Avery Taylor’s point of view Sa sunod na pagdilat ng mga mata, pakiramdam ko tuluyang nag-iba ang paligid. Pare-parehang mukha ang nakikita ko pero iba na sa pakiramdam na maaninag muli ang mga ngiti nila sa mukha. Marahil ay wala lang sakanila ang lahat pero iba iyong sa akin. I could feel my life. . . breaking into pieces— again and again. Iyong buhay na pinilit kong buuin at ayusin matapos ang aksidenteng iyon, labing-limang taon na ang nakararaan ay kailangan ko na namang ayusin ngayon. Iyon bang kailangan ko na namang pulitin ang nagpira-pirasong pagkakakilanlan sa sarili. Naaalala ko na ang lahat. . . Finally, nakuha ko na kung ano ang madalas kong ipanalangin sa Panginoon noon. Kung napaaga lang sana ito nang kaonti ay baka ngayon pa lang, nagtatalon na ako sa tuwa pero it really

