Eighteen: Memories to be buried

1426 Words
Napaismid na lang ako sa biglaang paglakas ng boses ni Ma’am Cassandra kinaumagahan nang magpunta ako sa BSE. Kanina pa pala ito sumisigaw pero nasa kawalan lang ang mga titig ko, hindi pa rin maisip kung paano posibleng haharapin si Cormac ngayong araw. “I really don’t get Gelo. Kahapon, nag-usap pa lang kami. They are okay about the schedule. Tapos ngayon biglang magka-cancel? Aba! Mga walang isang salita talaga iyang mga taong ‘yan.” Hindi matigil ang bibig nito. She must be really annoyed na biglang hindi kami sisiputin ng team ngayon. Dahil may kontrata na, tuloy-tuloy na ang proseso. Pagkatapos lang ng interview ay magkakaroon na ng meeting para sa gagawing shooting sa documentary. Ang mga naunang nalaman ay nagawan ko na ng report at naipasa ko na sakanila. Magiging madali na lang para sa scripwriters na maayos ang lahat. Hindi na siguro aabot ng isang buwan bago kami magsimula sa pagso-shoot. Ganito talaga ang kilos para sa AFA. Para kaming iyong hindi na natutulog sa sunod-sunod na mga buwan. Competitive ang buong BSE sa competition na ito so imagine the pressure that I can feel right now. Idagdag mo pa iyong hindi magandang relasyon ko kay Cormac. Wala atang araw na hindi kami nagbangayan tuwing magkikita. Restart. Dapat magsimula akong muli sa una. I should forget everything na nangyari at pinag-awayan namin ni Cormac noon— para sa AFA. “May ibinaba raw na gawain ang big boss? As in, ngayon talaga? Sinabihan sila overnight? Hindi pwede ‘yun! Paano naman ‘tong AFA? This should be a priority!” “Kailan daw sila pupwede?” pagtatanong ko na lang para naman makahinga ang kausap. “By next week,” pasigaw na sambit ng Editor-in-Chief. “Next week? What is this? Mahaba-haba pang panahon ang kailangan sa briefing! Ni hindi pa nga ata na-finalize ang mga gaganap.” Bumuntong-hininga ako‘t hinarap si Ma’am Cassandra. Wala naman na kaming magagawa sa ngayon. Hindi kami makakapag-function kung kami lang. We need them. “Don’t worry. Ako na lang muna ang gagawa ng paraan sa isang linggo. Ako na ang bahala kay Mr. Carter. Susubukan kong makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa lalaki. Tell them I’ll make a report at the end of this week. Gawan na lang kamo nila ng paraan ‘yan, Ma’am. Hindi pwedeng mag-antay pa tayo ng isang linggo,” dire-diretso kong sabi. Nakita kong napahilot na lang sa sintido ang babae saka kinuha ang telepono nito at nagtipa. “You can go now. Tawagan mo ako agad kapag may problema, okay? Don’t stress yourself too much.” Hindi na rin ako nagtagal sa opisina. Ilang minuto lang ay nasa kotse na ako at nagmamaneho nang matanggap ang tawag ni Kuya Jac. “Sup?” “Where are you?” Inilayo ko sa tainga ang cellphone na hawak saka tsinek kung si kuya ba talaga ang kausap. Silly, alam naman nitong nasa trabaho ako ay magtatanong pa siya. “I’m on my way to C.C—” “Are you really going to do that, Avery?” Here we go again. “Kuya naman. . .” “All I want is the best for you, Av. Alam kong hindi magiging okay ‘tong project mo kasama ‘yang Cormac na ‘yan. Can’t you listen to me?” Mabilis kong ipinark ang sasakyan nang makarating sa building ng C.C Cars. Naiintindihan ko ang sinasabi ng kapatid pero hindi na ako pwedeng umurong pa ngayon. Mabilis na nauubos ang oras namin kaya hinding-hindi ako mag-aaksaya ng panahon. I need to do this— not just for myself but for BSE as well. “Kuya, I’ll call you later. Sorry,” mabilis kong sabi saka ibinaba ang tawag. Hindi ko na siya inantay na makasagot. I know guilt will creep me out pero kailangan kong panindigan ang lahat. Kung ano man ang ikinatatakot ni kuya ay sisiguraduhin kong hindi iyon mangyayari. Nang makapasok sa building, isang kaway na lang ang naibigay ko kay Jessica. Dali-dali na akong dumeretso sa opisina ni Mr. Carter. “This day should be a productive one,” paulit-ulit kong bulong sa sarili. Kaonti pa lang ang nakukuha naming impormasyon kay Cormac pero kung pag-iigihin lang namin ay magkakaroon kami ng mas matagal-tagal na dokumentaryo. The facts are enough. Iyong kwento na lang sa loob noon ang kailangan naming pagtuunan ng pansin. “Avery!” Pinihit ko ang doorknob ng kwarto