"What's wrong with you? Bakit ayaw mong kumain?" pagalit na tanong nito. "Hindi ako nagugutom," sagot ko. "Really, isa na naman ba ito sa dahilan mo para maiwasan ako ha, Liegh?" tiim bagang na tanong nito. "Oo, ayaw kitang makita, lalo na 'yang pagmumukha mo!" inis na sagot ko. Kung makaarte siya akala mo ako ang nagsimula ng away naming dalawa. Nakakainis na ako na nga ang umiiwas pero siya itong galit na lalapit sa akin. "Kung gusto mong magutom bahala ka, pero hindi ko hahayaan na gutumin mo ang mga anak ko." Napa-ngwi ako ng mabilis na hawakan niya ako sa braso kaya napatayo ako. Kulang na lang kaladkarin niya ako papunta sa mesa kaya lalo lamang akong nainis sa kan'ya. "Now sit, kumain ka na!" padabog na sabi ni Declan ng hatakin nito ang upuan para makaupo ako. Siya na rin a

