Mukha lang kasi akong okay but deep inside, kinakabahan at natatakot ako. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas kahit saan. Laging may banta sa buhay ko kahit pilit na kinalimutan ko na ang lahat kaya nag-aalala ako para sa kaligtasan ng mga anak ko. Mukhang kahit saan ako magpunta ay sinusundan ako ng panganib. Katunayan lamang ito na hindi talaga ako ligtas dahil sa tingin ko ay matunton na ako ng mga tauhan ni Lazaro at ginagawa nila ang lahat para makaganti sa akin. Mabuti na lang talaga at naisipan kong gawan ng pekeng kwento si Declan. Kahit hindi maganda ang simula namin ay alam kong ligtas ako kasama siya. Malaking bagay na nasa poder niya ako dahil may kakayahan siyang protektahan ako. "Ano na, Laila?" untag ko dito dahil tuluyan na naman siyang nawalan ng kibo at sa prutas na bina

