Life is all about finding what and whys, talagang napatunayan ko iyon. Noong una akong gumising mula sa napakatagal na pagkakatulog, walang kahit na sino at anong makilala, I automatically asked God, ‘why?’ Kahit hindi ko pa alam ang totoo at eksaktong nangyari, naitanong ko na agad kung bakit. Bakit ako? Bakit doon magsisimula ang mga paghihirap ko? It wasn’t an easy journey. Hindi naging madali ang pagbalik ko sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Nawala ang alaala ko’t napakahirap humakbang muli. Sa isang iglap, ramdam kong parang bigla akong nawalan ng silbi, ng kayang gawin. With my family’s support, I started to live again. Nagawa kong makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho sa matagal nang pinapangarap na kompanya. Everything became so fine, until I met him. Sa

