Sixteen: Rule number one

1314 Words
“Avery, you can’t do that! We need to please Mr. Carter dahil tayo ang may hihingiing pabor sakanya.” I hung my head low. Napakarami kong gustong sabihin pero alam kong at the end of the day, wala rin naman akong ibang magagawa kundi ang sumunod. “I am so done pleasing that jerk!” singhal ko pa. Alam kong wala akong karapatang magreklamo lalo na sa harap ng mismong EIC pero nakagawian ko na rin. Ma’am Cassandra will surely understand. Isa pa, ilang taon na rin kaming magkasama kaya paniguradong alam na alam na nito ang ugali ko. “Kaonting tiis pa, Av. This will be paid off once na nanalo tayo sa AFA.” Kahit papaano, napakalma ako ng mga salitang iyon. Iyon na lang naman talaga ang pinanghahawakan ko. Lalo pa ngayong napakaingay na ng iilang journalist sa kani-kanilang mga social media sites. Karamihan doon ay nagsisimula na sa shooting ng documentary at gumagawa na ng ingay kasama ang napili nilang mga sikat na tao. Pero ako. . . ni hindi pa nagagawang makipagkasundo kay Cormac. “Ready na ang kontrata. Pirma na lang ni Mr. Carter ang kailangan niyan, Av. Pagpasensyahan mo pa. . .” pangungumbinsi ni Ma'am Cassandra. Napabuntong-hininga na lang ako. Alas dos pa lang ng hapon pero pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko. Gusto ko nang matulog at magpahinga. Walang gana kong kinuha ang kontratang sinasabi ni Ma’am Cassie saka walang imik na kumaway sa babae. “Where are you going? C.C?” Wala sa sarili akong tumango. “Yes. Ihahampas ko sakanya ‘to.” Patawa-tawa ko pang itinaas ang kontrata dahilan para humalakhak ang boss. I am really exhausted. Pagkatapos nang pagwo-walk-out ko mula sa ampunan ay dumeretso ako sa opisina. Buti na lang at dala ko ang cellphone ko at nagamit ko iyon para sa pagbabayad online. Nang marating ang opisina ng BSE ay saka ako naglabas ng pagkabwisit kay Ma’am Cassandra. Namumuro na rin talaga ang Cormac na ito sa akin. Sinisigurado ko talagang pagkatapos ng documentary na ito ay erase siya sa buhay ko. How dare he say that do me? I mean, hindi naman talaga kami engaged but how could he say that? At hindi ako makapaniwalang pagkatapos nang sinabi ko sakanya ‘trash’ siya ay pupuntahan ko siya sa opisina para sa kontrata. “That jerk!” Hindi ko na mapigilan ang magdabog nang makalabas sa building para maghanap ng masasakyang taxi papunta sa C.C Cars. “Ano bang gusto niyang gawin ko to please his ego? Napakasungit! Akala mo naman gwapo!” Namataan ko ang iilang mga katrabahong papasok sa building na ngumingisi-ngisi. Napalakas ata ang pagkakasabi ko noon kaya napairap na lang ako. Nakakatawa sila dahil hindi mahirap ang trabaho nila. Samantalang ako, I feel like I am stuck– “Ikaw lang ang nagsabi sa aking hindi ako gwapo. . .” Mabilis akong napalingon sa bandang likuran ko at halos bumundol pa ako sa katawan ng lalaking pinapatay ko lang sa isip ko kanina. “What are you doing here?” patay-malisya kong sabi. Humigpit ang hawak ko sa envelope na may lamang kontrata dahil sa kahihiyang biglang naramdaman. Bakit ba kasi nandito ang lalaking ito? “I’ll sign the contract. Let’s find an appropriate place for that,” masungit muling sabi nito saka nagsimula nang maglakad papunta sa parking lot. Ang sungit ng lolong ‘to. Tahimik ang naging byahe hanggang sa makarating kami sa isang sikat na restaurant. Ilang beses ko na ring nakausap ang may-ari nito lalong-lalo na sa mga conventions. Sa bawat taong dumadaan, parami lang nang parami ang mga branches nila kaya mas lalong nakakabilib. Nagkataong kapatid siya ng asawa ni Tanya Tebrero kaya kahit papaano ay may kaonting background na rin ako sa may-ari. Hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito dahil sandamakmak pa rin ang mga tao kahit pa nasa gitnang hapon pa lang. Hindi nauubusan ng tao ang lugar iyon ang pinakanakakabilib sa lahat. “Cormac!” Sabay kaming bumaling ng kasama sa lalaking nasa malayo pa lang at kumakaway. Hindi rin nagtagal nakilala ko ito bilang si Isiaah Jacinto, ang may-ari ng restaurant na ito. Magkakilala pala sila ng kasama. “Ngayon ka na lang ulit bumisita,” nakangising sabi ni Isiaah nang makalapit. Iyon din siguro ang sekreto ng lalaki. Magaling itong makisama sa mga tao. Alam nito kung ano ang dapat sabihin sa mga sitwasyong katulad nito at isa pa, napakatalino rin daw ng lalaki ayon kay Tanya. “I’ve been very busy,” tipid lang na sagot ni Cormac kaya ako naman ang umismid. Wala talagang pag-asa ang isang ito sa pakikisalamuha sa mga tao. Mukhang bumalik na naman ito sa pagiging taong bato dahil wala na sa ampunan. “Teka. . . Avery Taylor, right?” manghanga nitong gagad nang balingan ako. “It’s nice to see you here!” Pasimple ako nitong nilapitan para sana makapagbeso nang isiningit ni Cormac ang pagsinghap. Natawa na lang si Isiaah saka tinapik ang balikat ko at bumulong, “He’s so possessive.” Ako naman ang sumama ang mukha dahil sa lalaki. “Where can we sit? We have some business to talk about,” gagad ni Cormac. Mabilis na tumango si Isiaah at iginiya kami sa bakanteng mesa. Maganda ang pwesto noon lalo pa’t malayo sa iilang mga tao, we can talk here for a long time. “Magpapapunta na lang ako ng staff dito to get your order,” sabi nito saka ipinaghila pa ako ng upuan. “Goodluck on your business.” Gano’n na lang ang paghalakhak ko nang nagawa pa akong kindatan ng lalaki. Malayong-malayo talaga ang ugali nito sa kapatid. “Why are you happy?” Naibuga ko na lang nang malakas ang sariling hininga dahil sa narinig mula sa lalaki. Hindi talaga ako makapaniwala sa ugali. “I am happy that I am not like you!” sagot ko rito. Mabilis na dumating ang staff, katulad nang sinabi ni Isiaah. Mabilis kaming nag-order at nanghiram na rin ako ng papel at ballpen para sa naisipang gawin mamaya. “How did you know, Isiaah?” Tinaasan ko lang ng kilay ang lalaki. Hindi ko maintindihan pero gaano ko man kagustong sundin ang sinasabi ni Ma’am Cassandra na mas pagpasensyahan muna si Cormac ay hindi ko magawa. Nakikita ko pa lang ang pagmumukha nito ay nabubwisit na ako. “Pake mo?” tipid kong sabi saka bumaling muli sa cellphone na hawak. “Tinatanong kita nang maayos, Avery.” Dumapo agad ang palad ko sa bibig nang hindi mapigilan ang pagtawa. Why does he have to be so cute when he’s speaking Filipino? “We’re here for the contract. Iyon na lang ang pag-usapan natin,” deretsahan kong sabi. Wala akong balak gabihin sa trabaho lalo pa’t ramdam na ramdam ko na ang pagod. Mabilis akong sumimsim ng tubig na naroon para sana makatulong sa pagpapakalma sa sarili. “Do you like that guy?” Literal na naibuga ko ang tubig na nainom sa tanong niya. What’s wrong with this guy? Naririnig niya ba ang sarili niya? Akmang sasagot pa lang ako nang dumating na ang pagkain. Ibinigay rin sa akin ng waiter ang hiniram kong papel at ballpen. “I am asking you, Avery–” “Stop that! May asawa na ‘yung tao. ‘Wag na natin pag-usapan.” Mabilis akong naghanda para sa pagkain. Sa sobrang pagkainis ay hindi ko na rin nabigyan pa ng atensyon ang kumakalam na namang sikmura. “Kung wala siyang asawa, will you like him?” Padarag kong ibinagsak ang hawak na kutsara’t tinidor saka matalim siyang tinitigan. “What the f**k are you saying? Hanep! Hindi ko alam big deal pala ‘yang ganyan sa’yo!” Tuluyan nang naglaho ang pasensyang hinihingi ni Ma’am Cassandra. Sino bang magbibigay ng pasensya sa lalaking itong daig pa ang babaeng may dalaw? “Don’t you dare date someone.” Napasapo na lang ako sa ulo sa mga pinagsasabi ng kaharap. May problema ata sa ulo? Hindi ko na maintindihan. “That’s the number one,” dagdag niya pa. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nanguna ang kuryusidad ko kaya napabaling akong agad dito. “Number one?” “On our contract. That’s the rule number one, Avery.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD