Sumilay ang ngiti sa labi niya bago ako pinatakan ng magaang halik sa noo. "Remember this, kahit anong mangyari, Hindi kita pababayaan." Biglang nanlabo ang mga mata ko matapos mamuo ang luha at tuluyang bumagsak sa pisngi ko. Ramdam ko ang sincerity sa tinig niya at nakita ko kung paano niya ginawa ang lahat para iligtas ako hindi lamang kagabi kung 'di dalawang beses na. "Shhh, it's okay. Don't be scared, stop crying," pag-aalo nito sa akin. Lalo naman akong napa-hikbi, bigla kasing rumagasa ang iba't ibang emosyon na alam kong nakatago lamang sa pagkatao ko at lumalabas kapag may mga pagkakataon na gaya ngayon na na-trigger ito. "I'm scared, totoo iyon. Paano na lang kung wala ka? Baka nakuha na nila ako at hindi imposible na baka kahit bangkay ko ay hindi makita ng mga magulang ko

