“Avery? Dad!” Ilang minutong walang nagsalita kahit pa tatlo na kaming nasa kwartong iyon. Kahit pa tinitingnan ko lang si Kuya Jac at daddy ay punong-puno na ng espekulasyon ang loob ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko magagawang tanggapin. Sa ano at paanong paraan involve si daddy sa pagpatay sa mga magulang ni Cormac fifteen years ago? “Anak. . .” “Please don’t act like this,” deretsahan kong sabi, pinipigil ang kung ano pa mang rason ang lalabas sa bibig ni daddy. “Hindi ako iyong batang Avery na mabilis lang mauuto, Dad.” Si Kuya Jac naman ang hinarap ko sa pagkakataong ito. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala pati na ang takot sa kung ano ang pupwede kong sabihin, gawin at maisip. “Ano ‘to? Eto ba ‘yung tinatago niyo sa akin?” Nagkandabuhol-buhol ang mga salita sa dulo

