Tumango ako habang iniisip kung sino ang lalaking sinasabi niya. Mukhang asawa nito o kaya boyfriend na malapit din kay Declan. "Sige, salamat." Niyakap ko si Stella at nakangiti na nagpaalam dito. Hindi ko na siya hinatid sa baba dahil sinabi ni Declan na 'wag na akong lumabas ng silid dahil madaling araw na. Alam naman daw ni Stella ang pasikot-sikot dito sa bahay kaya ayos lang na hindi ko siya ihatid. "Siguro naman pwede na akong matulog," pormal na sabi ko. "Sure, let's sleep." Nangunot ang noo ko ng makita kong uma-arte si Declan na may masakit dito. Kanina, mukha siyang walang nararamdaman pero ngayon may pangiwi-ngiwi pa siya sa harap ko. "Tulungan mo naman ako please," pakiusap nito. Ginawa ko na lang para matapos na at makatulong na kami. Kahit naman hindi ako inaantok p

