Ilang segundong nagmistulang may dumaang anghel sa harapan naminni Cormac. Hindi agad nakapagsalita ang lalaki, ganoon din ako. Mabilis niyang tinungo ang napakalaking walk-in closet sa loob mismo ng kwartong iyon at bumalik kasama ang isang malaking shirt. “Teka. . . teka, Av.” Mabilis na namlambot ang puso ko sa kinilos niya roon. Pansamantala akong kumalma, sa isang iglap ay para kong nakalimutan ang takot. Marahan niyang sinuot ang sariling damit sa akin, hinalikan ako nang mabilis sa noo saka bumalik sa pagkakaupo sa harapan ko. “Are you really sure about this, Av?” Mabilis akong tumango sa tanong niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman nito ngayon. Sigurado ako; hinding-hindi ako magbabanggit ng kahit anong bagay na magiging ugat lang ng pag-asa ng lalaki. Hinawakan ko ang

