"Oh my god!" malakas na bulalas ko ng makita ang itsura ng mukha ni Declan ng gumalaw ito. Maga ang buong mukha, nangangapal ang labi at lumobo rin ang bahagi isang mata. Nataranta ako ng makitang ganitong ayos ng asawa ko kaya malakas na tinapik ko ang balikat at braso niya hanggang sa kumilos si Declan sa harap ko. "Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalala na tanong ko at inalalayan siyang umupo. "Kaya mo bang maglakad papunta sa kama?" tanong ko ulit dahil kung hindi ay tatawagin ko ang mga tauhan niya. Hindi ko siya kayang buhatin. Sa laki ng katawan ni Declan, sigurado akong hindi ko siya kaya. Sa liit kong ito baka dalawa kaming sabay na matumba kapag pinilit ko. "It's okay, I'm fine," mahinang sagot ni Declan na inalalayan kong makaupo. "Fine? Iyang mukha mong 'yan, mukha ka ng pan

