Althaea Cassidy's POV Narito kami ngayon sa Escorial residence para dumalo sa ika-15 Anniversary ng Lifeline Pharmaceuticals na pinamumunuan na ngayon ni Greige. Siya na raw ang C.E.O ng kumpanya ayon kay Terylene. Napalinga-linga lang ako sa paligid at napansin kong napakaraming tao. Sa aming paglalakad ni Terylene, nakasalubong ko na rin si Uncle Ric kaya niyaya niya na rin ako para makipag-meet muli sa parents ni Greige. "Hello, Mr. Muestra glad to see you tonight." masayang bati ng ama ni Greige kay Uncle. "Oh Miss Althaea?" di sigurado nitong tanong sa akin baka kasi napagkamalan niya akong si Athena. "Yes po." sabay pagtango-tango ko. "Good evening po, Sir." "We are glad to meet you again, Althaea. It's been long time na hindi na tayo nagkita after your birthday vacation with

