Eleven: Mr. Unpredictable

1359 Words
“You two seem so close,” agad-agad na sabi ni Mr. Carter nang makabalik kami sa kinauupuan, kasama na ngayon si Cormac. Masisira lang ang mga plano at araw ko dahil sa lalaki. “Hindi naman po.” “Yes, we are.” Padarag kong nilingon ang lalaking nasa gilid at pinanlisikan ng mata. Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka kinalikot na ang cellphone. Hindi ko alam ano ang pinaplano ni Cormac. Para ba makaganti sa akin at bwisitin akong muli o mayroon pang iba? Dahil kung gusto nito ng away ay hinding-hindi ko siya uurungan. Pinanganak ako ng nanay ko hindi para maging talunan, ano! “Yes, we are.” mas matapang kong sagot sa pagkakataong iyon. “Glad to know that. Mabuti palang nagkakilala na tayo ngayon, Avery. Sigurado mapapadalas ka sa bahay namin,” nakangiting sabi ni Mrs. Carter. This is a big misunderstanding! “She’s already staying at my condo.” “I’m already– what?” Mabilis kong hinarap si Cormac, huli na nang ma-realize ko ang sinabi niya. Sa sobrang pagkagigil ko ay pinandilatan ko pa ang lalaki pero ang walang hiya, nginitian lang ako ng peke. “Ah, opo. Clingy po kasi ‘yan si Cormac. Ayaw na nga po ako nyan paalisin sa kwarto – aray!” Padarag kokg ibinaling ang tingin ko sa ilalim ng mesa. Ramdam na ramdam ko ang napakalaking paa ni Cormac na parang dinudurog ang paa ko. “Tingnan mo, Cesar, ngayon pa lang kinikilig na ako sakanila.” Nagtawanan ang dalawang kaharap namin kaya mabuting nakisabay na lang din ako kahit nag-aapoy na ako sa loob dahil sa panggigigil sa katabi. Ano bang trip ng lalaking ‘to? Anong nakain o nasinghot nito para hindi mag-ala bato rito? “Anyways, galawin na ninyo ang mga pagkain niyo ni Stoney, Avery.” Sa narinig mula kay Mrs. Carter ay halos isubsob ko na lang ang sarili sa pagkaing nasa harapan. “It really suits you, though, CC.” gatong pa ng ama niya. “Stoney, huh. . .” Kung ganito ata ang magiging sitwasyon ko sa pang-araw-araw dahil sa pamilyang ito ay ngayon pa lang susuko na ako. Mauubusan ako rito ng dignidad. Hindi na ako nagsalitang muli. Mukhang ako naman ang naging bato sa buong pagkakataong iyon. Plano ko pa sanang mas kausapin at makipagclose pa sa magulang ni Cormac pero nanatili nang nakatikom ang bibig ko dahil sa kahihiyan. Bakit pa kasi kailangang dumating ng Cormac na ‘yan dito? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil matagal ko pa sila makakasama pero kung iisipin kong naroon si Cormac ay umaatras na lang ang sarili ko. At the end of the discussion, sumama pa rin ako. Mahilig kasing mamblackmai itong si Cormac gamit ang mga titig niya. Ayaw ko namang sabihin niya ang walang katotohanang bagay na iyon sa mga magulang niya dahil mas nakakahiya pa iyon to the point na hindi ko na gugustuhin pang magpakita. Their house was really huge and fascinating. Nakakakaba lalo pa’t puro mga salamin ang nakikita ko. Kapag ganito ang bagay ni Kuya Jac, delikadong-delikado para kay Jacques. Bigla ko na naman tuloy na-miss ang kapatid. “Siguro, next time, we’ll ask your parents to come here. Ano sa tingin mo, CC?” Parang may kung anong bomba ang sumabog sa sistema ko at tuluyan ko nang hindi nagustuhan ang nangyayari. “We should. Her parents are great,” walang kabuhay-buhay na sabi ni Cormac. Deretso lang ang tingin nito sa kanila at hindi man lang ako binalingan. Hindi niya tuloy nakita ang pamatay kong mga titig. What’s up for this guy? Napaka-unpredictable! One moment, hindi mo makakausap. Parang bato o kaya mannequin. Pagkatapos, minsan, katulad ngayon, napakaraming mga sinasabi. Can’t he just shut the f**k up right now? “You knew her parents, C?” hindi makapaniwalang tanong ng mommy niya. Hindi ko na sila binigyan ng pansin. I need to calm my t**s down. My time will come as well. Makakahanap din ako ng pagkakataong gantihan ang bwisit na lalaking ‘yan. “Yeah, just met them recently. Nakilala ko rin ang kuya. We both have the same taste on cars.” Kung ipipikit ko ang mata ko, hindi ko kailangan man maiisip na si Cormac ang nagsasalita. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung kasama ba ito sa ganti niya o pang-iinis o kung hindi naman talaga siya taong bato at pinahirapan niya lang ako nu’ng una. “Oh, my! This is getting excited! Kailan ang kasal?” Hindi ko na nakayanan ang naririnig kaya awtomatiko akong napatayo. Hindi ko naman sinadyang bastusin ang mga nasa harap pero hindi ko lang talaga kayang pigilan. They are talking too much! Hindi ko alam kung excited lang ba talaga sila dahil sa sinasabi ni Cormac o they are being insensitive? Halata naman sa mukha ko kanina pa na hindi ko gusto ang pinag-uusapan nila. Nakakapikon iyon. “I’m sorry but can I talk to Cormac, alone?” Nangingiti pa rin ang mga mag-asawang Carter kahit pa ganoon na ang sinabi ko. “Sure, iha. Come back later for the food.” Pasimple na lang akong tumango at marahas na hinila si Cormac papalayo roon. Mabuti ay hindi na ako nahirapan dahil agad siyang sumunod. Itinigil ko ang paglalakad nang marating ang tahimik na pasilyo ng bahay. Kung hindi lang ako nanggagalaiti ay baka napuri ko ang bawat kanto nito pero naghahari ang pagkapikon at galit sa sistema ko. “What was that?” bungad ko sa lalaking seryosong-seryoso pa rin ang pagmumukha. Nag-antay ako ng ilan pang segundo pero hindi ito nagsalita. May tama ata sa utak ang lalaking ito. Kung kailan gusto ko siyang magsalita at kausapin ako ay wala siyang ginagawa pero kapag gusto kong itikom niya ang bibig ay marami siyang sinasabi. I know. . . maybe I really don’t fit for this job. Wala ako dapat sa trabahong pagkukumbinsi sa mga tao because I lack patience. But then, kailangan ko pa ring gawin ito for myself, para manalo. “What? Sinasabi ko na nga ba ginagantihan mo ako?” Still, wala akong nakuhang response. He didn’t even response dahil pa gusto ko nang sumabog sa inis. “Cormac! Ano ba? Is this the game you want? Ganti ba na ‘yun para sa’yo?” I leaned towards him, gusto ko kahit papaano ay matakot ko ang lalaki pero hindi epektibo. “Don’t meddle with my business. Sa parents mo ako nagpapabango kaya ‘wag kang makisawsaw–” “Why?” “–Do that s**t again and I’ll. . .” Bigla akong natigilan sa sinasabi. Parang nabinit kung saan ang mga salita ko. Ano nga ba ang gagawin ko sa lalaki kapag ginawa niya pang mangealam? “Kiss me.” Literal na naramdaman kong parang nanlambot ang tuhod ko sa narinig. “Are you high?” “Just kiss me and I am not going to meddle with your plans,” deretso nitong sabi pagkatapos ay tinaasan pa ako ng kanang kilay. “What the f**k are you talking about?” Ipinikit ko ang mga mata ko, nagpapakalma kahit gaano ko na kagustong magwala. Hindi ko siya maintindihan and I am overly frustrated about it. “Why? You can’t? Then, hindi ako titigil.” Mabilis na inayos ni Cormac ang tayo niya at pumihit na para sa paglalakad. “O-Of course. I can do that!” Is he challenging the hell out of me? Dere-deretso akong lumapit sakanya. It was too close na kaonting kibot na lang ay magdidikit na ang mga labi naming dalawa. “Just don’t meddle with my business–” Hindi ko na natapos ang sinasabi. Mabilis niyang hinapit ang katawan ko dahilan para magkadikit ang mga labi namin. Mabilis at padarag akong lumayo pagkatapos, labis labis nang naiinis. “What the hell?” Imbes na sagutin, mabilis muling sinira ni Cormac ang distansya naming dalawa. Agaran niyang sinalop ang magkabilang pisngi ko. Pagkatapos, marahan at maiinit na mga halik ng lalaki ang bigla kong naramdaman. Hindi ko nagawang makagalaw. I froze right in my place. Ramdam ko ang pagkabuhol-buhol ng mga salita sa utak ko at ang pagkabingi sa malakas na pagkabog ng dibdib. Matapos ang iilang minutong pananatili ng labi niya sa labi ko ay cool itong nag-ayos ng tayo at nagsimulang lumakad paalis. In such distance, narinig ko pa ang huli nitong sinabi, “We should try that again, ‘yung dapat conscious ako, para naman ma-confirm kong totoo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD