Para sa akin, tama na ang mga panahon ng paghihirap namin ni Kuya Jac at Cormac. Sa mga nangyari, isang bagay lang ang na-realize ko. Kahit gaano man namin gawin ang lahat, tapos na ang para sa amin ni Cormac. Naputol na ang kung pa mang mayroon kaming dalawa. At kung sakali mang pagdudugtungin namin iyong muli, mas lumalaki lang ang posibilidad na masira iyon–mas maging mahina ang pagkakapit sa isa’t isa. Nananakit na ang ulo ko noong ibinukas ko ang pinto ng opisina. Bumungad sa akin si Ma’am Cassandra na mabilis na itinuro ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa na naroon. “Naisip kong maganda ring i-feature ang Cassano Pharmaceutical. . .” Napailing-iling na lang ako sa rason na iyon ng Editor-in-Chief. Hindi ba nito alam na napakarami pang nakatambak na gagawin. “Levi!” masigla k

