Kinaumagahan, halos baliktarin ko ang bahay nang hindi ko magawang hagilapin ang sketch na pinagpuyatan ko kagabi. Nang matapos ang pag-uusap namin ni Ma’am Cassandra, sinabihan ako nitong huwag na munang magpunta sa kompanya dahil siya na raw ang bahala ay dumeretso ako sa bahay ng mga magulang para doon na muna manatili. Pagdating ko, nakaalis na si Kuya at napag-usapan na nilang I will stay with my parents the whole night. Hindi rin naman ako agad dinalaw ng antok kaya inabala ko ang sarili ko sa pagdo-drawing. Saktong-sakto ang sketch na iyon sa taong nakikita ko mismo sa isip. Nahalughog ko na ang sariling kwarto, wala na rin sa kusina o hindi naman kaya sa sala. I should be going by now. Hindi na ako nakapunta kagabi sa opisina kaya sinabi ko sa sariling aagahan ko ang pagpun

