....." hindi na nila ako pinagpatuloy magsalita. "Sige na iha mauna ka na. Huwag mo na kaming aalahanin." mahinahong paliwanag ni Yaya Helena. Balak ko pa sana silang kumbinsihin pero hindi ko na nagawa pa dahil di ko na sila mapipilit pa na sabayan ako. Napatango na lang ako bilang sagot saka nanalangin muna bago simula ang pagkain. Tahimik lang nila ako pinagmamasdan habang kumakain kahit naiilang pa rin ako. Ayaw ko kasi talagang tinitignan kapag kumakain. Ayaw ko rin naman silang paalisin dahil parang napaka-rude ko namang amo kung ganun kaya nag-focus na lang ako sa aking kinakain. "Na-missed ko talaga mga pagkain dito lalo na yung luto ni Yaya Helena na talagang walang katulad." pagpupuna ko na ikinangiti naman niya. "Bakit naman kasi umalis ka pa at pinili mong manirahan sa Manila iha?" tanong na may pag-alala sa boses ni Yaya. "Mas comfortable po kasi doon kumpara dito dahil tutal lagi naman si Thena ang pinapansin ng magulang ko eh. Siya lagi ang pinapaboran. Siya kasi matalino, maputi, maganda at sophisticated na babae na pwede nilang ipagmalaki eh samantalang ako simple lang naman." mahaba-haba kong pahayag kaya isa sa kanila lumungkot ang mga mukha. "Hindi naman sa ganoon Althaea. Mahal ka ng mga magulang mo at kayo ng kapatid mo." nagsalita ulit si Yaya. "Hindi naman po pantay-pantay ang trato sa amin kaya ano pa kung mananatili ako dito. Kung di lang sana sa nangyari sa kapatid ko, wala pa talaga akong balak na bumalik muna rito." Pagkatapos ko sabihin iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Yaya Helena kaya napalingon siya sa amin. "Si Jestoni." sabi niya sabay turo sa cp na hawak at sinagot na ito. "Nandito raw si Sir Greige." dugtong pa niya. Nanlaki na lang ang mata ko sa aking narinig kay Yaya. Ano naman kaya kailangan ng lalaking 'yon. Tanghaling tapat susugod lang basta-basta hayz. "Papunta na siya dito Thaea." mahinang sambit sa akin ni Yaya sapat na para marinig naming lahat na narito. "Bakit naman siya pupunta dito ng ganitong oras?" tanong ko bago uminom ng tubig. Maya-maya pa may naririnig akong tao na naglalakad patungo sa aming puwesto. "Hi mi cielo." masayang bati ni Greige saka lumapit pa ito sa akin. (Mi cielo is a Spanish endearment means "my sky") I showed him my confused look. "Lalabas tayo kaya bilisan mo na dyan." agarang sabi niya. Aalis? Saan naman kami pupunta? Tumayo ako saka ko siya hinarap, "Where are we going?" Sa halip sumagot bigla na lang niya ako hinila papalayo kila Yaya kaya napasama ako sa kanya. Napahinto ito nang magsalita naman ako, "Wait lang Greige. I just wanted to know kung saan tayo pupunta?" Nakita ko na lang siya paakyat ng handaan at tinahak ang daan patungo sa kwarto kaya agad ko naman siyang hinabol. Hey kwarto ko yan. Hinarangan ko siya bigla sa pintuan nito. "Maghanda ka na at magdala ka na mga kakailangan natin sa pag-alis." sabi niya sa akin. "Isang tanong pa papasukin ko na 'tong kwarto mo." sabi niya na may paninindak. "Pinagpaalam na rin kita kanina sa parents mo kaya wala ka na dapat ipag-alala." pahabol pa niya. "Ano 'yan?" sabay turo niya sa cellphone ko na may pagtataka. Tatawagin ko muna si Mom kung totoong pinayagan na nga niya ang kolokoy na ito na mag-outing kaming dalawa lang. "I wanna talk to my Mom." sabi ko sa kanya habang nagriring na sa kabilang linya. Napahilamos na lang siya sa mukha sa aking sinabi, "What! No Thena. Kinausap ko na sila kanina." he explained. Naghello ako kay Mom at sumagot ito kaagad, "Nagpaalam na po ba sa inyo si Greige na isasama niya ako sa outing?" habang nakakatitig ako sa boyfriend ng kapatid ko. "Yes my dear tumawag na siya sa amin kaninang umaga. Huwag ka na mag-alala dahil pumayag na kami at basta mag-iingat na lang kayo." sabi ni Mom saka ako sumagot 'opo'at binababa ang phone. Napatitig lang ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. "Sige maghahanda na ako. Kindly wait for thirty-minutes" sabi ko na lang. "Ok fine but you need to be hurried at baka abutin tayo ng gabi sa daan." sabi niya saka ako muna niya tinititigan sa mata saka tumalikod at naglakad na pababa ng hagdan. Gabi? So malayo yung pupuntahan namin? Napasabunot na lang ako sa sarili nang makapasok na ng kwarto. Nagmadali kong binuksan ang aparador at agad hinalungkat ang mga dadalhin ko sa pag-alis namin. Wala akong idea kung saan kami pupunta kaya kung anu-ano na lang damit na kinuha ko at nilagay sa knapsack. Kinuha ko rin ang dalawang swim suit roon baka sakaling pumunta kami sa isang resort. Kinuha ko yung kay Athena at yung sa akin na pwede ko pagpilian kung sakali man. Pagkatapos ng aking pag-impake nagbihis na rin ako ng fitted blouse na binagay ko sa tokong short para magmukha talaga akong si Athena. Saktong trenta-minutos na lumipas nang sinarado ko ang pintuan ng kwarto. Nabigla na lamang ako nang nasa likod ko na pala si kolokoy at nagkusa pang sinaklay ang knapsack na dala ko. Maya-maya sumunod na rin ako sa kanya. Isang SUV car ang sasakyan namin ngayon at napansin kong may driver din pala kami papunta doon. Naupo na ako sa backseat at siya naman katabi ni manong driver. "Saan nga pala tayo pupunta? Siguro naman sasagutin mo na yung tanong ko?" pinakitaan ko siya sa pagiging Althaea. Ako yung taong mahilig magtanong at medyo talkative paminsa-minsan pero sa mga malalapit ko lang na kaibigan. "Sa Haraya Beach Resort tayo pupunta" sabi lang niya habang tumititig lang siya sa salamin. Pero hindi na ako umimik pa pagkatapos niya sagutin ang tanong ko. Napasandal na lang ako sa upuan ng kotse at tumingala pagkatapos bigla na lang nakaramdam ng antok kaya pinikit ko na lang muna ang mga mata ko. Siguro kung si Troezen ang kasama ko ngayon aalayan niya ako at hahayaan akong ipatong ang ulo ko sa balikat niya. Ang sweet. Namimiss ko nga siya sa totoo lang eh. Di ko na kasi nagagawang i-text si Zen kasi dapat raw sabi ni Mom, parating cellphone ni Thena ang gagamitin ko kapag kasama si Greige saka palagi raw niya hawak-hawak ito para i-text si Greige. Ganoon na ba talaga siya patay na patay sa lalaking 'yan? Bakit ko naman siya i-tetext haler. Kahit nagpapanggap lang ako hinding hindi ko gagawin 'yon saka di naman ata niya mapapansin na ako si Althaea. Masasabi ko lang napakalayo niya sa boyfriend ko na maalalahanin at maalaga na ako dapat mas gumagawa niyon sa kanya. "Nandito na tayo." sabi ni Greige kaya napalinga na lang ako sa labas at nabasa ko yung karatula na kung saan mababasa ang pangalan. Haraya Beach Resort. (Ang nasabing lugar po ay isang fictional lamang) Napakaganda niya kasi palibot siya ng garden tapos tindahan ng mga souvenirs. Bumababa na kami pagkatapos at si Greige pa rin nagdala ng knapsack ko kasabay nung sa kanya. Dumiretso naman kami sa lobby at sinalubong kami ng isang babae na mag-aassist samin. Ibig sabihin dati ng nakareserved yung rooms para sa amin. Galing naman kung ganun at di na kami maghihintay ng matagal. Hinatid na kami ng babae sa room namin at iniabot sa amin ang susi. "Dito ka at ako sa kabila." sabi ni kolokoy kaya napatango na lang rin ako bilang sagot. Inuna niyang binuksan ang sa akin saka pumasok siya upang ipasok ang gamit ko. "Heto yung susi." inabot na naman niya sakin. "Tawagan mo lang ako sa phone kung may kailangan ka." sabi niya pa. "Ok mi cielo" ginaya ko yung endearment niya at di ko pala alam na 'yun ang tawagan nila ng kakambal ko. Ngumiti siya saka niya ako nilapitan. Oh no!!! Hinalikan lang naman niya pala ako sa noo eh. Masyado tuloy ako naging assuming. Pero kung sakaling gagawin niya man niya 'yun tatanggi ako. Mabuti na lang kasi never pa ako hinalikan ni Zen sa lips. Sa cheeks at sa forehead niya lang ako hinahalikan madalas pero sapat na sa akin ang ganoon. Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat kaya napalinga ako sa kaliwa't kanan ko, "Akala ko hindi mo na ako tatawagin sa endearment natin. Sa wakas tinawag mo ulit ako sa ganun. Alam ko ring nagtatampo ka pa sa akin pero heto gumawa na ako ng paraan para makabawe ako na sayo at mawala na yang panlalamig mo at pagiging weird rin minsan." saka siya napangisi. Hindi ko alam kung ano irereact ko sa sinabi niya. Kung si Zen ito malamang kikiligin ako at hahampasin ko siya sa balikat kaso hindi siya itong nasa harap ko,tzk. Nginitian ko na lang siya at hinawakan ko na lang ng tip ng ilong niya para kunwari ako si Athena. "Ok naiintindihan naman kita." sabi ko naman. "Mabuti naintindihan mo ko ngayon kasi dati hindi mo ko naiintind1ihan eh. Panay maktol mo at kung anu anong sinasabi sakin kesyo may ibang babae na ako inaatupag." Wah? Ginawa ba yun ni Thena? Omg. Napakaselosa talaga ng kapatid ko oh. Baka kasi busy lang yung tao kung bakit ganun eh. "Ahhh sige magpahinga ka na muna. Alam kong pagod ka sa trabaho pati sa biyahe." pag-iiba ko na lang ng usapan kasi di ko talaga alam ang irereact ko dahil hindi naman ako si Thena. "Sige magpahinga ka na rin." saka siya naglakad nang palabas saka ko isinara ang pintuan. Pinasok at sinilid malapit sa kama ang aking knapsack saka naupo sa gilid nito. Humiga rin ako at kinalikot ang phone ni Thena. Pumunta ako sa gallery kung saan nakita ko ang napakamarami nilang nakuhang pictures karamihan sa mall at restaurant. So first time pa lang nagyaya si Greige na mamasyal sa ganitong lugar. Baka kasi nagsawa na at gustong ibang views naman. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Hindi ko namalayan na mabilis umikot ang oras at napansin ko na lang sa cp ko, ala-sais na pala ng gabi. Nanatili pa rin akong nakahiga at usual na ginagawa ko kapag napapaisip ay tumititig lang sa itaas. Sana gumising na si Athena para naman makabalik kaagad ako sa dating buhay ko na hindi na kailangan magpanggap ulit. Sa totoo lang sobrang nahihirapan na ako sa mga pinagagawa ko ngayon. Minsan hindi ko mapigilan ilabas at ipakita kay Greige ang totoong ako, sa pagiging Althaea. Pero sana wala pa siyang mapapansin na kakaiba sa akin na ikadududa niya pa dahil kundi malalagot ako pati ang kumpanya namin. Sa kalagitnaan ko ng pag-iisip, nagulat ako sa malakas na katok sa likod ng pinto kaya napalinga ako rito at agad namang sinilip kung sino ang tao. Si Greige lang pala..... Kaya agad ko ng binuksan ang pinto at tinignan ko siya na nagtatanong. "Bakit ang tagal mo buksan ang pintuan?" naiinis na usal nito. "Kakagising ko lang po kasi." agad na sagot ko saka napakamot sa sentido. Bigla na lang niya ako hinatak nang wala pasabi kaya automatic nang nagsara ang pintuan. Mabuti dala ko yung susi kasi kung hindi nako lang. May pagkamoody rin pala ang lalaking ito at ngayon ko lang rin napansin ahhh. Tapos dinala niya ako sa lugar na kung saan nakahanda ang mga pagkain. Napawow na lang ako sa isip. "You may now take a seat mi cielo." Hayan nanaman ang endearment niya. Sumunod lang ako saka napatitig sa gawi niya. "Do you like it?" tanong niya sa akin habang nakatitig nanaman sa aking mga mata. Hindi ko alam pero parang may something sa mga tingin niya na naiilang ako. Hays. On his attractive black eyes? Na parang hihigopin ako sa tuwing tumititig siya sa akin kapag seryoso siya. Diyan siguro nahulog ang kapatid ko sa ganyang klaseng charm niya. Pero never naman akong mafafall sa kanya kahit gaano pa siya sa kagwapo at ka-appeal diyan. I don't care. Dahil kay Troezen lang ako maiinlove at maattract hindi lang sa physical features niya pati sa attitude niyang hinding-hindi mo makikita basta-basta sa isang lalaki. Yung pagiging generous, maalalahanin, sweet at maunawain niyang boyfriend. "Ganyan ka na ba talaga ka-inlove sa akin noh?" Nabalik na lang ako sa ulirat nang marinig kong magsalita siya. "Feeling mo?" Lakas din pala mang-asar itong lalaki na ito ah. Akala niya siya yung pinagpapantasyahan ko. Tzk! "Huwag ka na magdeny na patay na patay ka sa akin. Sa gwapo at yaman kong ito talagang mahuhulog ka sa akin." confident na sabi niya na ikinasarkastiko kong ngiti. Ang hangin eh.... "Grabe Greige ang taas masyado ang tingin sa sarili mo. Hindi ka na nahiya?" medyo may pagkasarkastiko kong sagot sa kanya. "Hahaha hay nako mi cielo, Athena." Tinawaan pa talaga ako. "Yabang naman kasi." bulong ko sa sarili pero narinig niya kaya bigla siyang napasimangot sa sinabi ko. "Ganoon ba tingin mo sa akin?" Yun na naman talaga eh ang totoo. Ako ata 'to si Althaea na hindi magpapadala sa mga sinasabi niya. Kung si Athena oo kasi talagang hulog iyon sa kanya. "Ano sa palagay mo magiging reaksyon ko?" medyo may pataray kong sabi. "Ikaw ba talaga si Athena na kilala ko?" Napansin niya ata pero sorry hindi ko na kasi mapigilan. "Dati kasi ang sweet mo sa akin pero nung pagdating ko galing America naging iba ka na." naging seryoso na ang itsura niya. Alahhh nasobrahan ata ako. Teka kailangan ko na siya pakalmahin bilang Athena. "Sorry sa sinabi ko ah pero hindi ibig sabihin na lifetime na magiging ganoon ako sayo." sabi kong nang mahinahon. Tumunog bigla ang cellphone niya kaya nag-excuse siya sa akin at napatango na lang bilang sagot. Alam kong sa business nanaman nila yung tumawag hayz. Kahit sa ganitong time ba naman nagawa pang isingit 'yan? Kung nandito siguro yung kapatid ko, malamang magiging emotional nanaman yun. Inayos ko lang upo habang hinihintay si Greige na bumalik. Halos fifteen-minutes ako nanatiling umupo at hinintay siyang dumating. "Kumain na tayo." mabilis niyang sagot at sumunod naman na ako tutal nagugutom na rin kasi ako. Habang kumakain kami hindi ko maiwasan itanong sa kanya kung sino yung tumawag. "Who is calling?" pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan namin. "My secretary." maikli lang niyang sagot at napatango ako bilang tugon sa kanya. Nagpatuloy siya ulit sa pagkain at ganoon rin ako. "Mi cielo?" malambing kong tono. Kahit naiirindi ako sabihin yun dahil tanging si Zen lang naman kasi ang nasa puso't isip ko, pero kailangan pa rin itong gawin dahil nagpapanggap pa rin ako. Kapag nagising naman ang kapatid kong iyon, makakabalik na rin naman sa dating ako bilang si Althaea Cassidy na nagmamahal sa isang Troezen Rioja. Tumingin siya sa akin. "Magpahinga na tayo bukas na lang." walang ganang sabi niya sa akin saka tumayo at naglakad pabalik sa kwarto niya. Seriously? Iniwan niya lang ako mag-isa dito? Hindi man niya lang ako nagawang ihatid sa kwarto ko? Grabe lang. Ganito ba talaga ginagawa niya sa kakambal ko? O baka mas matindi pa rito at lalo pa kung selosa iyon malamang mas kakaiba pa ang mararamdaman niyon. Kawawa naman pala si Athena kung ganoon? Pero ano kaya ang nangyari sa kanila bago naaksidente ang kapatid ko? May bagay ba silang hindi napagkasunduan? At 'yan ang gusto ko ring malaman. Kaya pagbalik ko sa bahay isa yan sa pagtutuunan ko ng pansin. Pagkatapos ng aking pag-iisip na 'yon napagdesisyon ko na ring tumungo sa kwarto para makapagpahinga na. Pagkapasok ko pa lang nahiga na ako at agad nang ipinikit ang aking mga mata.