at bumungad sa akin si Cormac at Levi na masinsinang nag-uusap sa sofa. Nang makita ako ni Levi ay mabilis ako nitong nilapitan. “Glad to see you here. How are you?” I am telling you all; Levi is way more better than this masungit na Cormac. Sinuklian ko ang ngiti niyang iyon, “Stressful ang preparation for AFA kaya I can’t say that I am okay.” Pasimple kong binalingan ang lugar nu Cormac. Nakatingin ang lalaki sa aming dalawa ni Levi at nakakunot na naman ang noo. Pagkatapos ng ilang minutong pagkukwentuhan ay nagpaalam na rin si Levi, saying he has a lot of works to do. Kinulit pa ako nitong lumabas sa susunod na mga linggo. “We need to start working today, Mr. Carter.” Napanguso ako nang hindi man lang ako binalingan ng lalaki. Eto na naman siya, hindi ko na naman maintindihan ang kinikilos. “Hindi makakapunta ang team ko ngayon but we’ll promise to finish all what we need to do. I’ll make sure before weekend ay makapagbrief na sila ng mga gagawin–” “Rest,” tipid at deretsahang sabi nito. Gusto kong matawa roon. How could I possibly rest at this time and day? Wala ang team ko pero kailangan kong iahon mag-isa ang mga plano. “What?” hindi makapaniwala kong sabi. “Use my bedroom there–” Wala sa sarili akong lumingon sa itinuturo ng kamay nito. “Wala tayo gagawin until lunch so you better rest.” Ipinikit ko ang mga mata, kinokontrol ang pagkairita. “Are you kidding me?” “Kalahating araw na trabaho or no work at all, Miss Taylor?” pangisi-ngising sabi nito, masayang wala na naman akong magagawa sa kung ano man ang gusto niya. Hindi na ako sumagot. Padabog kong tinungo ang kwarto roon na hindi na siya muli pang nililingon. As if I could sleep right now. Ginawa ko na ang lahat para makatulog matapos ang kahihiyan ko kagabi pero hindi ko rin nagawa. Mabilis akong naging interesado sa lugar nang makita ko kung gaano kalinis ang kwartong iyon. Maayos at maganda ang pagkakasalansan ng lahat. The things were classified sa kung anong klase ang mga ito. Papel sa papel, ang mga kahon sa kahon. Lahat lahat. Dumako ang mata ko sa isang larawang naroon. Everything’s on their own frames pero mag-isa iyong nakapatong lang sa bedside table. Litrato iyon ng isang batang lalaking malalaki ang ngisi. I easily identified him as Cormac. Nangunguna kasi ang makakapal nitong kilay at ang napakatangos na ilong. It was as if all my thoughts were gone. Parang nakalimutan ko ang pagkainis sa lalaking kanina lang ay kausap. His cheeks here were so fluffy— iyong para bang maga ang ngipin sa sobrang laki. Napahalakhak ako sa naisip. Madali kong inikot ang larawan, tumambad sa akin ang sulat na naroon sa likod nito. It was written in pink ink. Mabilis akong napasapo sa noo, pinakiramdaman ang biglaang p*******t ng ulo bago basahin ang nakasukat doon. “Macky, You should never forget this day. You’re my boyfriend now. Nalaman ko kasi kay yaya na dapat kong maging boyfriend ang boy na gusto kong nakikita everyday. And that’s you. Boyfriend na kita, ah! Abe.” Sapo-sapo ang nananakit na ulo, mabilis kong isinilid ang litrato sa bag na dala bago ibinagsak ang sarili sa higaang naroon. This is not good. Masyado ko na atang napapabayaan ang sarili at nagpapakapagod. I just need to sleep here. Iidlip lang ako. Pagkatapos, magtatrabaho na ulit. I am always afraid to have headaches. Madalas kasi ay hospital ang kinalalagyan ko pagkatapos. Mabilis at kalmado kong ipinikit ang mga mata. Sandaling oras lang akong magpapahinga. . . pagkatapos, tatapusin ko ang trabaho. This is for myself and for BSE. “Avery. . . Avery!” Pawis na pawis at takot na takot akong bumalikwas mula sa kinahihigaan nang magising akong muli sa araw na iyon. Nasa harap ko na si Cormac na mukhang alalang-alala rin sa akin. Hindi ko maintindihan ang napanaginipan. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit at hindi mawala-wala iyon sa isip ko. “Avery, talk to me. Are you okay? Do you need something?” Napanaginipan ko na naman ang hindi makilalang lalaki. Hindi ito ang unang beses pero hindi ko pa rin maaninag nang maayos ang mukha nito. “I. . . I need my memories. . . Cormac, I need my memories!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD