Nine: Is past really important?

1745 Words
Bago ako umuwi, inihanda ko na ang sarili sa mga sermon ni Kuya Jac pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Alam ko namang hindi maganda ang ginawa ko pero may purpose naman ang lahat ng iyon. That thing can’t define me! “Quit it, alright? Quit that job!” Mabilis kong sinundan ang kapatid na akmang magwo-walk out na. Mabuti nga’t busy sa paglalaro si Jacques kasama ang yaya kaya hindi na nito mabibigyang atensyon pa ang pagsasagutan namin. “Kuya, naman! You’re being unreasonable!” sigaw ko sakanya pabalik. Hindi ako papayag na ngayon niya ako pahintuin. Hindi biro ang pinagagagawa ko sa lalaki kaya ayokong mapunta lang ang lahat sa wala. Isa pa, we don’t have any choice. Sinong bigating personalidad pa ang ihaharap namin sa madla kung gano’n? “You’re the one who’s being unreasonable! Sobra-sobra na ang ginagawa mo para sa lalaking ‘yan, Av. Marami pa naman–” “Why can’t you understand the f**k out of me?” Hindi ko na napigilan ang magalit. Napakarami ko nang nagawa para sa Cormac na ‘yan. I am frustrated as well pero kung panay lang ang reklamo ko ay mas lalong hindi namin makukuha ang lalaki para sa dokumentaryo. Alam niya kung gaano kaimportante sa akin ang AFA kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinipigilan ngayon. “You told me that the best choice is my choice! Na kung ano man ang piliin ko, you’ll be on my side, Kuya!” Ibinagsak ko ang mga balikat. Hindi naman ako iyong iyakin talaga pero iba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing kaaway ko ang kapatid. Yes, we fight a lot pero hindi naman seryoso ang mga iyon — hindi katulad nito. Kahit naman ako nadidismaya na rin sa bagal ng usad nang pagkukumbinsi ko sa lalaki pero wala rin akong ibang magagawa. Si Cormac ang kailangan namin para manalo kaya kailangang gawin namin ang lahat maisakatuparan lang iyon. Kinuha kong muli ang gamit at binagtas ang daan papalabas sa bahay. Katulad ng palagi kong ginagawa tuwing magkaaway kami ni Kuya Jac, dederetso na muna akong muli kila Mommy. Sigurado akong magugulat na naman ang mga iyon dahil susulpot na naman ako bigla. “Where are you going, Avery?” Kuya Jac spoke immediately. Napangiti na lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako matiis. “Kay Mommy. I’ll be back in a few.” Hindi ko na siya muling nilingon, bahala muna siya rito kay Jacques. Hindi ako makakaisip ng susunod kong kilos kung mananatili ako rito’t makikipagbangayan kay kuya. *** “Nag-away na naman kayo ng Kuya mo, ‘no?” Inasahan ko na ang ibubungad ng mga magulang sa akin pero hindi ko pa rin mapigilang bumungkaras ng tawa. Sa sobrang dalang ko sa pagpunta rito, iyon na palagi ang naiisip nilang rason ko. “Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ho kayo?” sagot ko pa. Mabilis akong lumapit kay mommy ay niyakap-yakap siya. “Nako,” mabilis na sumabat si daddy. “Nag-away na naman nga ang magkapatid.” “Daddy naman!” They are the best parents in the world. Nakuha na nila ang pagiging mabait, cool at understanding. Hindi naman sila istrikto pero malinaw ang mga bilin nila sa amin ni kuya na huwag gagawa ng mga bagay na alam naming pagsisisihan namin sa bandang huli. They are my favorite people. Madalas man kaming hindi nagkikita-kita alam kong hindi kailanman mababawasan ang pagmamahal ko para sakanila. Both of them are working at our company, Kuya Jac too. Ako lang ang nahiwalay dahil hindi ko naman talaga gusto ang bagay na iyon. Masaya ako sa propesyon ngayon at ganoon din naman sila sa akin. I did spend the whole day with them, nagkataon din kasing weekends. Nakakapanibago nga lang na walang makulit na Jacques akong nakikita. Katulad nang nakasanayan, inubos namin ang oras sa pagkukwentuhan at pagkain. Nagawa na rin naming manood ng kung ano-anong pelikula. I just can’t be more happy with them. Parang tuwing kasama ko ang mga magulang ay nakakalimutan ko ang lahat ng naiisip. After watching random movies, dumeretso kami ni mommy sa kusina para makapagbake — one thing that we like to do, most of the time. I am really enjoying this. At alam ko kailangan kong mas enjoy-in ito dahil balik na naman sa trabaho kinabukasan. “My, can I ask you something?” bigla kong saad habang inihahanda namin ang ingredients sa pagkaing gagawin. “You can ask me anything, Sweetie.” Mabilis kong nginitian si mommy, nag-aalangang magsalita. Naisip ko kasi kung mayroon mang makakaintindi sa isang tao iyon iyong mga magulang nila. For now, I can’t clearly ask these on Cormac’s parents pero pupwede ko namang itanong kay mommy. “You told me before that our past molded us to become the person we are today, My, ‘di ba? Is it possible to say na kaya masungit ang isang tao dahil may nangyari sa past niya? If a person is cold-hearted at walang pakealam sa mga taong nasa paligid niya, can we say na masaklap ang napagdaanan niya sa past kaya siya naging gano’n?” Hindi ko sigurado kung naging malinaw ang tanong kong iyon pero nang magawang ngumiti ni mommy pabalik ay nakahinga ako nang maluwag. “Av, anak, wala tayo sa lugar para magconclude sa bagay na ‘yan. Hindi natin