"Alam kong may mabigat na problema ka, babae ba?" nananantiya na tanong ko. "I'm in love with a woman who belongs to someone else, Declan." Pasulyap na tiningnan ko si Alexander. Kaya pala ang tahimik niya samantalang siya ang pinaka-maingay sa aming lahat. Tama nga ang hinala ko na may issue rin sa babae ang isang ito. "Well, that's bad, bakit hindi ka na lang tumingin sa iba? I mean bumalik ka sa dating gawi, enjoy yourself as always," payo ko dahil laman ng mga bar at mahilig sa babae ang kaibigan kong ito. "I'm not sure kung kaya ko ngang gawin 'yon," malungkot na sagot nito. "Kaya ka ba bumalik agad dito sa bansa dahil sa kan'ya?" Mabilis na yes ang sinagot ni Alexander kaya hindi na ako nagtanong pa. Ramdam ko ang bigat ng dinadala niya dahil sigurado akong first time na nagka

