AMARA "Anong update sa status ngayon ng sister in-law ko?" agad na tanong ko sa team leader ng grupo na sumundo sa akin habang nakasunod ito sa akin at patakbo akong lumapit sa nakapadarang sasakyan. "Pumunta po siya sa nasunog na bahay ng mga magulang niya. Ang huling update sa akin ng tauhan ko bago ako nawalan ng kontak sa kan'ya ay nawalan siya ng malay," paliwanag nito na mabilis sumakay sa sasakyan at na-upo sa tabi ko. "Nasaan siya ngayon?" nag-aalala na tanong ko. "Wala pa po akong balita dahil hindi ko na po makontak ang tauhan natin madam." Kunot ang noo na napasapo ako sa noo. Hindi magandang senyales ito. I need to know where exactly my sister in-law right now dahil alam kong hindi magugustuhan ni Declan kung may masamang mangyayari sa mag-iina niya. "Give me your phone,"