pwedeng sabihin na kapag masungit siya o masama man ang ugali niya, ibig sabihin may nangyaring masama sa past niya because even those people who had been smiling all the time, pwedeng may masama rin silang past. We can’t just judge them directly. But then, if you really want to know, you can ask that person politely.” Mabilis akong napasimangot sa sagot na iyon ni mommy. Kung madali lang sanang gawin ang bagay na ‘yan, panigurado nagawa ko na. “Pero Mommy, ayaw niya. He’s being so stubborn! I’ve been asking him politely–” “So, it's a ‘he’?” natatawang tanong ng kaharap na para bang nahuli niya ako mula sa pagtatago. Mabilis ko lang siyang sinimangutan. “Earn his trust. Be nice. Treat him well,” dagdag pa nito. Again, kung madali lang sana iyang magawa ay paniguradong nagawa ko na. “He can’t. It’s like he’s the kind of person na hindi madaling magtiwala. Aabutin ako ng taon for that and I can’t take it that way.” Mabibigat na ang bawat pagbitaw ko sa mga salita. Bumalik na naman sa isip ko ang lalaki. Why does he have to be so cold and stubborn? I mean, sa dinami-raming taong babagay sa documentary namin, bakit ganoong tao pa? “If that’s the case, you should ask yourself. Is the past really important? Paano kung he’s not the type of person who likes to dwell on the past? Wala tayong magagawa tungkol dyan, ‘nak.” Naiintindihan ko naman ang sinasabi ni mommy. Siguro nagmumukha lang akong desperada sa pag-iisip ng susunod na galaw. Ilang araw na ang nasasayang ko sa pagpipilit sa lalaking iyon pero wala pa rin akong nakikitang improvements. “La Avon!” Sabay pa kaming napalingon ni mommy sa napaka-cute na boses na narinig. It was Jacques! Dali-dali itong tumatakbo papunta kay mommy. “My beloved apo!” Pakiramdam ko ay bigla akong nawala sa eksena dahil sa sobrang halakhakan ng maglola kaya minabuti ko na munang bumalik sa living area pero mabilis akong sinalubong ni Kuya Jac. “Av–” “It’s fine, Kuya. Hindi tayo nag-away kaya ‘wag mo akong suyu-suyuin dyan.” Mabilis ko siyang tinawanan dahil nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. This guy, I’ll never be this strong without him. “Ah, gano’n ba? Ibibigay ko na lang pala kay daddy ‘yung isang bucket ng chicken nuggets–” “Who the f**k are you kidding?” Hindi ko na siya pinatapos. Dali-dali kong tinakbo ang distansya mula sa kinatatayuan papunta si daddy na busy na sa pagbubukas ng kung ano-anong pasalubong na mukhang galing kay kuya. I immediately found the bucket he was talking about at hindi nga nagbibiro ang loko. May pa ganito talaga siya. “You really are my favorite sister,” tumatawa-tawa niyang sabi. Hindi na namin napansin ni daddy ang pagdating niya dahil tuloy-tuloy na kami sa paglantak ng mga pagkain. “At ikaw rin ang paborito kong kuya.” But come on, who are we joking? Kaming dalawa lang naman ang magkapatid. Dumating na ang cupcakes na siyang pinaghirapan naming gawin ni mommy kanina at isinabay na ang pagkain noon sa iilan pang dala ni kuya. Just like the old days, narito lang kami sa living area, prenteng nakaupo at naghahati-hati sa pagkain but this time, we are with Jacques. Nasira ang pagmumuni-muni ko sa pamilya nang biglang tumunog ang aking cellphone. Hindi ko man gustong masira ang moment ay wala akong ibang nagawa nang makitang si Ma’am Cassandra ang tumatawag. I just know it’s important. Hindi tatawag ang boss ko nang alanganing oras para lang sa walang kakwenta-kwentang bagay. Sinagot ko agad ang tawag nang makarating ako sa kusina, “Ma’am.” “Avery, I’m sorry for calling you at this time but naalala mo pa ba nu’ng sinabihan mo ako about Cormac’s parents?” “Yes, Ma’am. May update po ba?” Hindi kaagad nakasagot si Ma’am Cassandra kaya hindi ako agad mapakali. “Yes. And this time, pakiramdam ko umaayon na sa atin ang tadhana. Nalaman namin na nasa Canada ang mag-asawa for their business trip, ayon sa impormasyong nakuha namin bukas darating ang mga iyon dito.” Awtomatikong nagliwanag ang mukha ko dahil sa balitang iyon. “Really? That’s good. Lapapitan ko na lang ang mga magulang ni Mr. Carter at sakanila na lang ako kukuha ng impormasyon tungkol kay–” “No. Of course, you can’t do that.” mariing sabi ng boss ko. Hindi rin nagtagal ay nakuha ko na ang sinasabi niya. “If that’s the case, kung gagawa ka ng move on Mr. Carter's back, posibleng hindi niya magustuhan at mas lalo pa tayong i-reject. Avery, you need to think about this properly. Hindi lang impormasyon ang kailangan natin. We need the consent and the person, too.” Rumagasa ang kung ano-anong bagay sa utak ko, nagkahalo-halo na ang takot, kaba at pagkadismaya. “What should I do, then?” “For now, just earn the parents’ trust. Kung mahihirapan tayong kumbinsihin si Mr. Carter, uunahin nating kumbinsihin ang mga magulang niya. If you already got their trust, sila na mismo ang gagawa ng trabaho natin sa lalaki.” Malinaw kong naintindihan ang sinabi ni Ma’am Cassandra. Hindi ko lang talaga alam kung ano pang gagawin ko ngayon o paano ko magagawang simulan muli ang plano kung nasa isip na ni Cormac na may nangyari talaga sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD