Lagpas alas-singko na ng hapon noong nakarating ako sa BSE. Hindi ako mapapakali kung sa telepono lang namin pag-uusapan iyon ni Ma’am Cassandra kaya pagkasabing-pagkasabi ng babae ay kulang na lang ay liparin ko ang distansya ng bahay at opisina.
This must be a joke. Baka pinagtitripan lang kami ng Cormac na ‘yun o kung ano pa man. Gusto kong makasigurado.
“Ma’am Cassie, what was that? Anong pumapayag na sila?” bungad ko rito pagkapasok na pagkapasok.
Nanatiling deretso ang tingin ng babae, bahagya itong nagkibit-balikat bago magsalita. “I don’t know what’s wrong with you guys. Kung kailan naman pasuko ka na, saka naman papayag ang kabilang kampo. Ano ba talaga ang nangyari kanina about meeting his parents?”
Problemado akong umupo at nagsimulang ikwento sakanya ang nangyari. Simula sa plinano sa airport, ang makarating sa bahay nila pati na ang pagkainis ko.
“Seriously? That means you did good. Bakit ayaw mo na ngayon?”
Bumuntong-hininga ako bago sumagot, “Kuya. He wants me to be out of it na. Maghanap na lang daw tayo ng iba–”
“Iba? Alam niya ba kung gaano mo pinaghirapang makuha ang approval ng lalaking ‘yun tapos when we got it ngayon naman tayo susuko?”
Gusto ko pa sanang mas ipaliwanag sakanya ang naiisip ko kaya lang mayroon pa ring malaking agwat sa amin lalo pa’t siya ang boss ko. Ayoko namang isipin nitong nagrereklamo ako sa task na ibinigay niya. Isa pa, if we won’t this, malaki pa rin ang magiging effect sa akin.
“You are not the type of person who will give this up. You should rest now. Bukas, ide-deretso na ba natin sa set o one on one interview muna kayo?”
I just know it. I need to face this. Hindi ba eto naman talaga ang gusto ko una pa lang? Bakit ba pakiramdam ko ay nag-aalangan ako ngayon?
“I’ll set the interview for three days, Ma’am. Same goes with the planning. Kapag natapos ko nang maaga I’ll request the team para magsimula,” deretso kong sabi.
Tumango-tango naman ang babae at sinabihan na akong umuwi. Nanlalamig man sa kakaisip kung anong pupwedeng mangyari kinabukasan ay pinili ko na lang pakalmahin ang sarili.
Why the f**k do I feel this way? Am I really bothered about that threat and the kiss?
***
Kinabukasan, dali-dali akong kumilos para sana hindi malaman ni Kuya Jac na itinuloy ko ang plano kay Cormac pero ginawa ko man ang lahat ng pag-iingat, naroon na siya sa harapan ng pinto. Nag-aabang ito sa paglabas ko.
“Kuya. . .”
“Avery, hindi ka talaga nakikinig sa’kin!”
Imbes na makipagsagutan, mabilis ko na lang hinalikan sa pisngi ang llaki at nagtatatakbo palabas.
Alam kong maiintindihan din ni Kuya Jac ang lahat at isa siya sa unang taong matutuwa kapag nagawang makuha ang AFA kaya mas kailangan kong pag-igihan para maging worth it naman ang hindi ko pagsunod sa kapatid.
Hindi halos ako magkandaugaga nang papasok ako sa building ng C.C Cars Main. Bumabaha ang pawis sa kamay ko sa sobrang kaba.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko iyong maramdaman pero ipinagsawalang-bahala ko na ang lahat.
“You go, Avery. You are braver than this,” pag-aalo ko pa sa sarili.
Masigla akong binati ni Jessica nang mamataan niya ako. “Miss Avery, pinapapunta ka ulit ni Boss?”
Nangingiting tumango ako, ”Yes. This time, I’ll interview him.”
Minabuti ko nang magpaalam sa babae at dumeretso sa pag-akyat. Bago ako umalis sa bahay, ipinangako ko sa sarili ko that I will make this day productive. Mas maraming impormasyong malaman tungkol kay Cormac, mas mabuti.
“You’re late.”
Nahimigmigan ko ang boses ni Cormac pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina niya. Ilang minuto na pa lang ang nakakaraan nang magsimula ang trabaho ay labis nang magulo ang buhok ng lalaki.
Nagdere-deretso ako sa sofa at kumportableng umupo. Bago ako magpunta rito ay nagawa ko nang iplano ang lahat, ang mga bagay na kailangan kong malaman, mga tanong na kailangang mabigyan ng kasagutan.
Dahil busy pa ito sa pagbabasa ng mga papel na nasa harapan ay minabuti kong hindi na muna ito istorbohin. I should give him some time habang hinahabol ko pa ang sariling hininga dahil sa hindi ko maipaliwanag na malakas na pagkabog ng dibdib.
“Sir, narito na po ‘yung kapeng in-order ninyo. Ihahatid ko na po–”
“No. Ilagay mo lang ‘yan dyan.” Walang sabi-sabing ibinagsak nito ang telepono sa mesa. Marahan niyang hinilot-hilot ang sintido kaya mabilis akong nataranta.
Sinubukan kong lapitan ang lalaki para sana kumustahin pero matalim lang niya akong tiningnan. “Go get my coffee.”
Ang naipong pag-aalala para sa lalaki ay mabilis na napalitan ng pagkainis. “What?” pabalang kong tanong.
“Pakikuha ng kape ko, Avery.”
Kahit gaano ko man kagusto ang sumigaw ay talagang sinikap kong ipikit na lang ang mata at tumalikod. Dali-dali akong lumabas nang mayroong sama ng loob.
“Ano bang problema ng lalaki ‘yun, Jessica? May period ba siya?” tanong ko sa babae nang makarating sa ibaba. Kinuha ko ang kapeng naroon at namewang.
“Nasa mood naman po siya nu’ng nakita ko kanina.”
Hindi nakatulong ang sagot na iyon ni Jessica dahil mas lalo lang akong nainis. Mahaba ang nguso ko nang padabog kong isinarado ang pinto ng opisina ni Cormac nang makapasok.
Bakit ba siya nagsusungit? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil ninakawan niya ako ng halik noong huli kaming nag-usap?
“What are you doing?” masungit pa ring tanong nito.
Hindi ko na ito isinagot. Padarag at buong lakas kong ibinagsak ang isang baso ng kape sa mesa niya dahilan para mayupi iyon at matapon sa plantsadong-plantsyadong damit ng lalaki.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan. Mas nagalit ko pa ata ang lalaki.
“Avery, ano ba?”
I was caught off guard. “Kasi naiinis ako sa’yo! Tatanggap-tanggapin mo ang offer namin at susungit-sungitan mo ako? Hindi lang pala sa pagkukumbinsi ako sa’yo mahihirapan! Sana nakinig na lang ako kay Kuya!”
I kinda regret it. Patagal nang patagal mas nakukuha ko ang pino-point out ni kuya na hindi ko naman nagawang pakinggan.
Impit akong napasigaw nang hapitin ni Cormac ang beywang ko papalapit sakanya. Sa mabilis na panahon, nagawa niya akong maikulong sa mga bisig na mesa lang nito ang umaalalay sa akin.
Sa harapan ko mismo, hinubad niya ang basang damit. Maswerte na lang ang lalaki at malamig iyong kape at hindi mainit dahil baka matuklap pa ang balat niya.
“Hey! What the hell are you doing?”
“Are you planning to seduce me?”
Gusto kong ibaon ang sarili ko sa kahihiyan dahil sa hindi ko ata makontrol ang mga mata ko sa pagbaba ng tingin. Pakiramdam ko nagliliwanag ang anim na pandesal niya at bumabalandra iyon sa akin.
“What? What. . . the f**k are you talking about?” Ramdam ko ang pagiging kapos sa hininga. This guy is so extra. Iisipin mo masaya na siyang maging bato sa pang-araw-araw pero patagal nang patagal, nararamdaman kong chikboy ang lalaking ito.
Ano kaya ang tinatago niya sa nakaraan?
Was it a woman?
A family?
Hindi naman kaya ay nakabuntis siya at tinakasan niya iyon?
“Ako ang tingnan mo, Miss Taylor.”
Natauhan ako roon. Mabilis akong nagpupumiglas pero mas humihigpit lang ang pagkakakapit nito sa akin.
“You are trying to seduce me–”
“Why would I?”
“–because I am really moved.”
Sa pagkakataong iyon, sigurado akong trinaydor na ako ng mukha at nagtuloy-tuloy na ito sa pamumula.
“Hey! Hey! Anong gagawin mo?” natataranta kong sagot nang makuha nitong ilapit ang mukha sa akin. Gusto ko mang magreklamo at magalit, hindi ko na nakontrol ang mga mata ko sa pagpikit.
Nakakailan na ang lalaking ito sa akin!
Mariin akong nag-antay nang paglapat ng malambot na mga labi ng lalaki pero pagkatapos ng ilang minuto ay wala akong naramdaman. Padarag kong ibinuka ang mga mata. Pakiramdam ko ata ay sasabog ako sa sobrang pagkainis nang makitang wala na si Cormac sa harapan.
What was that? Pinagmukha niya talaga akong tanga?
“Miss Taylor, my time is precious. Dalian mo na.”
“Where? Where are we going?” patay-malisya kong sabi. Nagkunwari akong wala lang sa akin ang nangyari kahit sobrang panggagalaiti na ang nararamdaman.
“It’s for the documentary.”
Nag-aalangan man dahil sa sobrang kahihiyan, wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo nang tuwid at ayusin ang suot bago sumunod sa lalaki. Talagang napakagulo lang lalaking ito. What was that? Anong klaseng palabas ang ginawa niya?
“Am I disappointed?” Ibinuhos ko na lang ang pagkadismaya sa paggulo ng sariling buhok at maya’t mayang pagpadyak.
Why? Why are you doing this Cormac? Do you want to play a game?