DECLAN "Anong nakakatawa?" mataray at nanlilit ang mga mata na tanong ni Liegh kay Jared. "Bakit ka narito? Usapang mag-asawa ito, lumabas ka nga." Pagtataboy ko kay Jared pero bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok at dalawa pang sakit ng ulo ko. "What's going on here, bakit mukhang nagbubuga na naman ng apoy ang asawa mo?" pabulong na tanong ni Alexander ng makalapit sa akin. Kunwari pa ang kumag na ito. Kung hindi ko pa alam ay mukhang siya na naman ang may kagagawan nito. Pahamak talaga ang pagiging babaero ni Alexander kahit kailan eh. "Ikaw ba nag-iwan nito dito ha?" tanong ni Liegh kay Alexander na napatingin sa akin. "What? Of course not, kapapasok ko lang," tanggi nito kaya nasuntok ko sa balikat. "Tarantado ka, sinong mag-iiwan n'yan d'yan kung hindi ikaw? Ikaw lang

